IBC WC: Contestant #11

98 17 11
                                    

I'm Contestant #11
Title: Right Time
Author: 
Genre: TeenFiction
Theme: There will be a rainbow after the rain

--- Start ---
[Jullie's POV]

Mainit ang araw. Mga batang naglalaro sa park at ang mga couple na masayang magkahawak-kamay na naglalakad patungong simbahan. Napaiyak na naman ako. Kailan ba ako titigil? Kailan ba ako matutoto? Ayoko ng masaktan sa totoo lang. Pero, Eto ako eh! Sinaktan na naman. Nagmakaawa ako pero iniwan lang. Panglima ko na siyang boyfriend. Panglima ko na ring ex-boyfriend. At ang panglimang taong minahal ko. Si Jeferson.

Pinunasan ko naman ng mabilis ang bawat patak ng luhang umaagos sa mata ko pero wala eh. Kahit gusto ko ng tumigil sa pag-iyak eh mismo ang puso ko na ang nagsasabing umiyak ka.

May 24, 2016. Ito ang araw kong kailan ko siya sinagot. Mag-iisang buwan na sana kami pero, siya ang unang bumigay. Siya ang unang naghanap ng iba.

Matatawag na bang tanga ang taong madaling magkagusto sa isang tao? Kasi kong oo. Edi, matagal na pala akong tanga.

Napasinghap naman ako ng maramdaman ang patak ng tubig na tumutulo galing sa itaas patungo sa balat ko. Ngayon, sumasabay pa sa bugso ng damdamin ko ang kalikasan. Mas lalo pa tuloy akong umiyak.

Sige, ganyan lang. Sabayan niyo akong umiyak. Siguro nasasaktan na rin kayo. Siguro sobra na ang sakit na idinulot ng tao sa inyo kaya sige umiyak rin kayo. Sabayan niyo ako. Dahil sobra na ring sakit ang idinulot ng mga lalaki sa'kin simula noon.

Ano? Magbabago na ba ako? Marahan ko namang kinuha ang salamin sa bag ko at tiningnan ang mukha ko.

Magulo ang buhok. Maga ang mata at mapupula ang mga pisngi ang nakikita ko ngayon. Suminghot naman ako.

"Maganda naman ako eh. Pero, bakit ba palagi akong nasasaktan?" Bulong ko sa hangin na tiyak na wala namang makakarinig

Ibinalik ko ang salamin sa bag ko at tumingala sa itaas ng langit.

"Lord? Kailan niyo ba ako bibigyan ng lalaking totoong magmamahal sa'kin? Diyos ko po! Dalawampu't walo na po ako. Malapit na po akong mag trenta kaya bakit po hindi niyo ko bigyan ng lalaking pang lifetime na?" Sambit ko kahit alam ko namang walang nakikinig. Para na akong tanga rito, nagsasalita sa ilalim ng ulan.

Napahawak naman ako sa swing ng maramdaman ang tawag sa cellphone ko kaya agad ko itong pinatay at binalewala sa atensyon. Kasalanan ko din bang pang makaluma ang mga magulang ko't gusto nila ng lalaking pupunta mismo sa bahay para ligawan muna sila bago ako? Nako! Bagong henerasyon na ngayon pero eto ako't napag-iiwanan parin ng makalumang tradisyon.

May lalaki pa kayang manghaharana sa harap ng bahay niyo ng hating gabi? May lalaki pa kayang lulunokin ang pride makasama lang ako? May lalaki pa kayang mag sasakripisyo para sa isang babae?

Maging praktikal naman po tayo. Wala na pong ganoong lalaki sa ibabaw ng lupa. Siguro, meron pero 'yong mga matatanda na pero ang mga kabataan ngayon? No. As in wala. Mga ka edad ko nga eh dapat mature na pero ano? Playboy pa rin kamo. Bitter ba ako sa pandinig niyo? Well, tama kayo! Bitter nga ako dahil kahit kailanman eh hindi ko naranasan ang maging sweet.

Napaiyak na naman ako. Sumasakit na ang ulo ko at tinatamaan na ako ng lamig dahil sa ulan. May tutulong pa kaya sa'kin?

"Lord naman eh. Bigyan niyo po ako ng taong karapat-dapat po talaga sa pagmamahal ko." Bulong ko at agad na napayuko

Heto ako ngayon, umiiyak, basang-basa sa ulan, walang makakapitan, walang mapagsasabihan-- Napatigil naman ako sa pag-iisip mg may nagsalita sa harap ko

"Miss? Panyo oh." Ani ng isang maskuladong tinig kaya agad akong napatingala

Nakalahad ang kamay niya at nandoon nga ang panyo niya. Kinuha ko naman ito at labis na ngumiti.

"Lord siya na po ba?" bulong ko pero sinisigurado kong hindi niya iyon narinig

"Salamat," tugon ko sakanya

Tumayo naman ako at tiningnan siya. "Narinig kong umiiyak ka. Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin kaya tumango naman ako

Nagtaka naman ako ng makitang naghihintay pa rin siya sa sagot ko kaya nagsalita nalang ako. "Oo, okay lang naman ako." Tugon ko at pinunasan ang luhang nasa pisngi ko

"Alam mo miss, walang magagawa ang pag-iyak mo sa isang lalaki." sabi niya sa'kin kaya napatigil naman ako

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko

Tumalikod naman siya sa'kin at nagsalita "Dahil iniyakan mo lang ang taong hindi ka gusto. Umiyak ka dapat sa taong karapat-dapat ng mga luha mo." Ani niya kaya napa-isip naman ako

Tama nga siya.
Wala ngang saysay ang pag-iyak ko sa kaniya, sa kanila.

Lumapit naman ako sa kanya at hinarap siya.

"Jullie nga pala." Pagpakilala ko sabay lahad ng kamay ko

"Marco." Tipid nitong ani at ngumiti, nagtaka naman ako ng makitang ang kamay niya eh nasa itaas ng kamay ko, kaya ako nalang mismo ang kumuha sa kamay niya.

Tumingin naman ako sa mga mata niya at mas lalong nagtaka. Saan ba ito nakatingin? Tumingin naman ako sa likod ko at nakitang wala namang tao. Weird.

Binitawan ko ang kamay niya at binuksan ang payong na nasa bag ko. Umuulan pa at ayokong mas lalong magkasakit nito. Masakit na nga ang puso ko kailangan pa ba idamay ang kalusugan ko?

Tiningnan ko naman siya sa mga mata at sinuri. Itinaas ko ang mga kamay ko at iwinagayway sa mukha niya. Hindi pwede 'to.

"Ayos ka lang ba Jullie?" tanong niya sa'kin kaya mas lalong bumabagabag sa isipan ko kong totoo ba talaga ang teorya ko.

"Um, Oo. Ah, Marco?" mahinang sambit ko sa pangalan niya

"Ano 'yon?" Tanong niya kaya huminga muna ako ng malalim

"Wag mong mamasamain ah, Pero bulag ka ba?" Tanong ko at nakita ko namang kumunot ang noo niya. Okay?

Ngumiti siya ng mapakla bago nagsalita, "Oo. Bulag ako."

Pagkatapos niyang sabihin iyon eh nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Pagkatapos din ng araw na 'yon eh palagi na akong bumabalik balik sa parke at ninais na sana nandoon siya at hindi nga ako nabigo. Palagi siyang nandoon at kapag dumarating ako eh nag-uusap kami.

Nalaman kong hinahatid lang pala siya ng bodyguard niya at binabalikan lang siya kapag hapon na. Tinanong ko nga eh kong makakaya ba niyang maghapong naka upo sa swing pero sabi niya okay lang daw. Kaya nga simula noon eh sinasamahan ko na siya hanggang maghapon. Palagi kaming nag-uusap tungkol sa mga iba't ibang bagay. Nakakatuwa nga eh lalo na't iba siya sa mga lalaking nakasama ko. Kahit bulag siya eh handa niya akong pakinggan sa lahat ng mga sinasabi ko lalo na tungkol sa mga problema ko, kaya niya akong patawanin at kaya niyang pagaanin ang loob ko 'di kagaya ng iba na kahit ni minsan hindi pa nagagawa sa akin kahit may mga mata naman sila at nakakakita.

