NEGRA 10

437 11 1
                                    


NEGRA 10

"Akala ko ba okay na kayo ni Aldrin? Bakit hindi parin kayo nagpapansinan?" binatukan ni Rita si Pinky ng minutong iyon.

"Aray! Bakit?" reklamo pa nito sabay himas sa kaniyang ulo.

"Niyugyog ko lang ang ulo mo, ang bobo mo kasi e. Hindi kami magkaibigan ni Aldrin kaya anong sense ng pagbabatian namin sa school? At isa pa, kung may best of friends, kami best of enemies. Magkaaway ang tingin namin sa isa't-isa."

"Parang the more you hate? The more you love?"

"Tsk. Wala nga akong gusto kay Aldrin, ang kulit mo ah, kotong gusto mo ulit?"

"Biro lang fren, ang sakit kaya no'n. Anyways, speaking of bestfriend palapit na ang bf mo, ayiiehhh." Siniko ni Rita si Pinky at namilipit ito sa sakit.

"Oh? Anong nangyari sa iyo Pinky?" nag-aalalang tanong ni Terrence rito. Lihim na kinurot ni Rita sa tagiliran nito si Pinky.

"Ah? Pabayaan mo na siya, sinasapian lang iyan hindi ba fren?" binigyan lang siya nito ng masamang titig saka ito umalis ng oras na iyon.

"Are you sure na okay lang siya?"

"Oo naman, baka nagutom lang or what. So anong sa atin?"

"Hmmm, so? What's up?"

"Ah? Pwede ba kitang maimbitahan sa bahay mamaya?" biglang nataranta si Rita.

"A-ah... ano?"

"Pre? Tara na magsisimula na ang practice natin," sabi ni Travis, isa sa mga ka-teammate ni Terrence.

"Sige, susunduin nalang kita mamaya after ng school okay? See you later Gf," sabay takong kaway pa ni Terrence rito.

Kaagad niyang kinuha ang phone niya at tinext ang kaibigan niyang si Pinky.

Rita: Pinky!

Pinky: Oh? Problema mo bukod sa pagiging maitim mo?

Rita: Grabe? Nanlait kaagad? Jusko, kinakabahan ako, Pinky.

Pinky: Bakit? Magugunaw na ba ang mundo?

Rita: Oo, tapos ikaw raw ang unang mamamatay. Kaloka 'to! Inimbitahan ako ni Terrence sa bahay nila.

Pinky: Oo, inimbitahan din ako ni Terrence dati, pero pinaglinis niya lang kami ng bahay nila.

Rita: Seryoso? 0_0

Pinky: Biro lang! Tanga nito! Ni hindi nga kami close ng lalaking iyon e.

Rita: Futa! Anong gagawin ko? Anong isusuot ko?

Pinky: Hoy, maghulosdili ka nga, kababae mong tao? Nasaan ka ba? Sasamahan kitang bumili ng lubricant at condom.

Rita: Pakyu ka fren!

Pinky: Hehe

Rita: Seryoso nga!

Pinky: Gaga, 'wag mag-assume masasaktan ka lang!

Rita: Fine. Ang dami mong sinabi, wala ka namang naitulong!

Pinky: That's what friends are for. <3

Rita: Pakyu ka!

---

Dug dug. Dug dug. Kanina pa nagwawala ang puso ni Rita sa loob ng kotse ni Terrence. Malapit na sila sa bahay nila Terrence, sabi ng binata at kahit na panay ang salita ni Terrence at kwento ay panay lang din ang ngiti't tango ng dalaga. Dahil sa totoo lang hindi siya makapag-isip. Ni hindi nga niya sure kung ano nga ba itong nangyayari sa kaniya? Paano siya napapayag ng binata na sumama sa bahay nila nang gano'n gano'n lang?

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon