NEGRA 13
(facebook chat)
Cj: Marga?
Rita: Yes?
Cj: Ano napag-isipan mo na ba iyong plano?
Rita: Alam mo parang ginagawa mo lang itong bagay na ito para maka-score ka sa akin e, hello Cj. Hindi kita gusto, tatandaan mo iyan ah?
Cj: Anong pinagsasabi mo? Alam mo Marga, magustuhan mo man ako o hindi okay lang. Atleast masaya akong naging kaibigan kita.
Rita: Ang weirdo mo talaga!
Cj: So ano?
Rita: Fine otw na nga oh? Inaantay ko nalang iyong kaibigan ko. wait lang okay?
Cj: Okay, I'll wait you then.
---
Rita: Pinky Soledad!!!!!!!
Pinky: Galit na galit?
Rita: Saan ka na ba?
Pinky: Nasa bahay pa!
Rita: Lintek! Ang usapan natin dapat ten nandito ka na sa bahay e, anong petsa na?
Pinky: Ay, sorry hindi mo sinabi kung PM O AM.
Rita: Ay bobo talaga! Jusko! Masisiraan ako ng ulo sa iyo,
---
Rita: Cj, pwede mo ba akong pick-upin dito sa bahay? (Sobrang nahihiya)
Cj: Sure, I'm on my way.
Few minutes later.
Rita: Pinky, jusko lumabas ka na diyan!
Pinky: Nandito ka na kaagad? Ang bilis naman?
Rita:: Kakalbuhin talaga kitang lekresiya ka!
"Ito na nga e, galit k-kaagad... sino siya?" sabay turo kay Cj.
"Hi, I'm Cj. Marga's boyfriend." Nakangiting sagot ni Cj sabay nakipagkamay kay Pinky ng minutong iyon.
"Ay, baliw din." Hinila niya si Rita ng saglit saka kinausap ito ng masinsinan.
"Hoy babaeng malantud! Sino siya?" mahinang bulong pa nito sabay sipat sa lalaking sobrang gwapo.
"Diba nga si Cj?"
"Pucha! Alam ko, Cj ang pangalan niya pero ang bilis mo naman atang maka-move on kay Terrence at may gwapo ka na namang kalandian?"
"Fren, ang sakit mo naman magsalita? Kalandian kaagad? Hindi ko nilalandi iyang si Cj, siya ang lumalandi sa akin,"
"Woah ah? Nahiya raw ang beauty ko sa iyo, sobra! Anyways, bakit ba natin siya kasama?"
"Siya kasi ang manlilibre sa atin,"
"Wow! Ang gwapo naman niyang cougar,"
"Well kung cougar ang term mo for handsome like me, I can accept that as compliment, tara na?" saka na sila pumasok sa kotse ni Cj.
---
Idinala ni Cj sina Pinky at Rita sa isang kilalang nitong Salon, well at first nagulat ang mga salon expert kung sino ang kasam ni Cj, mukha raw silang mga basahan. Gusto nang sapakin ni Rita ang nagsabi no'n mabuti nalang naunahan siya ni Pinky at kaagad itong sinapak. Natanggal ang babaeng iyon ng minutong iyon for being rude sa kanilang customers, at sinimulan na ang operation beauty 101.
After nilang maayusan ay kaagad din naman silang pumunta sa opisina ni Mr. Calayan, nagbigay ng appointment si Cj mismo Kay Doc. Calayan para bigyan sila ng panahon to check up ang balat ni Rita. And when they get there, sobra silang nashock nang makita nila in person ang mag-asawa ito kaya hindi nila naiwasang magpa-selfie.
At natuloy na ang check up with Rita. After the check up kailangan raw bumalik ni Rita para sa operation, well hindi naman raw masakit ang operation since laser naman raw ito, pero kailangan raw niyang mag-iwas muna na madirect contact with the sunlight since open raw ang pores niya. At may mga kailangan siyang lotion at gamot na kailangang inumin. Nangamba si Rita baka raw kasi sobrang mahal nito, siyempre sagot lahat ito ni Cj. At hindi nalang nakapagsalita si Rita.
Sumunod nilang pinuntahan ay ang dress shop. Shopping kung shopping si Pinky ng mga damit na gusto niya, e kesyo sagot naman raw ni Cj. Si Rita na mismo ang nahihiya sa pinagagawa ng kaibigan, pero okay lang raw ito kay Cj. Si Cj naman mismo ang pumili ng mga damit na babagay kay Rita since he have a sense of fashion at wala naman raw na damit na hindi babagay kay Rita since slim siya at sexy.
Nang matapos silang magshopping kumain naman sila sa isang sosyal na restaurant. First time ni Pinky na makapasok sa ganitong klaseng restaurant, well si Rita ay nadala na ni Terrence once, pero iba kasi kasama niya ngayon ang kaibigan.
Nang matapos na silang lahat sa kanilang ginawa buong araw ay inihatid na ni Cj si Rita sa kanilang bahay at tumambay na muna sila sa bubungan nila Rita na kung saan madalas tumambay at magmuni-muni si Rita kapag nag-iisa o may problema.
"How is it?" tanong ni Cj.
"Ano?"
"Tsk. Okay, kumusta ka nalang?"
"I'm fine,"
"Kumusta ka ngayon,"
"Mas okay na,"
"Hindi ka ba masaya?"
"Sobrang saya ko nga, at sobrang salamat kasi pati iyong kaibigan ko napasaya mo rin."
"Wala iyon, pero ang concern ko e ikaw... gusto mo ba talaga itong gawin? Gusto mo na ba talagang pumuti?"
Bigla siyang napatahimik at sandalian napag-isip sa itinatanong ng kaibigan.
"Look, Marga. If you don't want to do this, pwede naman nating i-cancel..."
"No! Sayang naman naumpisahan na,"
"Pero..."
"Cj,"
"Masaya ka ba?"
"Oo naman," hindi na napigilan ni Rita ang maluha.
"Sobrang saya ko. Alam mo bang dati, pangarap ko lang na pumuti ako. Kasi alam mo? Sawang-sawa na akong asarin at laitin ng mga tao dahil sa kulay ko. Sawang-sawa na akong tawaging Negra, uling, dumi, putik. Ayaw ko nang tawagin nila ako sa gano'ng bagay,"
"At sa tingin mo kapag pumuti ka at gumanda rerespetuhin ka na nila?"
"I don't know," sabay punas nito sa kaniyang luha.
"Hindi ko alam, malay mo magbago na ang pagtrato nila sa akin."
"Fine, I'll go ahead. It's getting late, good night." Then he gave him kiss on her cheek na kung saan kinagulat ni Rita ng minutong iyon, saka bumaba na si Cj at huli na niya itong nakita nang sumakay na ito sa kotse pinaandar ito ng sobrang bilis.
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
HumorRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...