Hapon no'n at tahimik kaming nakaupo sa swing sa parke na siyang tagpuan na naming dalawa. Maaliwalas ang panahon at hindi gaanong mainit.

"Marco? Nararamdaman mo ba ang hangin na dumadampi sa balat mo?" tanong ko sakanya at tumingala sa kalangitan

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, Oo. Bulag lang po ako pero nakakaramdam pa din naman ako." sagot niya sa'kin kaya agad akong napatawa

Kaya nga gusto ko siya eh. Dahil kakaiba siya. Hindi siya nahihiyang sumagot ng may pagka pilosopo sa'kin hindi tulad ng iba diyan na gumagamit pa ng matatamis na salita para lang amuhin ako.

"Alam mo naisip ko lang huh? Paano kong hindi ka lumapit sa'kin noon? Edi sana umiiyak at nasasaktan pa rin ako." sabi ko nalang sa kawalan at yumuko

"Kong hindi kita narinig na umiyak noon edi sana wala ako ngayon dito. Edi sana wala na akong pag-asa pa." ani niya na nakapagpatigil sa'kin

"Marco? Ba't ka nga pala nabulag?" Tanong ko nalang sa kanya

"Um. Bakit nga ba? Well, nabulag kasi ako dahil sa pagmamahal. Nabulag ako ng pagmamahal sa isang taong kahit kailan hindi ako minahal." ani nito na siyang ikinagulat ko

Kaya ba minsan sinasabi niya sa'kin na pareha pala kami? Grabe, kong ako ang babaeng 'yon promise 'di ko talaga magagawang saktan si Marco.

Napalinga naman ako sa gilid ng marinig ang tunog ng ice cream.

"Gusto mo?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya kaya tumayo ako

Lalakad na sana ako ng higitin niya ang kamay ko, "Mag-iingat ka." Ani nito kaya ngumiti nalang ako "Oo."

Mabilis akong bumili ng ice cream at agad na bumalik sa pwesto namin pero hindi ko na siya nakita.

Hinanap ko siya kahit saan pero wala. Wala akong Marcong nakita. Iniwan niya na din ba ako? Dahan-dahang tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagtunaw ng mga sorbetes na dala-dala ko. Kagaya lang din pala siya ng iba.

Napatingala naman ako ng maramdaman ang tubig na umaagos galing sa itaas. Palagi nalang ba talaga akong dadamayan ng ulan?

Marahan kong tinanggal ang kwintas na ibinigay sa'kin ni Marco at itinapon nalang sa gilid.

"Manloloko!" Sigaw ko at umiyak. Kung kailan alam ko na ang nararamdaman ko eh kailangan mo namang mawala. Palagi nalang ba?

--

Isang taon na ang nakakalipas simula ng mangyaring iniwan ako ni Marco sa park. Ilang araw din akong bumabalik noon pero wala eh. Wala siya. Kahit ni anino, wala.

Napabuntong hininga naman ako. Dalawamput siyam na ako. Isang taon nalang at mag te-trenta na ako. Mag mamadre nalang siguro ako.

"Anak? Ano na naman bang minumukmok mo diyan?" sabay lapit sa'kin ni mama

Inismiran ko naman siya, "Wala po."

"Ikaw talagang bata ka. Ano na bang nangyayari sa'yo?"

Ibinalik ko na lamang ang paningin ko sa bintana at itinuon ang atensyon sa labas.

Ano na nga bang nangyayari sa'kin? It's been years. Hindi naman sana kami pero bakit nasasaktan ako?

I sighed. Ayoko ng magmahal. Mas lalo pang sumasakit.

Tumayo naman ako at ninais na pumunta sa park. Isang taon na din akong 'di nakakabalik do'n.

May 24, 2017. Ito ang araw kong kailan sinaktan ako ni Jeferson at ito ang araw kong kailan kami nagkakilala ni Marco.

Magdadala na ba ako ng kandila para mag sindi sa kanila? Dahil pinatay nila ako eh. Kong sana 'di ako sinaktan ni Jeferson edi sana hindi ko nakilala si Marco at hindi ako nasasaktan ngayon ng mas triple.

Nagbihis ako ng casual na damit at agad na pumanhik papuntang park. Nagtaka nga ako eh dahil ang drama nila mama. Sabi pa na baka makalimutan ko daw sila kapag lumabas ako. Ang weird diba?

Nakarating ako sa park ng walang taong nandoon. Bakit kaya? Una kong pinuntahan ang swing na parati naming inuupuan noon. Nakakamiss din pala.

Umabot ng maghapon ng maramdaman kong umaambon. Uulan pa yata kaya tumayo nalang ako at naisip na pumunta nalang sa mall malapit dito.

Naglalakad ako no'n ng biglang umulan ng malakas. Now great. 'Di pa ako nakakaabot ng mall eh.

Napasimangot naman ako. Pilit na pinipigilan ang iyak na gustong kumawala sa mata ko. Shit.

Nagsimula 'uli akong maglakad ng may nagsalita sa likod ko.

"Miss, Okay ka lang ba?"

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko at ramdam ang panginginig ng mga tuhod ko.

Tiningnan ko ang nagsalita at napasinghap.

His messy hair. Brownish eyes. Soft lips. Marco.

Umiyak ako ng lumapit siya sa'kin dala-dala ang kwintas na binigay niya sa'kin noon na itinapon ko na. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya.

"Walangya ka! Ngayon ka pa nagpakita kong kailan gusto ko ng makalimot!"

Itinaas naman niya ang noo ko at hinalikan ito.

"Im sorry. Sorry dahil hindi ako nagpaalam. Natakot ako eh. Naalala mo 'yong araw na masaya tayo? Diba sabi ko binigyan mo ako ng pag-asa. You give me chance to see. I have hope, because of you. You complete me. Pumunta ako ng america para magpagamot. Para sa'yo." Lintanya niya kaya mas lalo akong napaiyak

I look at him with teary eyes, "You can see." I murmured

Tumango naman siya. "If you can give me chance to prove myself. Jullie can I court you?" He asked kaya napatawa ako

"Isang taon kitang hinintay at diyos ko 29 na ako't magpapakipot pa ba ako?" ani ko kaya napangisi naman siya

"I thought so. Teka, pinuntahan ko nga pala ang mga magulang mo. Boto naman sila sa'kin, sabi pa nga nila pakasalan na daw kita. Atsaka gusto mo kantahan kita? At alam mo naman gusto ko walang balakid sa'ting dalawa." Sabi niya sa'kin na ikinabigla ko

Oh, kaya pala biglang naging ewan ang mga magulang ko kanina.

Nginitian ko naman siya at niyakap. "Salamat. Salamat at bumalik ka."

Sa oras na 'yon eh bigla nalang tumigil ang ulan. Tila sumusunod ito sa ayon ng aking puso. Napatingala ako at nakita ang bahaghari.

Ito ang araw kong kailan ako nasaktan. Ito rin ang araw kong kailan ako naging masaya.

Saktan man ako ni Marco eh mamahalin ko pa rin siya dahil alam ko sa sarili ko na kahit kailan hinding-hindi niya ako sasaktan.

May umalis man may darating pa din naman.

Hindi porke may kapansanan ang isang tao eh 'di na siya pwedeng mahalin. We just need to wait and love the person who truly deserves you.

We just need a Right Time to be with our destiny, because everything gets back to his or her own holder.

Masaktan ka man ng pa ulit-ulit eh may darating at gagamot pa rin sa sakit na nararamdaman mo. We just need to wait and enjoy life to the fullest.

--- The End ---

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon