NEGRA 16

349 10 0
                                    


NEGRA 16

"Anak, may bisita ka," nakasimangot na bungad ng Nanay ni Rita sa kaniya.

"Salamat Tita," magalang na sabi ni Terrence rito saka pumasok sa loob ng kanilang bahay. Nagulat at hindi inaasahan ni Rita ang pagdalaw ni Terrence ng araw na iyon, at ang mas kinagulat pa niya ay ang pagbitbit nito ng mga pagkain at bulaklak na sobra dami at ganda.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rita sa binata.

"Ah? Dinadalaw ka?" tila nahihiya siya na sabihin ang gusto nitong ipunto ng oras na iyon.

"Dalaw? E wala naman akong sakit ah?" napakamot nalang ng ulo si Terrence at inabot ang bulaklak sa dalaga, kinuha naman ito ni Rita at saka inamoy, napatingin siya sa Nanay niyang nakataas ang kilay habang nakatitig kay Terrence ng masama. Inilapag niya ang bulaklak sa may lamesa saka hinila si Terrence at kinausap sa labas.

"Terrence,"

"Oo, alam kong galit si Tita sa akin. Alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon," hindi makatingin sabi ni Terrence kay Rita. Hinawakan ni Rita ang kamay ng binata, at do'n na siya napatitig rito.

"Kaya nga, ako na ang humihingi ng pasensya."

"Hindi! Ako ang dapat humingi ng pasensya, sa totoo lang hindi ko alam kung paano kong nagawa pang magpakita sa iyo, pero kasi habang dumadaan ang oras at araw na iniiwasan kita. Pakiramdam ko nasasaktan kita ng husto, at hindi ko gustong nakikita kang nasasaktan, kaya patawarin mo ako, Rita." Hinigpitan ni Terrence ang hawak sa kamay ng dalaga.

"Wala iyon," nakangiting tipid na sagot ni Rita.

"Ibig bang sabihin nito e..."

"Oo,"

"Oo as in oo?" excited na tanong ni Terrence rito.

"Uy, hindi pa kita sinasagot ah? Manligaw ka muna,"

"Gusto mong ligawan kita?" kumunot ang noo ni Rita sa sinabi ng binata.

"Hehe, biro lang. Oo naman, liligawan kita Rita," saka hinalikan nito ang kamay ng dalaga, tinago naman ni Rita ang kilig na naramdaman ng minutong iyon.

"Salamat,"

"Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo, kasi dumating ka sa buhay ko." saka sila nagyakapang dalawa ng oras na iyon.

---

After ng klase nila Rita.

"Hot chick na naman iyan boy ah?" kumento pa ng isang kaibigan ni Terrence rito ng makita itong naglalakad papasok sa loob ng basketball court kasama ang kaniyang nililigawang babaeng si Rita.

"Guys, si Rita nga pala," nakaakbay si Terrence kay Rita ng minutong iyon at tila nahihiya si Rita na ipinapakilala siya nito sa mga kaibigan nito't mga ka-team-mate.

"Si Rita? Iyong dating Negra?" duro pa nito kay Rita ng minutong iyon, sa sobrang inis ni Terrence ay tinulak niya itong si Louie at saka muntikan nang masapak, mabuti nalang at nahila ni Rita ang damit ng binata at napigilan ito. Nasalo naman si Louie ng mga kasama nito, at nang makatayo ay muli na naman itong bumanat nang sagot.

"Bakit? Tama naman ako ah? Negra naman talaga iyang si Rita dati, 'diba nga diring-diri ka pa nga sa kaniya dati?" hindi na nakapagpigil si Terrence ng minutong iyon at sinugot na nito si Louie at sinapak ang mukha, nagkagulo silang dalawa, hanggang sa ipatawag silang dalawa sa guidance office.

Nang makalabas si Terrence sa opisinang iyon ay kaagad niya itong sinalubong, halos magdikit na ang mga kilay nito sa sobrang inis ng oras na iyon. Nang makarating sila sa loob ng kotse nito ay tahimik parin si Terrence, hanggang sa hawakan ni Rita ang kamay ng binata at mapalingon ito rito.

"It's okay," kalmadong sabi ni Rita kay Terrence.

"Rita, binastos ka nila sa harapan ko, hindi okay iyon!" bulyaw nito rito.

"Binastos nga ba talaga nila ako? o ikaw ang nabastos?" natahimik si Terrence ng minutong iyon sa sinabi ni Rita sa kaniya. Tila na-guilty siya sa kaniyang mga inasal noon, at nagsisisi na siya ngayon.

"I'm sorry,"

"Ano ka ba? Okay lang iyon, you don't have to say sorry. Naiintindihan ko, sa totoo nga lang. Hanggang ngayon? Tinatanong ko parin ang sarili ko kung paano tayo naging close at paano tayo humantong sa ganito? Pangarap lang kita dati, Terrence. Alam mo iyon? Iyong kaisa-isang lalaking nagbibigay ng saya sa akin tuwing P.E class namin dahil nakikita kitang naglalaro sa basketball court kasama ng mga ka-team-mate mo. Ewan ko, parang sa tuwing naipapasok mo iyong bola sa ring? Parang sobrang saya ko, at malungkot naman kung pumapalya at naiinis ka."

"R-rita..."

"It's okay, okay lang ako. Naalala ko lang iyon, mga panahon na may activity kami sa filipino at kailangan raw naming ibigay iyong loveletter na ginawa namin para sa taong nagugustuhan namin. Lumapit ako sa iyo, at kahit na kinakabahan ako at kahit na natatakot ako na baka... daanan mo lang ako? Gaya ng palagi mong ginagawa sa tuwing pilit kong lumalapit sa iyo, okay lang. sinubukan ko parin, good thing tinulungan ako ng kaibigan kong sobrang kinaiinisan ko at siya itong nag-abot ng sulat ko para sa iyo, pero alam mo ang nagpawasak sa puso ko? Hindi iyon ginawa ng kupal na iyon, kundi ang pagpunit mo sa sulat ko, pero okay lang iyon. Okay parin naman ako, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa iyo, ika nga nila... Past is past. Hindi na dapat nating kailangang ibalik ang nakaraan, dahil maaari lang itong makasira sa kasalukuyan," hindi na napigilan ni Rita ang maiyak habang naaalala ang mga nakaraang nakalipas. Kung paano niya sinubukang makalapit sa mundo ni Terrence at palagi naman siyang umuuwing luhaan.

"I'm sorry, I was too blind to see,"

"It's okay, just like what I've said. Lets forget all about these and we must move on," saka niya pinunasan ang luha at nagyaya na itong umuwi.

---

Walang magawa si Rita ng gabing iyon at tinatamad naman siyang bumaba para manood, kaya kinuha nalang niya ang kaniyang phone at binuksan ang data-connection at saka hinanap ang messenger. Pinindot ito at kaagad na hinanap ang pangalan ng taong gusto niyang makausap.

Rita: Butiki?

Aldrin: Seen.

Rita: Galit ka parin ba?

Aldrin: Uy, bakit naman ako magagalit sa iyo? Ano bang dapat kong ikagalit? May ginagawa ka bang mali para magalit ako?

Rita: Seen.

Aldrin: Wow, tapos ako naman itong i-se-seen mo?

Rita: Pwedeng nag-iisip ng sasabihin?

Aldrin: Namiss mo ako no?

Rita: Kung oo, ano naman sa iyo?

Aldrin: Aysus!

Rita: Ano iyan?

Aldrin: Wala.

Rita: Anong wala?

Aldrin: Seen

Rita: Pucha!

Aldrin: Opppss.. 'diba bawal ka ng mag-mura?

Rita: Sinong nagsabi?

Aldrin: Iyong boyfriend mo?

Rita: Sino si Cj? Tanga! Kaibigan ko lang iyon.

Aldrin: Kaibigan?

Rita: At kailan ka pa nahimasok sa buhay ko ah?

Aldrin: Wala lang.

Rita: Ang weirdo mo!

Aldrin: Ang pangit mo!

Rita: Hoy! Maganda na ako ngayon.

Aldrin: Kaso, wala akong pake.

Rita: Grrrr. Nakakainis ka talaga.

Aldrin: Oppps! Pumangit ulit siya.

Rita: Whatever.

Aldrin: Uy, galit siya.

Rita: Seen (saka hindi na ulit nagreply)

Aldrin: Sige na, maganda ka na. 

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon