NEGRA 9

428 11 10
                                    


NEGRA 9

"Ang galing niya talaga sumayaw no?" kumento pa ni Rita habang pinagmamasdan si Terrence na nagpapractice sumayaw sa stage. Katabi nito si Aldrin ng oras na iyon na busy sa pagkakalikot ng phone niya.

"Kausap mo?" tanong ng binata sa kaniya.

"Ah? Iyong imagination ko,"

"Negra na nga, baliw pa!"

"Oo! Baliw ako at kasalanan ko bang mabaliw ako sa bestfriend ko?" umuusok ang ilong nito sa inis kay Aldrin.

"Woah? Parang ilang linggo palang kayong magkaibigan tapos gumaganyan ka na? Haha, baliw ka talaga!"

"Paki mo ba? At bakit ka ba nandito sa tabi ko?"

"Wala, binabantayan ka baka may gawin kang kababalaghan," tinitigan niya ito ng masama. Sorbang sama!

"At ano naman ang gagawin kong kababalaghan, aber?" taas kilay nitong tanong.

"Aba? Malay ko sa madumi mong utak," kinuha nito ang kanyang libro at pinaghahampas ang binata.

"Aray!" reklamo pa ni Aldrin.

"Tigil-tigilan mo na nga ako, butiki. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo? Hindi ka ba napapagod? Ilang taon mo na akong inaasar? Simula grade school palang tayo, iyan na ang pang-asar mo sa akin? at mas lalo mo pa itong dinaragdagan? Ganyan ba kalungkot ang buhay mo? Pati buhay ng ibang tao pinaglalaruan mo? Hindi na ako nagdadalawang isip kung bakit ayaw kang kasama ng pamilya mo, kasi ang sama-sama ng ugali mo. No'n una iniitindi pa kita e, pero sumusobra ka na talaga," saka tumayo si Rita at kinuha nito ang kaniyang gamit.

Napansin ni Terrence ang pag-wo-walk out ng kaniyang kaibigan kaya nilapitan niya ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Terrence rito.

"Uuwi na ako," matamlay na sagot ni Rita.

"Pero, hindi pa tapos ang practice namin,"

"Sorry, biglang sumama ang pakiramdam ko, next time nalang Terrence."

"Fine, I'll drive you home. Magpapaalam lang ako kay Sue, wait me there." Nang nakapag-paalam na si Terrence kay Sue at lumapit muli ito kay Rita ay tinanong siya ng dalaga kung okay lang ba kay Sue na hindi nito tapusin ang practice.

"Okay lang raw sa kaniya. First practice palang naman ito e, at isa pa. Importante ka sa akin," lihim na kinilig si Rita ng minutong iyon. Ang sarap pakinggan ng mga salitang lumalabas sa bibig ng kaibigan. Sa totoo lang it's a dream come true na mapalapit sa isang katulad ni Terrence Borromeo, at marahil isa na si Rita sa pinaka-masayang tao sa buong mundo ngayon, pero naging malungkot muli siya ng mapatingin siya sa pwesto nila ni Aldrin kanina at nagtaka, bigla nalang kasing nawala si Aldrin. Tsk. Naunahan na naman siya nito sa pag-wo-walk out?

---

Napansin ng Ina ni Rita na hindi na nito palaging hawak ang phone at hindi na rin siya palaging nakababad sa harapan ng computer nito. Tumutulong na rin ito sa mga gawaing bahay, nababahala siya mukhang may malaking problema ang kaniyang anak.

"Anak nag-du-drugs ka ba?"

"Ma!" reklamo kaagad ni Rita, napatigil ito sa paghuhugas ng plato ng bigla siyang magulat sa pagsulpot ng kaniyang ina.

"Nagtatanong lang, pakiramdam ko kasi sinapian ka ng alam mo na? Nang masamang espiritu,"

"Bakit naman Ma?"

"Kasi masipag ka na sa gawaing bahay, akalain mo iyon? Nakahawak ka ulit ng sponge at naglaba ka pa kanina? Umamin ka nga? Tumitira ka ng katol no?"

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon