NEGRA 11
Aldrin: Negs, pupunta ka ba sa birthday ni Sue?
Rita: Bakit mo naman naitanong?
Aldrin: Kasi kailangan kita do'n.
Rita: What?
Aldrin: Ay, mali! Kailangan ka pala namin do'n. Kulang sila ng mga tagasilbi sa bahay nila kasi kaka-resign lang ng isang katulong nila Sue, pwede ka ba?
Rita: Mukha ba akong katulong?
Aldrin: Hindi, mukha kang uling.
Rita: Butiki kang hayup ka.
Aldrin: Hehe.
Rita: Ikaw? Pupunta ka ba?
Aldrin: Bakit kapag hindi ba ako pupunta, hindi ka na rin pupunta?
Rita: Imbitado ako ni Sue sa birthday niya at kailangan ko talagang pumunta do'n.
Aldrin: Woah! Close kayo? Uhm, bakit parang may nararamdaman akong may gagawin ka na namang kalokohan do'n?
Rita: Kalokohan kaagad?
Aldrin: Oo, kalokohan at kadumihan. Magkakalat ka na naman ng dumi mo do'n!
Rita: We'll see. Bye, Butiki!
---
Araw ng birthday ni Sue. Sa isang sikat na hotel ginanap ang birthday party nito. Late na nakarating si Rita kasi nagpaayos pa ito sa isang kilalang beauty parlor ng kaibigan niyang si Pinky. At nang lumapit na ito kay Terrence ay halos hindi siya nito makilala.
"Rita?" napangangang sabi nito.
"Uy, ang bibig mo. Baka pasukan ng langaw,"
"Walang langaw dito sa hotel. Okay, are you ready?" kahit na pumayag si Rita ay hindi parin niya maiwasang kabahan o matakot sa maaring mangyari. Paano kung pumalpak siya? Paano kung ayaw isuot ni Sue iyong necklace? Paano kung bigla nalang magka-aberya? Paano kung hindi sagutin ni Sue si Terrence? Paano na siya? Paano na silang dalawa?
"Kaya mo iyan. I believe in you," sabay halik pa sa noo ni Terrence sa dalaga. Do'n siya nabigyan muli ng lakas ng loob para gawin ito sa taong mahal niya.
"Sige na hanapin mo na si Sue," saka tumakbo nang pumasok sa loob si Rita ng makarating na siya sa loob ay hindi niya inaasahang matabig ang isang lalaki.
"I'm sorry," paghingi pa ng tawad ng lalaki sa kaniya. Tinitigan niya ng husto ang lalaking bumangga sa kaniya at alam niya at kilala niya kung sino ito.
"Aldrin?" muling humarap ang lalaki sa kaniya.
"Yes? Miss?" tanong nito na para bang hindi niya naaalala kung sino ito.
"Ako ito,"
"Who?"
"Ako ito, si Margarita?"
"May kilala akong Margarita, pero hindi mo siya kasing ganda."
"Owwss! Binobola mo naman ako e,"
"Seriously, mas maganda ka pa sa kaniya. Saan nga ba tayo nagkakilala?" kinuha ni Rita ang phone niya at saka niya pini-em si Aldrin.
"Uhm, tignan mo may pm ako sa iyo."
Rita:Hoy, kupal lord na butiking si Aldrin. Ako ito, si Rita Negrita. Ang babaeng nasa harapan mo.
Dahan-dahan na napaangat ng ulo si Aldrin at tinitigan ng husto si Rita. Napansin pa ng dalaga na napalunok ito ng laway at tila nawala sa wisyo.
"Uhm, I'm sorry miss. I have to go."
"Wait!" pagpigil pa ni Rita kay Aldrin.
"Para kang tanga! May itatanong lang ako sa iyo, nakita mo ba kung nasaan si Sue?"
"Nasa room 203 puntahan mo nalang siya doon kung gusto mo,"
"Thank you," sabay niyakap niya ng mahigpit si Aldrin at umalis na ito't iniwan siyang lutang ng minutong iyon. Hindi niya alam kung bakit gano'n nalang ang naramdaman niya ang magdikit ang kanilang katawang dalawa. Tila parang may gustong kumawala sa loob niya ng hindi nga niya maintindihan.
Habang si Rita ay patuloy sa paghahanap kay Sue, nakarating na siya sa Room 203 ngunit kaaalis lang raw ng birthday celebrant do'n at ngayon she's going on the stage sa Grand Hall ng hotel. Muli siyang bumaba, hindi na siya nag elevator para bumaba do'n na siya sa exit naglakad. Hawak-hawak ang necklace na iniabot sa kaniya ni Terrence at nang makarating na siya sa Grand Hall ay ipinagsiksikan nito ang kaniyang sarili maaabot lang sa harapan upang maibigay kay Sue ang necklace, ngunit bigla nalang namatay ang ilaw.
Nagsigawan at nagkagulo sa loob ng kwartong iyon. Maya-maya biglang nalang may humawak ng kamay ni Rita. Ramdam nito ang malamig na palad ng taong humawak sa kaniyang kamay. Saka ito nagsalita.
"Alam kong hindi ako karapat-dapat para sa iyo, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka." napalunok ng laway si Rita at tila naguguluhan sa nangyayari.
Tamang-tama sa pagbukas ng ilaw ay ang pagkatapos ng linya ng sinabi ng lalaki.
"Would you be my girlfriend?" laking gulat nito na si Terrence pala ang nasa kaniyang harapan. Na si Terrence pala ang may hawak sa kaniyang kamay. Na si Terrence Borromeo na ngayon ay pinagtitinginan ng mga tao sa lugar na iyon. Sunod-sunod ang kislap ng ilaw na galing sa kani-kanilang kamera sa mga taong nasa kanilang paligid. Tila kinikilig sa nangyaring papo-propose ng lalaki sa dalaga.
"Say yes!" sigaw pa ng isang ginang na siyang ginatungan ng iba pa.
Napatingin si Rita sa malungkot na mga mata ni Terrence. At inikot nito ang kaniyang mga mata hanggang sa matamaan nito ang mata ni Aldrin na bigla nalang lumisan ng minutong iyon, at ang huli ay si Sue na ang sama-sama ng titig sa kaniya.
Bigla nalang tumayo si Terrence at tila galit na lumisan sa lugar na iyon. Hinabol ni Rita si Terrence ngunit masyado itong mabilis tumakbo ng oras na iyon at bigla nalang siyang nawala na parang bula.
---
"Anak? Okay ka lang?" isa sa pinaka-bobong tanong na palagi nating naitatanong sa taong alam naman nating hindi okay. Pero still tinatanong parin natin? Bakit kaya?
"Hindi ako okay ma. Kahapon pa ako umiiyak. Hindi ako okay ma," walang ganang sagot ni Rita sa kaniyang ina.
"Oo, kahapon ka parin hindi naliligo. Kaya siguro hindi ka okay dahil hindi ka pa naliligo. Kaya dinalhan na kita ng tubig dito at tabo, may sabon at towel na rin baka kasi gusto mo na dito sa kwarto mo maligo, pwede naman,"
"Ma naman e!" sigaw pa ni Rita saka lumabas ng kwarto na niya ito.
Alam niyang wala namang mangyayari kung magmukmok siya sa loob ng kwarto niya't hindi pumasok sa school. Isang napakalaking katahangan ang nangyari no'ng isang araw. Isang malaking bad timing, Kaunting minuto nalang, bakit hindi pa siya pinagbigyan? Sobrang lapit na niya kay Sue. At malapit na rin niya sanang iabot ang necklace na iyon kay Sue, pero hindi parin nangyari.
Napatingin si Rita sa balde na may tubig at tabo nakalagay sa gilid ng kama nito. Saka siya nakapagdesisyon. Hindi pupwedeng palaging ganito! Walang mangyayari kung magtatago lang siya, kailangan niyang ipaliwanag kay Terrence. Bahala na! Bahala na kung anong mangyari. Bahala na kung saktan na naman siya ng mga fans nito. Bahala na, basta maipaliwanag niya lang ang nangyari dito. Maiintindihan naman siya nito, kaibigan siya nito. Sana nga magkaibigan parin siya pagkatapos ng nangyari.
y�q���
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
HumorRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...