NEGRA 5
Personal na pinuntahan ni Rita si Aldrin sa bahay nito. Since linggo at wala silang pasok. Ngunit ano nga ba ang plano ng dalaga, para mapabagsak ang kaniyang nag-iisa at matinding kaaway?
Panay ang pindot ni Rita sa doorbell ng gate ng bahay nila Aldrin. Walang mga yaya nito ang lumalabas upang tignan kung sino iyong magandang diyos na bumaba sa langit ang panay ang doorbell sa kanilang tahanan.
Ngunit laking gulat ni Rita ng si Aldrin mismo ang nagbukas ng gate para rito.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Aldrin kay Rita habang nakaangkla ang kamay nito sa maliit na gate nila. Natulala at parang nalaglag ang panga ni Rita ng makita ang hubad na katawan ng lalaki. Bagamat pang-itaas lamang nito ang hubad ay malaking bagay na ito para panghinaan siya sa kaniyang balak na gagawin.
"Uhm..." tila nakain na nito ang mga salitang gusto nitong sabihin. Hindi siya maka-concentrate dahil, busy ang kaniyang mga mata sa pagtitig sa abs ng binata. Oo, he's just 16 years old and yet perfect built na ang abs nito na para bang nang-aakit sa dalaga na hawakan ito.
"Natapon na ang basura namin kanina lang," sarkastikong sabi nito sa dalaga.
"Gusto ko lang sanang ibigay ito sa iyo," sabay abot ng box na hawak nito sa kaliwang kamay. Kinuha ni Aldrin ang box at saka akmang isasara na nito ang gate ng pinigilan ni Rita ito.
"Wait,"
"Ano na naman?"
"Uhm, pwedeng maki-inom?"
"Bumili ka nalang ng ice-tubig diyan sa tindahan,"
"Maarte itong lalamunan ko e, gusto nito wilkins. Balita ko wilkins ang tubig niyo dito sa bahay niyo,"
"Tsk. Pasok!" pagyaya pa nito sa dalaga.
"Nakapasok din! Haha! Malapit ka ng mahulog sa patibong ko, butiki!"
"Hoy, Negra. Bilang ko ang mga gamit namin dito sa bahay, at kapag may nawala dito, wala akong ibang pagbibintangan kundi ikaw,"
"Langya? Ako kaagad?" saka tumalikod si Aldrin at pumunta sa kusina nito. Namangha si Rita sa ganda ng bahay ng kaniyang mortal na kaaway. Hindi niya inaasahan na ang kasing demonyong ugali ni Aldrin ay bibiyayaan ng ganitong klaseng karangyang buhay.
"Oh? Tubig?" sabay abot ni Aldrin rito. Saka umupo ito sa kaniyang harapan.
"Nasaan na iyong ginawa kong macaroni salad?" tanong ni Rita kay Aldrin.
"Nasa ref na, bakit?"
"Uhm, kainin natin!"
"Kainin? Diba para sa akin iyon?"
"Oo, kaso nagutom ako e."
"May dog foods ako diyan, gusto mo?"
"Sige na, please..."
"Uy, si Miss uling nagmamakaawa. Bagay!? Maricel!!! Pakuha nga no'ng walang lasang macaroni salad na ginawa ng kaibigan kong pinaka-maitim sa balat ng lupa,"
"Hehe, ang funny mo talaga no?" sarkastikong sabi ni Rita kay Aldrin habang umiirap ang mga mata nito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay lumapit nang muli si Maricel, isa sa mga kasambahay ni Aldrin at inilagay ang dalawang platito na may lamang macaroni salad at nagdala na rin ito ng apat na slice ng cake para sa dalawa na ipinagtaka ni Aldrin.
"Oh? Bakit may cake?"
"Ah? Kasi baka utusan niyo na naman akong pakuhain ang cake, so dinala ko na dito. At isa pa, may juice na rin akong binitbit, may tissue na rin diyan sa gilid. Tapos, may dvd na rin akong dinala, incase na baka gusto niyong manood ng kaibigan mong maligno, kasi nanonood pa ako ng DESCENDANT OF THE SUN, kaya please shut up ka nalang!" sabay talikod nito. Halos pigil na pigil na si Rita sa kaniyang sarili na hindi matawa sa kaniyang nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
HumorRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...