NEGRA 7
(Facebook Chat)
Terrence: Rita? Nasaan ka? Kasama mo na ba si Sue?
Rita: Oo, kasama ko na si Sue. Kaso may problema.
Terrence: Ano iyon?
Rita: Basta,
Terrence: Ano nga? -_-
Rita: Si Butiki nandito rin.
Aldrin: Uy, nagtatago ka na naman sa dilim hindi kita makita. Nasaan ka na ba?
Terrence: Nasaan ka ba Rita? Daanan mo ako dito, para sabay na tayo maglunch.
Pinuntahan ni Rita si boys locker room. Katatapos lang kasi nito mag-practice ng basketball at nanlula siya sa dami ng mga gwapo at mga abs sa loob ng lugar na iyon. at nang nakita na niya si Terrence ay dito nalang niya itinuon ang kaniyang titig. Sobrang gwapo talaga ng crush ni Rita.
"Tara na?" saka sila sabay na lumabas sa locker room. Nasa cafeteria sina Sue at Aldrin may meeting dapat sila Sue at Rita kaso may importante raw na sasabihin si Rita kay Sue kaya ito nakipagkita muna sa cafeteria, tho kahit pwede naman sana nito sabihin sa kanilang opisina, ngunit laking gulat nga ni Rita ng kasama ang bestfriend ng dalaga, walang iba kundi si Aldrin.
Hindi nagpahalatang nagulat si Aldrin ng makita niya si Rita na kasama ang Ace Player ng kanilang paaralan at gano'n din si Sue.
"Bakit ang tagal mo?" masungit pang tanong ni Sue rito.
"Ah... eh... sinundo ko lang si Bf," natatarantang sagot ni Rita.
"Bf?" reak ng isang babaeng nasa likuran nila. Tila isa ito sa mga baliw na fans ni Terrence.
"Oo, Bf niya ako," kinumpirma pa ni Terrence ito na may ngiti sa kaniyang mga labi. Halos masuka-suka na ang mga babaeng ito sa kanilang narinig. Kinabahan si Rita, ano ba kasi iyong nasabi niya? 'Di naman dapat Bf ang sasabihin niya, kundi bestie since iyon naman ang tawagan nilang dal'wa ayon sa lalaki, ngunit wala na. Ayaw na niyang humarap pa kay Terrence dahil baka isipin pa nito na nag-aassume siya at naninira ito ng moment. Pero nagulat nalang itong si Rita ng biglang sumagot at patulan ang reaksyon ng kaniyang fan.
"Bf, as in bestfriend. Hindi ba bestie?" saka siya nito ningitian.
"Oo, hehe." Sabay tawa ni Rita.
"Oh well, so ano ba iyong importanteng sasabihin mo?" umupo na si Rita at gano'n din si Terrence sa tabi nito.
"Diba naghahanap tayo ng pwedeng tumulong sa atin para sa Concert for a cause natin? Uhm, si Bf, este si Terrence willing daw siyang tumulong para sa atin."
"It's a benefit concert, ano naman ang maitutulong niya?" sagot ni Sue habang hindi tumitingin kay Terrence.
"I can dance and sing aswell," sagot nito.
"Oh? 'Yun naman pala e, edi maganda. Ano, okay na?"
"Fine, thanks Terrence. Pero kailangan ko munang tanungin iyong mga member namin tungkol rito."
"Ah gano'n ba?" malungkot na tono ng boses ni Terrence.
"Anything you want to say, Rita?"
"Uhm, wala na." sabay napatitig ito kay Aldrin na busy sa kakapindot nito sa cellphone nito.
"Okay, I have to go sumunod ka nalang do'n Rita ah?" sinipa ni Rita si Terrence at saka ito ngumuso.
"Ah? Sabay na tayo, pupunta rin kasi ako sa katabing building niyo," nahihiyang sabi ni Terrence.
"Okay lang ba?" sabay tingin ni Sue kay Rita, ningitian lang niya ito at nag-aprub sa harapan nito.
"Sorry, Gf. Text-text nalang ah?" saka nito kinuha ang gamit niya at sinundan na si Sue na nagsimula ng maglakad ng minutong iyon.
(Facebook Chat)
Aldrin: Hi, Gf
Rita: Ano? Nasa harap mo lang ako, hindi mo pa ako kinakausap? Kailangan sa facebook talaga?
Aldrin: Ang baho kasi ng bibig mo, mas okay na dito. Less pollution.
Rita: Pakyu ka talagang hayup ka! ( sabay tingin ng masama rito)
Aldrin: Close pala kayo ng Player na iyon?
Rita: Bakit? Selos ka?
Aldrin: Ako? Magseselos? Bakit naman?
Rita: Kasi nga close kami ni Bf baka crush mo siya.
Aldrin: Oo crush ko siya!
Rita: Yuck, ang bading mo!
Aldrin: Tapos ngayon sasabihin mong bading ako? E gago ka pala e.
Rita: Bakit ka galit?
Aldrin: Hindi ako galit, tanga mo!
Rita: Galit ka e, namumula nga ang tainga mo e.
Aldrin: Mestizo ako, tanga talaga nito.
Rita: Grabe? Tanga agad?
Aldrin: Tanga forever!
Rita: Fine, sige na alis na ako. (saka biglang tumayo si Aldrin at iniwan ang dalaga na nakaupo pa ng minutong iyon.)
"Tignan mo itong butiking ito? Bigla-bigla nalang nag-wo-walk out."
tYaz
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
HumorRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...