contestant #: 32
Title of Story: Checkmate
Wattpad username:
Genre of Story: Teen Fiction
Theme used: Try and try until you die, although you die, at least you've try.
*Body:
"Ano ba ang sasalihan ninyong isports?" Tanong ni coach Lawrence, ang instructor sa sports.
Malapit na kasi ang intramural at nag-hahanap sila ng mga bagong manlalaro. Kasama niya ang mga team leaders niya at sa kanila kami lalapit upang magpalista. Sunod-sunod na tumayo ang mga kaklase ko't kanya-kanya sila sa pagpapalista.
"Oh wala na ba?" Nakangiting tanong ni coach Lawrence.
"Ako pa!" Ang ubod-lakas kong sigaw.
Sa lakas ng boses ko'y natahimik ang mga maiingay kong kaklase. Naitumba ko rin ang bakanteng upuan sa harapan ko.
"Miss, ano ba ang sasalihan mo para maihabol na natin." Tanong ni coach Lawrence habang itinatayo ang naitumba kong upuan.
Natulala pa ako sa kakatingin sa mukha niyang mala- Alden.
"Hoy Queenie! Tinatanong ka!" Sigaw ng katabi kong bully. Tinapik pa niya ako ng malakas sa braso.
Nag-tawanan tuloy ang mga kaklase ko. Pero bahala sila. Tumawa sila hanggang sa ma-pipi sila.
"Coach, mag-papalista ako sa chess." Buo ang loob kong sabi.
Muling natahimik ang mga kaklase ko't tiningnan ako ng kakaiba.
"Magandang choice 'yan. Sa sabado ng umaga ang try-out. Good luck ha." Sinsero ang ngiti ni coach Lawrence.
Nasa bahay na ako't nagpapahinga sa sofa. Napayuko ako't nakita ko ang marmol kong chessboard.
Naalala ko tuloy ang unang beses na nakakita ako ng chessboard. Naakit ako sa awra ng larong ito. Tahimik, misteryoso, at Isang mali o tamang pag-tira'y maaaring makapagbago sa kabuuan ng sitwasyon.
Dumating ang araw ng sabado. Maaga akong pumunta ng library para sa try-out ngunit halos gumapang ako paakyat ng 5th floor kung saan nag-uumpisa na ang laro. Umupo ako sa isang tabi upang maghintay sa laro ko.
Tahimik ang mga naglalaro't naka-kunot ang mga noo. Ang iba'y walang reaksyon ang mukha ngunit makikita mong mabilis ang galaw ng mga mata nila. Ang iba'y maya't maya ang buntung-hininga habang nagpapagalaw ng mga piyesa sa chessboard. Iniisip ko tuloy kung ano kaya ang itsura ng mukha ko habang naglalaro na.
"Hi! Ikaw si Queenie diba?" Bati ni coach Lawrence na nakaupo sa harapan ko.
"Ah...Eh...Oo! Ako nga." Kamuntik pa akong magbigkas ng patinig sa pagkabigla.
"Good. Pagkatapos ng isang player dun sa table 1, ikaw na ang susunod." Sabi niya habang nakangiti at labas ang mga dimples. Bakit kaya ang gu-gwapo ng mga lalaking may dimples?
Habang naghihintay sa makakalaro ko, napansin ko ang isang lalaking estudyante sa gawing kanan ng library. Seryoso ang mukha nito't hindi tumitingin kung saan-saan. Si Erick pala 'yon, ang kaklase kong malakas ang karisma ngunit suplado.
"Pwede na ba tayong magumpisa?" Tanong ng babaeng nakaupo sa harapan ko.
May nakalatag na palang chessboard sa harapan ko't may makakalaban na rin pala ako. Nakatayo si coach Lawrence sa pagitan namin at inilapag ang timer sa mesa.
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
DiversosIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16