NEGRA 14

350 12 4
                                    

NEGRA 14

Mukhang successful naman operation ganda ni Rita dahil unti-unti na siyang napapansin ng mga tao hindi lang sa kanila pati na rin sa school nila. Panay na ang tingin at wala na siya halos naririnig na panlalait galing sa bibig ng mga lalaki, pero sa mga babae, inis. Inis ang palagi niyan naririnig, marahil ito na ang sinasabi ni Pinky na mga insikyora. Naiinggit sila sa pagbabago ni Rita.

Hanggang marinig nito na nag quit si Terrence para sa performance nito para sa darating na benefit concert nila this week na.

"Sue anong nangyari?"

"Who are you?" tanong ni Sue rito.

"Ako ito, si Rita."

"Really? uhm, nagkaproblema e, si Terrence biglang nagback out. God! Rita, we have one week left at ngayon pa siya nagback out for what?"

"Kakausapin ko siya," tinawagan ni Rita si Terrence ngunit out of coverage ito. Kaya kaagad niya itong pinuntahan sa basketball court para tignan kung narito ito, ngunit wala siyang nakitang Terrence do'n ipinagtanong niya ito sa mga ka-teammate nito ngunit ilang araw na raw itong hindi nagpaparamdam sa kanila.

Kaya nagdesisyon si Rita na puntahan ito sa bahay niya at she found him there.

Pinapasok siya ng guard nila since kilala na siya nito at kaagad itong dumiretso sa kwarto ng binata. Kumatok siya ngunit biglang bumukas ang pintuan at nakita niya si Terrence dito na balot na balot ang katawan, hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kaniya ang kasambahay ni Terrence at nagulat nalang ito nang bigla itong magsalita.

Ang sabi, ilang araw na raw na masama ang pakiramdam ni Terrence pero ayaw raw nitong magpahatid sa hospital at palagi raw nitong sinasabing okay siya. Wala siyang naisip na tawagan kundi si Cj, kaya nang tinawagan niya ito at sinabi niya ang dahilan ng pagtawag nito ay hindi nagdalawang isip si Cj na papuntahan ang personal doctor nila para icheck-up si Terrence kung ano na ang condition nito.

"Talagang mahal mo siya no?"

"Ewan," walang ganang sagot ni Rita.

"Marga, it's okay."

"Cj, thank you ah? Paano nalang kung wala ka."

"Ano ka ba? Magkaibigan tayo hindi ba?"

"Pero kasi... parang feeling ko nagiging unfair ako sa iyo. Ni wala naman akong naibibigay sa iyo, pero ikaw, ang bago-bago palang nating magkaibigan ang dami mo nang naitulong sa akin,"

"Makita lang kitang masaya, okay na ako." saka ito ngumiti ang muling ibinaling ang tingin sa nagpapahingang si Terrence.

Kinaumagahan ay nagising na si Terrence. Nagulat ito nang may natutulog sa bandang paanan niya, tumayo siya at sinilayan ito.

"Miss?"

"Uhm," sagot ni Rita.

"Who are you?" nagising na si Rita at saka siya nagkamot ng mata nito ng minutong iyon.

"Oh? Gising ka na pala Terrence,"

"Who are you?!"

"It's me, Rita."

"Margarita? P-pero..."

"I know, medyo pumuputi na ako? Thanks to my so called fairy godfather, anyways kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Don't tell me ikaw..."

"No! I told my friend na isama niya rito ang personal doctor nila to check up you at thankful to god at gumaling ka na kaagad, ano ba kasing nangyari?"

"It's none of your business anyway," medyo may inis parin sa tono ng boses ng lalaki.

"Tungkol parin ba ito sa nangyari sa birthday party?" napahinto sa paglalakad si Terrence at hinarap si Rita.

"I knew it! You know what? I'm sorry, I'm sorry kung nagmukha kang tanga do'n hindi ko naman sinasadya e, it's so bad timing. At isa pa, hindi lang naman ikaw ang nasaktan at nagmukhang gago do'n e ako rin. Ako rin, Terrence,"

"Ayun na nga ang problema ko e! Alam ko naman na hindi ako gusto ni Sue pero ipinagpipilitan ko pa. Sa totoo lang, hindi naman iyon ang pinoproblema ko, kundi ikaw. Ikaw ang nagiging problema ko,"

"Bakit?"

"Kasi pakiramdam ko nagiging totoo na itong nararamdaman ko sa iyo,"

"W-what?"

"I know it's weird pero I think I like you, Rita." Umiwas ng tingin si Rita at saka niya pinunasan ang luha niya. Do'n naman lumapit si Terrence.

"I'm trying to avoiding you para mawala iyong inis ko sa sarili ko na ipinagmukha kong tanga iyong kaibigan ko. Iyong taong talagang nagugustuhan ko. You know what? I pray that kung hindi man si Sue ang makatuluyan ko, sana ikaw nalang."

"Terrence..." pagpipigil pa niya sa kaniyang sarili.

"Look, Rita I'm so sorry kung nasaktan kita. Kung nasaktan ka ng mga tao dahil sa akin,"

"It's okay, I'm okay. I think I have to leave, baka nag-aalala na si Mama sa akin," dinaanan niya si Terrence ngunit pinigilan siya nito at niyakap patalikod.

"Rita... don't leave me."

"Terrence, hindi tayo bagay."

"What?"

"Hindi tayo para sa isa't isa."

"Ano? Hindi kita maintindihan,"

"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, I'm sorry I have to go," saka nito binitawan ang kamay ng binata sa pagkakayakap nito sa kaniya at tumakbo palabas ng bahay nila Terrence.

Sa labas ng bahay nila Terrence do'n na bumuhos ang luha ni Rita kasabay ng pagbuhos ng malakas ng ulan. Sa totoo lang pwede naman niyang sabihin sa binata na gusto niya ito, since aware naman ito dati pa na mahal niya ito, pero may kakaiba siyang takot na naramdaman ng marinig ang mga salitang iyon sa binata. Hindi niya alam, parang natakot siya. Natakot siya na mahalin ng isang katulad ni Terrence. Ang weird, pero iyon ang totoong nararamdaman ni Rita.

Kailangan niyang mag-isip ng mabuti, at ayaw niyang magdesisyon na nasa huli siya lang din ang masasaktan. 

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon