NEGRA 6

398 10 0
                                    


NEGRA 6

(Facebook chat)

Rita: Butiki?

Aldrin: Bakit Negra?

Rita: Hindi ka pumasok kanina?

Aldrin: Nakita mo ba ako?

Rita: Hindi nga -_-

Aldrin: So, hindi nga ako pumasok, care?

Rita: Concern lang ako sa'yo.

Aldrin: Wow! Ang pinaka-maitim sa balat ng lupa concern sa akin? Ano na namang nakain mo? Miss Uling?

Rita: Wala lang.

Aldrin: Ang itim mo na nga, ang weido mo pa.

Rita: Nag-aalala nga ako sa iyo, hindi ba pwedeng nag-aalala lang sa iyo?

Aldrin: Hindi, kasi hindi naman tayo close.

Rita: I know, pero magkaibigan naman tayo diba?

Aldrin: Well, naglalaitan tayo sa isa't-isa pero hindi ibig sabihin e magkaibigan tayo.

Rita: Arte mo, basta nag-aalala ako sa iyo.

Aldrin: Okay na ako Negra, nagpahinga lang ako bukas papasok na ako at lalaitin ulit kita.

Rita: Sige, bye goodnight butiki.

---

(Facebook chat)

Terrence: Rita?

Rita: 0_0

Terrence: J

Rita: Hi,

Terrence: Hello,

Rita: Oh? Napa-pm ka? May kailangan ka ba?

Terrence: Kailangan kaagad? Hindi ba pwedeng makipag-usap lang sa iyo?

Rita: Biro lang, okay. Hindi pa naman ako inaantok e.

Terrence: Ah, mabuti.

Rita: Anong ginagawa mo?

Terrence: Send a photo (Nang-pop up iyong litratong ipinadala ni Terrence kay Rita ay nabitawan nito ang kanyang phone. Paano ba naman, sobrang gulat niya ng makita niyang nakatopless at nakahiga si Terrence at nakangiti sa pinadalang litrato.

Terrence: Kita mo? Ikaw?

Rita: Send a photo (Selfie photo niya)

Terrence: Hindi kita makita.

Rita: -_-

Terrence: Biro lang, ang ganda mo diyan.

Rita: Biro parin ba iyan?

Terrence: Hindi ah? Talagang maganda ka.

Rita: Talaga?

Terrence: Well, mas maganda nga lang sa iyo si Sue.

Rita: So si Sue talaga ang dapat nating pag-usapan?

Terrence: Oo sana, kaso nahihiya ako sa iyo.

Rita: Langya? Iyang kagwapuhan mo nahihiya ka pa sa lagay na iyan?

Terrence: Oo naman, grabi 'to!

Rita: Sige na, ano bang kailangan mo?

Terrence: Wala naman, gusto ko lang sana na maging ka-close si Sue.

Rita: Edi ligawan mo!

Terrence: Ang diyahe e, palagi kasi niya akong iniiwasan.

Rita: Kasi, kilala kang heartbreaker.

Terrence: Grabi, hindi ba pwedeng namimili lang?

Rita: Sa benteng babaeng iyon wala ka pang napili?

Terrence: Paano mo nalaman?

Rita: Nabasa ko lang sa mga previous post mo sa facebook.

Terrence: Ikaw ah? Inistalk mo ako ah?

Rita: Kaunti lang haha.

Terrence: Ayun na nga, isa pa sa problema ko ay si Aldrin.

Rita: O? Paano napasok dito sa usapan si Butiki?

Terrence: Tawagan niyo?

Rita: Hindi, iyon talaga ang tawag ko sa kaniya. Remember? Aldrin Lizardo? Kaya, butiki!

Terrence: Gets ko na!

Rita: Ano nga paano napasok si Aldrin?

Terrence: Kasi, hindi rin ako makaporma sa kaniya kasi sobrang close nila ni Sue.

Rita: E bestfriend niya iyon e,

Terrence: Ayun na nga ang problema ko.

Rita: Edi kaibiganin mo rin si Aldrin.

Terrence: Ayun na sana ang balak ko, pero kasi parang ang laki ng galit sa akin ng taong iyon.

Rita: Gano'n lang talaga iyon, alam mo na?Adik!

Terrence: Pwede mo ba akong matulungan?

Rita: Ano naman ang maitutulong ko sa iyo?

Terrence: Pwede ba kitang maging bestfriend?

Rita: Ah?

Terrence: Bestfriend. Kasi kapag palagi na tayong magkasama, palagi ko na ring makakasama si Sue. Diba?

Rita: Pwede mo namang lapitan si Sue ng hindi ako nagiging kaibigan e.

Terrence: Siyempre gusto ko rin maging close tayo.

Rita: Okay. (Kinikilig deep inside)

Terrence: Goodnight na bestie

Rita: May tawagan kaagad?

Terrence: Hehe. Bye. <3

Rita: (Nahimatay, char lang!) 

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon