NEGRA 12

400 14 13
                                    

NEGRA 12

"Na-ct scan na namin siya at wala naman siyang fracture na nakita, well iyong mga pasa niya sa katawan it takes a week para maghilom pero I'll give her a oinment para mas mabilis na heal ang mga pasa niya, sir." Saka humarap ang lalaki kay Rita na napansing tumingin rito ay umiwas din naman.

"Thanks Doc. Marcos,"

"Walang ano man," saka na ito umalis sa loob ng kwarto.

"So, kumusta?" tanong ng lalaki rito.

"Sino ka ba ah?" tanong ni Rita sa kaniya.

"Uhm, oo nga pala. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo. By the way I'm Christian James Madrigal, but you can call me. Cj for short," sabay kindat ni Cj dito. Napatingin sa buong paligid si Rita. Parang narinig na niya ang apelyedo ni Cj, ngunit hindi niya alam kung saan. Hanggang sa napatingin siya sa bedsheet nito at sa unan, gano'n din sa sticker na nakakabit sa dektros nito.

"Madrigal?"

"Yes?"

"Gosh! Kayo ang may-ari ng hospital na ito?"

"Apparently,"

"Shit! Ang yaman niyo!"

"Not really,"

"Tigil-tigilan mo nga ako sa pag-eenglish mo," bulyaw pa niya rito.

"So, ano bang atraso mo do'n sa mga babaeng iyon at parang kulang nalang e patayin ka nila sa sobrang galit nila?" napatahimik si Rita ng minutong iyon at umiwas na tumingin kay Cj.

"Cj?"

"Yes?"

"Pwedeng mahiram ang phone mo?"

"Sure," sabay inabot nito ang phone nito sa dalaga. Nag-dial si Rita at tinawagan nito ang kaniyang ina. Kaagad naman sinagot ng ina ni Rita ang tawag at nang marinig nito ang boses ng anak ay nawala na ang pag-aalala nito.

"Thanks," sabay abot muli ni Rita sa phone ng binata.

"Wala iyon,"

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Uhm, wala lang," walang ganang sagot ni Cj.

"Hindi pupwedeng wala lang,"

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang tumulong?"

"Bakit mo naman ako gustong tulungan at sino ba ako para tulungan ng isang katulad mo?"

"Uy, grabi ka naman sa sarili mo. Masyado mo naman atang minamaliit ang sarili mo,"

"Tsk. Care?"

"Yes, I care. And I'm concerned, I know na may dahilan kung bakit ka ganyan ngayon, whether gusto mong sabihin o hindi I'm fine with it, at narito ako para tulungan ka."

"So you mean this not be the last time na magkikita tayo?"

"Uhm, yes! Dahil simula sa araw na ito, magkaibigan na tayo,"

"Kapal mo rin e no? Pumayag na ba ako?" taas kilay pa niya rito.

"Pumayag ka man o hindi, wala ka ng choice. Not unless kaya mong bayaran ang ginastos ko sa iyo ngayona araw?"

"Magkano ba?" mayabang na tanong ni Rita dito.

"1.5million lang naman,"

"Pucha! CT Scan lang? at kaunting check-up one point five million na? Ano bang dugo meron dito? Ginto? Langya!"

"Ano?"

"Parang may choice naman ako?"

"Good!" sabay ngiti nito sa harapan ni Rita. Ang weirdo raw ng lalaking ito. Sa dami-rami ng pupwede niyang tulungan bakit kailangan siya pa raw? Hindi niya maintindihan kung bakit parang nilalapitan siya ng mga gwapong lalaki gayong hindi naman siya kagandahan?

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon