NEGRA 3

432 10 2
                                    


NEGRA 3

Rita: Fren, hindi mo naman sinabi na hindi nakakaputi ang sunblock. Nagmukha tuloy akong tanga sa butiking iyon.

Pinky: E kung hindi ba naman maitim iyang utak mo e. Gaga ka ba? Hindi ba natin napag-aralan iyan sa biology?

Rita: Puro lang mga hayup pinag-aralan natin sa biology, wala akong naalala nagturo si Ma'am tungkol sa mga maiitim na katulad ko.

Pinky: Ay, laitin raw ba ang sarili? Ano ng plano mo? Siguro naman may second option ka?

Rita: Hmmm, bumili si Mama ng isang kilong papaya kanina. Siguro magbababad ako do'n ng 24hours.

Pinky: Gaga! Magbababad? Ano? Magpapaburo ka sa papaya?

Rita: Siyempre hindi no! Anong tingin mo sa akin tanga? Negra lang ako pero hindi ako tanga! Siyempre habang nagbababad ako, kakainin ko rin iyong iba, sayang mahal raw kaya iyon sabi ni Mama.

Pinky: Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kita kinaibigan, ang itim mo na nga ang tanga-tanga mo pa!

Rita: Wow! Salamat ah? Ang sakit mo magsalita fren, tagos hanggang bone marrow ko.

Pinky: Sige nga? Saang parte ng katawan mo ang bone marrow?

Rita: Sige na fren, libre lait nalang!

Pinky. Tss. Ayun na nga, bumili ka nalang ng kojic. Mga isang daang piraso.

Rita: Wow, gano'n talaga karami?

Pinky: Siguro, sa itim mong iyan, aabutin ka ng 20years bago pumuti. Pero may mabilis na paraan fren, balatan ka ng buhay.

Rita: Sige na, do'n nalang ulit ako sa kuskos. Libre pa, salamat ah? Parang wala naman akong nakuhang matinong sagot sa iyo fren.

---

Sa school. Katatapos lang ng P.E Class nila Rita at ng mga kaklase niya, nakita siya ni Aldrin na umupo sa bleacher at nilapitan siya nito.

Aldrin: Hi, negra?

Rita: Hello, butiki?

Aldrin: Anong ginagawa mo dito?

Rita: Paki mo?

Aldrin: Uy, sina Sue iyon ah? Bakit hindi mo sila sabayan sa paglalaro ng volleyball?

Rita: 'Wag na, pagod na kasi ako at baka kasi mangitim pa ako.

Aldrin: Tsk. Let me correct you, baka mas lalo ka pang mangitim.

Rita: Okay na? Nalait mo na ako? (sabay irap ng mga mata nito)

Aldrin: Kahit maitim ka maganda ka naman e (Pabulong pa nito)

Rita: Ano? (hindi kasi narinig ni Rita ng maayos)

Aldrin: Ang sabi ko Kahit maitim ka, ganyan ka na talaga. Wala ng mas iitim pa sa iyo.

Saka siya pinaghahampas ni Rita ng bitbit nitong bag at saka umalis na si Aldrin sa tabi nito at nilapitan si Sue. Inakbayan at sabay silang umalis sa field. Nalungkot ang mukha ni Rita, tila nakaramdam siya ng inis, hindi dahil sa nakita kundi sa sarili. At napatanong sa kanyang sarili, "Bakit walang magkagusto sa akin?"

Nagulat siya ng may biglang lumapit sa kaniya si Terrence, isang sikat na basketball player sa kanilang paaralan.

Terrence: Miss, anong oras na?

Rita: Oras na para mahalin mo ako!

Terrence: I'm sorry?

Rita: Ay, sorry. Uhm, alas dos na imedya na.

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon