NEGRA 1
(Chat Facebook)
Rita Negros: Fren, inaasar na naman ako ng butiking iyon.
Pinky Wingkie: Nino? Ni, Aldrin?
Rita Negros: Oo, walang iba.
Pinky Wingkie: Bakit tungkol ba ito sa pinost mo kanina?
Rita Negros: Oo, ano bang masama sa pinost ko?
Pinky Wingkie: Gaga ka? Ang sama talaga ng pinost mo. Pa-famous ka rin e no? Sa tingin mo, sa 107 mong likes may naawa ba sa iyo? Ni wala ngang nagcomment do'n maliban sa usapan niyo ni Aldrin mo.
Rita Negros: Hoy! Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo. Iyong butiking iyon? Hindi ko crush iyon?
Pinky Wingkie: Talaga?
Rita Negros: Oo, mamatay man ako ngayon.
Pinky Wingkie: Ows? Wait lang ah?
Pinky Wingkie: Send a picture (Capture ni Pinky sa kaniyang slumbook no'ng first year highschool sila ni Rita,)
Rita Negros: What the! Ano iyan?
Pinky Wingkie: Wala pala ah?
Rita Negros: Futa ka! Hindi ako iyan!
Pinky Wingkie: Sige, mag-in-dinayal pa!
Rita Negros: Fine, ako na! Pero dati iyon! Iyong panahon na hindi ko pa nakikilala iyong tunay na ugali ng butiking iyon!
Pinky Wingkie: Aysus, o anong balak mo?
Rita Negros: Wala.
Pinky Wingkie: Wala kang balak?
Rita Negros: Ano bang dapat kong gawin?
Pinky Wingkie: Uhm, make him fall.
Rita Negros: Gaga! Iyon? Paiibigin ko? Makita pa nga lang ako e nandidiri na. Akala mo kung sinong perpekto!
Pinky Wingkie: Gwapo! Gwapo ang term do'n at isa pa. Sikat siya! Wala ka ba talagang gusto sa kaniya?
Rita Negros: Wala nga! Bakit mo ba pinagpipilitan? Baka ikaw ang may gusto sa kaniya?
Pinky Wingkie: Hoy! Masaya na kami ni Red no? At mahal na mahal niya ako!
Rita Negros: Tsk. Iyong Red mong ubod ng tamad? Ubod ng bobo? At ubod ng kupal?
Pinky Wingkie: Ay, makalait parang perpekto?
Rita Negros: Sorry na, haha.
---
Rita posted a picture on facebook. A selfie of her snapchat with flower in her head. Aldrin commented on picture.
Rita: Ang ganda ng bulaklak sa ulo ko, kaso... hindi naman bagay sa akin.
Aldrin: Ang ganda ng caption ah? At bagay na bagay ang snapchat mong iyan, bulaklak. Tapos ikaw iyong lupa na kinakapitan nito. Lol!
Rita: Wow? May butiking bumisita sa profile ko. Hi, Butiki <3
Aldrin: Hello, Nega Negrita!
Rita: Ano na naman bang trip mo ah?
Aldrin: Wala, bored lang kasi ako.
Rita: Ay? Bored? K fine.
Aldrin: Negrita! Mag-fi-facebook live ako mamaya panoorin mo ako, promise puputi ka kahit mga one percent. Lol!
Rita: Hehe? Gano'n? 'Wag na busy kasi ako.
Aldrin: Busy ka? Saan? Sa pag-iisip kung paano ka pa puputi? 'Wag na! mahihirapan ka lang, sobrang dami kaya ng libag na naipon diyan sa katawan mo. Ligo-ligo din kasi kapag may time. Lol.
Rita: Haha. Nakakatawa ka talaga kahit kailan no? Anong masama sa pagiging maitim?
Aldrin: Wala, pero para sa iyo? Masama talaga hahaha... Lol!
Aldrin: At ano iyong caption mo? Kaso hindi bagay? Wow ah? Nag-nega ka pang negrita ka? Hindi bagay? Tanga! Bagay na bagay nga sa iyo e, Lupa ka, bulalak iyon hahah diba? Kulang nalang paso para may malagyan kayong dalawa.
Rita: At may kalalagyan ka sa akin kapag nagkita tayong hayup kang butiki ka!
Aldrin: At parang natatakot ako, negra?
Rita: Oo, matakot ka na! Dahil kapag nagkita tayo, pipira-pirasuhin ko iyang pagmumukha mong hayup ka!
Aldrin: Takot ako! Huhuhu. Goodnight Negra!
Rita: Pakyu!
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
HumorRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...