Contestant#27
Title of the story: The Sign
Wattpad Username: MissMagicalHopeless
Genre of the story: Romance
Theme of the story: Love
Body( the story)
Isinulat ni : MissMagicalHopeless
Isusulat ko sa kamay mo ang salitang 'mahal kita' at sana kahit hindi ko man marinig sayo ang salitang iyon, sana ipadama mo pa rin kahit sa SENYALES lang.
Pabalik balik akong naglalakad sa harapan ng inyong bahay habang hawak hawak ko ang isang maliit na kapiraso ng papel na sinulatan ko ng mga salitang gusto kong sabihin saiyo. Nagbabakasakali akong lumabas ka sa pintuan ng bahay ninyo upang maibigay sayo ang papel na ito.
At sa ilang minuto kong paghihintay, napawi iyon ng makita kitang tumatakbo palabas patungo sa kung nasaan man ako. Natawa ako ng palihim, tama ako, hindi mo ako kayang tiisin.
'Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko ayaw ko ng makipagkita sayo, hindi ako katulad mo'
Yun ang nabasa ko sa isang maliit na papel na idinikit mo sa aking noo ng makalapit ka sa akin.
Kinuha ko kaagad ang ballpen sa aking bulsa, at mabilis kong isinulat ang mga salitang ito sa likod ng papel na idinikit mo sa noo ko.
'Kailanman ay hindi ka naiiba sa akin, sana alam mo iyon. Nandito ako para sabihin ang salitang to' sayo 'mahal kita'
Idinikit ko ang papel na iyon sa palad ng kamay mo pagkatapos kong isulat ang mga katagang iyon na gusto kong sabihin saiyo.
Nakikita ng dalawa kong mata ang pagbabago ng iyong mukha ng mabasa mo ang isinulat ko. Hindi ako nag-iilusyon sa lagay na to' , nakikita ko sa mga mata mo na masaya ka dulot ng mga salitang iyon.
Bigla kang gumuhit sa hangin ng isang puso gamit ang iyong kamay pagkatapos ay tinuro mo ko. Dahan dahan kong inintindi ang senyales na iyon, 'puso' at 'ako', yun bigla ang naisip ko sa ginawa mo.
Niyakap agad kita ng makuha ko ang gusto mong sabihin. Kahit hindi ko man marinig sayo ang gusto mong sabihin, kahit hindi mo man masabi sakin ngayon na mahal mo din ako, kahit hindi mo man ipaliwanag sa akin kung bakit mo ko mahal, tatanggapin ko pa rin ang iginuhit mong puso sa hangin bilang senyales na mahal mo din ako.
Simula pa lang, alam ko ng pipi ka. Hindi ka makapagsalita dahil dulot na yun nung ipinanganak ka. Hindi mo man agad sinabi sa akin, tumagal man ng ilang araw na hindi ko nalaman ang kalagayan mo, alam ko pa rin na walang nagbago sa pagtingin ko sayo dahil sa umpisa pa lang, gusto na kita, at ngayon, mahal kita.
Ang mga katagang isinulat ko sa kapirasong papel na nasa bulsa ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin naiibigay sayo dahil sa mga nangyari ngayon na hindi ko kailanman inaaasahan. Itatago ko na lang ang sulat na to, katulad ng pangako ko na mamahali kita.
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
DiversosIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16