IBC WC: Contestant #35

65 7 0
                                        

Contestant #35
Title of your story : Usher Syndrome
Wattpad Username: ShaneBrighter_
Genre of your story: General Fiction
Theme used: Love is sacrifice  


Salot sa bayan, may makating nanay at ang walang kwentang mag-ina. Ang totoo niyan ay sanay na ako sa mga batikos ng mga tao sa amin. Sanay na akong mahusgahan dahil kahit baliktarin man ang mundo ay tama naman.

Tama naman na anak lang ako sa labas. Hindi ko naman makakailang baka nga salot lang ako kayakami nagkakaganito. Totoo rin naman na wala akong kwenta dahil kahit ni isang salita na masama rito sa bibig ko ay walang lumabas para ipagtanggol ko ang nanay ko. Pero makati at walang magawang maganda ang nanay ko?

Ang nanay ko ang mag-isang nagpalaki sa akin. Simula nang nagkaroon ako ng isip ay hindi ko kailanman nakita ang tatay ko at wala akong balak na hanapin siya.

Minsan, hindi ko na lang mapigilang mapaluha at sa lahat-lahat pa ng tao ay kami pa na wala namang ginagawang masama ang nakakaranas ng ganitong napakahirap na sitwasyon.

"Anak, kapag tuluyan man akong mabulag at hindi makarinig ay huwag mo akong papabayaan ha?" Kapag naalala ko ang mga sandaling maayos pa siya ay para bang kumikirot ang puso ko.

"Ma naman at 'wag kang magsalita ng ganyan," aniya ko pero umiling-iling lamang siya.

"Alam mo namang walang lunas ang sakit na 'to. Anak, sorry dahil hanggang ngayon ay pabigat pa rin ako sa 'yo."May sakit si Mama na tinatawag na Usher syndrome. May tatlong uri ang sakit na 'yon at namana ni Mama sa lolo niya ang pangatlong uri. Pangatlong uri kung saan sa una ay hindi mo mararamdaman ang mga sintomas nito tulad ngpagkakaroon mong problema sa paningin at pandinig. Pero sa kalaunan ay unting-unting lalabo ang mga mata mo at hihina na rin ang pandinig mo.

"Hindi naman po kayo kailanmang naging pabigat eh. Dahil sa inyo, lumaki ako nang maayos kahit tayong dalawa lang. Sa pagiging teacher ninyo ay kahit mahirap man tayo, hindi ko naramdaman na may kulang. Kaya nga gusto ko maging katulad ninyo eh, hindi ko man kukunin ang kurso na tulad ng sa inyo ay gusto ko maging isang magandang ehemplo, masipag, mapag-aruga at higit sa lahat, mapagmahal na ina," saad ko at ngumiti naman si Mama.

"Salamat anak," pagpapasalamat ni Mama at niyakap ko siya.

"Kahit umuulan o umaaraw, hindi ko kayo papabayaan."

May 23, 2012- Nangyari na ang kinatatakutan ko. Tuluyan na siyang nabulag at nawalan ng pandinig nang sandaling iyon pero pinilit kong hindi panghinaan ng loob. 17 taong gulang pa lamang ako noon pero kailangan kong magpakatatag.

Sa murang edad ay natuto na kong maghanapbuhay. Pinasok ko na ang lahat ng trabahong kaya ko para may makain tulad ng pagiging tagalaba, tagaluto, tagapamalatsa. Nagpatuloy pa rin akong mag-aral kahit sa ganito naming kalagayan lalo na't isang taon na lang ay magkokolehiyo na ako.

Naaninag ko pa hanggang ngayon sa utak ko at araw-araw ay binabangungot ako.

February 14, 2013 – Kakagaling ko lang galing sa eskwela at first place ako sa District Competition ng Journalism.

Hindi ko alam na kahihiligan ko pala ang pagsulat. Lagi akong sumasali sa mga paligsahan at hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit matalo. Dahil sa pagsulat ay nakakuha ako ng bagong panghuhugutan ko ng lakas.

"Dannah, magaling ka naman palang sumulat eh. Congrats ha! Gamitin mo 'yang talent mo at diyan kayo makakaalis sa kahirapan ng nanay mo," nakangiting bati sa akin ng dating kasamahan ni Mama at trainer ko sa Journalism na si Teacher Rose.

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon