NEGRA 18

835 18 9
                                    


NEGRA 18

Naguluhan si Rita sa sinabi ng kaibigang si Cj sa kaniya. To know everything? Ibig bang sabihn nito ay may mga bagay pa siyang hindi nalalaman? Aside sa math? At aside sa kanta raps songs? Sobra talaga siyang naguguluhan ng minutong iyon.

"Huh?" ngangang tanong nito kay Cj.

"Matagal na tayong magkakilala," seryoso at first time lang na nakita ni Rita si Cj na ganito ka-seryoso.

"Like super tagal na talaga?" taas kilay na tanong ni Rita.

"Uhm, sabihin na natin na oo,"

"Ano nga?"

"We're childhood friends,"

"Huh? Childhood friends? Bakit parang wala naman akong maalala?" gulo-gulong isip na tanong ni Rita.

"Wala ka talagang maalala kasi, no'ng mga bata pa tayo inoperahan ka sa utak. Kaya may mga memorya sa utak mo na hindi mo na naalala at isa na ako do'n sa hindi mapalad na nawala sa ala-ala mo," malungkot na sabi ni Cj kay Rita.

"I'm sorry, hindi ko alam. Pero, bakit hindi ka rin maalala ni Mama? Naoperahan din ba ang utak niya?"

"Ah?... ganito kasi iyon..." no'ng inoperahan si Rita, kinailangan nilang ibenta ang lahat ng kanilang pagmamay-ari at maski ang lupang kanilang tinitirahan ay naibenta na nila sa pamilya ni Cj, at may malaki pa rin silang pagkakautang sa pamilya ni Cj hanggang ngayon, kaya marahil ay hindi na naalala ito ng mama ni Rita o kinalimutan na rin nila, at isa pa, masyado nang matagal ang mga pangyayari at marami na rin nagbago sa kani-kanilang mukha't itsura kaya hindi na siya nito naalala.

Tila parang nanlumon naman si Rita sa kaniyang mga narinig mula sa dati niyang kaibigan, napatingin siya sa mukha ni Cj, ngayon nakangiti na ito sa kaniyang harapan. Marahil maski siya ay nahirapang itago ang mga bagay na ito nang matagal na panahon, pero napabilib siya at namangha dahil sa galing nitong umarte, at magtago ng damdamin.

"Kaya palagi mo akong tinutulungan,"

"Kaya pala, lagi kang concern sa akin,"

"Kaya pala gano'n ka nalang mainis sa tuwing inaaway ako ni Terrence at binabalewala,"

"Dahil, matagal na pala kitang kaibigan," malungkot na sunod-sunod na sitenmiyento nito habang nakaturok ang nguso.

"Kasi mahal kita," literal na napanganga at napaikot ng kaniyang ulo ng minutong iyon upang tignan si Cj dahil sa sinabi nito sa kaniya.

"Huh?" gulong-gulong tanong nito.

"Mahal kita, pero... gaya ng dati, hindi mo parin ako kayang mahalin," muling bumalik ang lungkot sa mga mata ni Cj ng minutong iyon.

"Cj," napahawak si Rita sa kamay ng binata, hinawakan din ni Cj ang kamay nito at hinimas-himas, saka pilit na ngumiti kahit na mapait.

"Kung ano man iyong nangyari dati, hindi na natin iyon maibabalik. Wala man akong maalala, at humihingi ako ng patawad dahil wala talaga akong maalala, pero alam mo? No'ng dumating ka sa buhay ko, months ago? Sobrang saya ko, kasi may isang taong naglakas nang loob na lapitan ako without any hesitation, at tinulungan pa niya ako para ilabas iyong tunay na ganda na mayroon ako at magtiwala sa akin. He never leaves me when the times I was so down, at higit sa lahat... mahal na mahal ko rin siya,"

"Huh?" si Cj.

"As friend. I'm sorry kung hindi kita kayang mahalin gaya ng ninanais mo, hindi dahil sa hindi ka kamahal-mahal. Is just that, hindi ako ang para sa iyo, may mas higit pa, at mas deserve pa kaysa sa akin sa pagmamahal na mayroon ka. at 'wag kang mapagod na antayin siya kasi alam kong worth it ang pagod mo once na nakita at nakasama mo na siya," do'n na muling ngumiti si Cj, at least ngayon maliwanag na sa kaniya at sa sikat ng araw na wala talagang nararamdaman si Rita sa kaniya. Masakit man pero kailangan niyang tanggapin at kailangan niyang mag-move on kahit hindi naman sila nag-on dal'wa. Tama rin naman si Rita, sa isip ni Cj. Dahil kung mananatili ang pagkakaibigan nila, it will lasts forever.

---

Aldrin: Negra?

Rita: Seen.

Aldrin: Busy ka?

Rita: Seen

Aldrin: Mukhang busy ka nga, sige hindi na kita kukulitin pa.

Rita: Seen.

---

Lumipas ang mga araw at hindi na napagpakita si Aldrin kay Rita, at gano'n din si Rita sa binata. Maski ang mga pm nito ay hindi na niya sinasagot. Mas nagbigay focus na lamang siya sa relasyon na mayroon sila ni Terrence, at kahit papaano nagbago na rin naman ang ugali ng binata, ayun nga lang palagi parin silang nagtatalo dahil nagseselos si Terrence sa tuwing magkasama at nakikita nito si Cj sa paligid nila. Ngunit kung mayroon siyang taong huling bibitawan iyon ay si Cj, at sa oras na ito kun kailangan niyang mamili kung sino kanila Terrence at Cj ay hindi siya magdadalawang isip na piliin ang kaibigan, dahil mas importante ito kaysa sa binata.

Hanggang sa sumapit ang kanilang Senior Gradball. Maraming naisayaw si Rita at ang pinaka-huli niyang naisayaw ay si Terrence, ngunit nang tinanong siya ng binata kung sinasagot na ba siya nito ay tikom lang ang kaniyang bibig. Tila nainis si Terrence at ng minutong iyon ay nagwalk-out siya, napabuntong hininga na lamang si Rita at nagkibit balikat at nakipagkwentuhan na lamang sa kaniyang mga kaibigan at bagong kaibigan.

Lumipas pa ang ilang linggo na hindi nagpakita si Terrence kay Rita, okay lang iyon kasi parang wala na rin naman siyang amor dito. Pero no'ng sumapit ang kaarawan ni Rita ay dumating si Terrence, muli siya nitong sinuyo at niligawan, sa pangalawang pagkakataon ay pinatawad niya ang lalaki at muling tinanggap sa kaniyang buhay, bilang isang manliligaw nito.

Hanggang sa sumapit ang graduation, nabalitaan nito na hindi makakapunta sa graduation nito si Aldrin dahil sa kinakailangan na nitong umalis ng araw na iyon papuntang canada na kung saan do'n na nakatira ang kaniyang mga magulang. Marahil ay nakapagdesisyon na rin si Aldrin na do'n na rin manirahan at ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Nalungkot siya sa balitang natanggap, pero naging masaya din siya dahil sa wakas makakasama na nito ang kaniyang pamilya.

Lumipas ang mga buwan, taon, at maraming nagbago. Naka-graduate ng Culinary arts si Rita na dati naman ay hindi marunong magluto, ngunit hindi parin siya naghahanap ng trabaho na related sa kaniyang natapos, paraket-raket siya bilang isang modelo at sumasali sa mga beauty contest na dati pa niya pangarap. Nasa tabi parin niya ang kaniyang bestfriend na si Cj, na ngayon ay isa nang abogado, at patuloy parin na nanliligaw si Terrence kay Rita na nagsisimula nang magsawa at manawa sa kaniya.

dy":trfZxjI

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon