NEGRA 17
Lumipas ang mga araw at mas nakilala nang husto ni Rita ang lalaking kaniyang kinababaliwan. Iba. Ibang-iba ito sa kaniyang inaasahan. Hindi niya gusto ang mga trip ni Terrence. Ang pagpunta sa mga party at pag-inom ng alak. Pakikipagsayawan sa mga babaeng hindi naman niya kilala? Pang-tambay sa coffee shop at makikipagtitigan lang ito sa hawak niyang phone. Pagbili at pag-gasta ng mga bagay na hindi naman importante at higit sa lahat pag-display sa kaniya sa tuwing may lakad sila ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit isinasarili lang ito ni Rita at hindi niya sinasabi sa binata.
"Terrence, lalabas lang muna ako ah?" paalam pa nito sa binata, hindi na kasi siya halos makahinga sa loob ng bahay ng kaibigan ni Terrence. Birthday kasi ng kaibigan ni Terrence at kahit na birthday ngayon din ng kaibigan niyang si Pinky ay hindi siya nakasipot dito dahil sa sinabi ni Terrence na sasaglit lang sila dito, hindi naman niya maiwanan ang binata dahil ma-iinis at magagalit na naman ito.
"Mukhang ayaw ata sa atin ng girlfriend mo e," banat pa ng isang lasing nang kaibigan ni Terrence. Napatingin si Terrence habang palayong naglalakad palabas ng bahay si Rita.
Sa labas ng bahay na iyon ay nakahinga ng maayos si Rita, walang ano mang usok siyang naaamoy at malamig ang simoy ng hangin sa labas.
Nang mapatingin siya sa likuran niya nang may humawak sa kaniya, at si Terrence iyon.
"Gusto mo nang umuwi?" tanong ng binata sa kaniya. Tango lamang ang isinagot ni Rita sa kaniya.
"Edi, umuwi ka! Walang makakapigil sa iyo! Chupi!" pagtataboy pa sa kaniya nito. Sumikip ang dibdib ng dalaga at tila pinipigilang hindi maiyak. Habang hawak-hawak ang dibdib ay tumakbo siyang lumabas ng compound hanggang sa makarating siya sa kalsada at muntik-muntikan na siyang masagasaan mabuti nalang at may humila sa kaniyang kamay ng minutong iyon.
At nang makita niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki, napayakap siya nang mahigpit rito at do'n na siya humagulgol ng husto.
---
"Ice-cream oh? Para lumamig naman iyang ulo mo," sabay abot ng isang cup ng Ube Flavored Ice-cream ni Aldrin kay Rita. Tipid na ngiti ang ibinigay ni Rita dito, saka kinuha ang ice-cream at saka siya nagpasalamat ng matikman na niya ito.
"Paano mo nalaman na ito ang nagpapakalma sa akin?" tanong ni Rita sa kaniya.
"Aba? Malay ko," pag-iwas pang sagot ni Aldrin.
"Anyways, anong ginagawa mo do'n kanina?" kunot no'ng tanong ni Rita habang dinidilaan ang hawak na ice-cream.
"Do'n nakatira ang tita ko, may ibinigay lang ko sa kaniya,"
"Weeh?" tila hindi naniniwala ang dalaga sa sinasabi ni Aldrin.
"Wag kang feeling na sinusundan kita, at bakit naman kita susundan?" sabay iwas nito na magtama ang kanilang mga mata.
"Dahil, crush mo ako?" taas kilay na sabi nito.
"Woah! Pumuti ka lang, tumaas na rin ang tiwala mo sa sarili mo!" lumalaking butas ng ilong ni Aldrin.
"Hindi nga ba?" lumapit si Aldrin nang husto sa mukha ni Rita, tila hindin naman makahinga ang dalaga sa ginagawa ng binata. Kitang kita nito sa malapitan ang perpektong mukha ni Aldrin. Singkit na mga mata. Matangos na ilong. Perpektong jaw line. Makapal na kilay. At higit sa lahatm mapula at malambot na labi. Ang gwapo talaga ng kaaway niya!
"Oh? Bakit parang nanginginig ka?" sabay ngisi ni Aldrin.
Tila parang sinapian nang demonyo si Rita at gumalaw ang mukha nito't mas inilapit pa sa mukha ng binata, at hanggang sa mag-dikit ang kanilang mga labi. Saglitan silang napahinto at tila nagulat sa nangyari. Unang tumayo at lumabas ng convenient store, napatayo na rin si Aldrin at hinabol si Rita, ngunit kaagad na itong nakasakay ng taxi.
---
"Ano bang ginawa mo?" panay hampas sa mukha nito si Rita at yugyog sa kaniyang ulo at pagulong-gulo sa kaniyang higaan. Habang ang kaniyang ina ay tila nangangamba na sa nangyayari sa kaniyang anak.
"Anak? Nag-da-drugs ka ba?" kaswal na tanong ng ina ni Rita sa kaniya.
"Ma! Hindi," sabay tayo nito nang maayos.
"Pakipaliwanag kung bakit ka paikot-ikot sa loob ng kwarto mo?"
"Ma, may nagawa kasi akong isang kasalanan," yugyog pa nito sa katawan ng kaniyang ina.
"May pinatay ka anak?" nanlaking sabi ng ina ni Rita.
"Oa, Ma ah? Pinatay kaagad?" saka siya binatukan ng ina.
"Pinapakaba mo pa kasi ako e, ano nga?" bulyaw nito rito!
"Aray! May hinalikan ako,"
"Shit! Makukulong ka nga niyang anak?" tinakot pa ng Ina nito si Rita.
"Ma!"
"Joke lang, sino ba ang lucky guy na iyon?" umiling-iling lang si Rita at tila ayaw sabihin nito ang pangalan ng lalaking ninakawan niya ng halik.
"Sige, hulaan ko nalang..."
"Ma!!!"
"Cj?"
Iniling-iling nito ang ulo.
"Terrence?"
Umiling ulit ito.
"Okay, isa nalang..."
"Oo na, si Aldrin!" napapikit pa siya habang binanggit ang pangalan ng binata.
"Ah? Si Butiki,"
"Ma!!!"
"Diba iyon ang tawag mo sa kaniya?"
"Lumabas na nga po kayo!" pagtataboy nito sa kaniyang ina. Hindi niya alam kung nakatulong ba ang Mama nito nang nalaman nito kung sino ang lalaking ninakawan niya nang halik. Hays. Nagulo na naman tuloy ang isip at damdamin ni Rita.
---
"Tara na Cj," paghila pa ni Rita sa kamay ni Cj at akmang papasok na sila sa loob ng kotse ng binata. Ngunit mabilis silang naabutan ni Terrence at nahawakan din nito ang braso ni Rita.
"Rita, mag-usap tayo," tila nagmamaakawa ang tono ng boses ni Terrence sa dalaga. Tumingin siya dito saglit at saka sinabing...
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan," ngunit hindi parin binibitawan ni Terrence sa pagkakahawak sa balita si Rita.
"Hindi kita bibitawan hannggang hindi mo ako kinakausap,"
"Pare, bingi ka ba? Ayaw ka ngang kausap!" sabi ni Cj kay Terrence.
"Hindi ikaw ang kausap ko," sabay muling titig kay Rita.
"Rita..." bigla nalang sumapok ang kamao ni Cj sa mukha ni Terrence at nagkarambola silang dal'wa sa kalsada at nagkagulo.
---
Sa bahay ni Cj.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi na makipag-sapakan ka sa kaniya? Ayan tuloy, ang dami mong sugat at pasa," panay dampi ng bulak sa mukha ni Cj ng minutong iyon. Napatigil si Rita ng hawakan ni Cj ang kaniyang kamay at magtama ang kanilang mga amta.
"Cj..." biglang narinig ni Rita na kumukulo na ang tubig na pinainit nito.
"Iyong, tubig! Kumukulo na," sabay tayo ni Rita at iwas kay Cj ng minutong iyon. Lumapit si Cj kay Rita sa kusina at do'n na rin inabot ni Rita ang kape na ginawa nito para sa kaibigan.
"Salamat," nakangiting sabi ni Cj kay Rita, umiwas ito ng tingin sa kaibigan.
"Hmmm, ayaw ko lang kasi na binabastos at ginagago ka ng lalaking iyon,"
"Sorry," tila nahihiyang sabi ni Rita.
"Bakit ka humingi ng sorry?"
"Kasi, dahil sa akin nag-aalala ka."
"Tsk. Normal lang sa akin na mag-alala at umarte ng ganito," do'n na naman na wirduhan si Rita sa sinabi ni Cj.
"Ah?"
"Maybe it's time for you to know everything," saka ito huminga ng malalim.
5f\
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
ComédieRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...