IBC WC: Contestant #24

171 25 1
                                    

Contestant # 24

Title: Merciful Seductress

Wattpad Username: 

Genre: Romance

Theme: Love is Sacrifice

Count of Words: 1,999

Body:


"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight MLA 431 to New York. We are encouraging those passengers with small children, senior citizen, pregnant and with disabilities, to begin boarding at this time. Please have your passport and ticket ready. Regular boarding will begin in approximately twenty minutes time. Thank you."

That's the pre-boarding announcement for our flight today. I am now on my second year contract as a flight stewardess for Manila Airlines. Ilang buwan ko na namang hindi makikita ang pamilya ko. It's one of the drawback of my chosen career.

Bata pa lang ako ay pangarap ko na ang maging flight stewardess, ang ganda kasi ng uniform nila. Sobrang sexy nila pagmasdan. Wala pa ata akong nakitang panget na flight stewardess sa tanang buhay ko. Kaya naman sobrang saya ko ng natapos ko na ang kurso kong Tourism.

Bilang isang flight stewardess sanay na ako sa mga matang nakakatunaw makatingin. Kagaya na lamang kanina habang papa-akyat kami ng eroplano, naglalakad kami ng kaibigan kong si Celine sa airport habang hila-hila namin ang aming mga luggage bag.

"Ang se-sexy nyo mga Miss!"

"Pwede bang makuha ang number nyo!"

Ilan lang yan sa mga side comments ng mga kalalakihan na naririnig namin habang naglalakad kami. We just smiled at them and we continue to walk towards the direction of Gate 3.

Pagdating namin sa Gate 3 someone caught my attention. He was wearing white pilot uniform, I guess his height is around 6'1". Kasalukuyan siya ngayong nakikipag-usap sa iba pang cabin crew. I was so stunned when he suddenly gaze towards my direction. Nakakahipnutismo siyang makatingin, yung tingin na nanunuot sa buong pagkatao mo. Sobrang puti at kinis ng kanyang balat, mas nababanaag ang kanyang kagwapuhan kapag natatamaan ang balat niya ng sikat ng araw. Lumilitaw din ang mga dimples niya kapag napapangiti siya sa kausap niya.

"Shocks! Patricia, that's him!" Ang gulat na gulat na pagbabalita sa akin ni Celine.

"What?" Pagtataka ko.

"Siya si Captain Dominic Villanueva, yung bagong pilot ng Manila Airlines. I mean yung super duper hot na bagong pilot ng Manila Airlines. Balitang-balita kaya siya sa mga ka-batch natin. Syeteng! Ang gwapo niya pala talaga." Kwento ni Celine habang parang naghahyper-ventilate.

I moved my stare towards Captain Villanueva, he looks so young. Siguro nasa early thirties pa lang ang edad niya. Nakakahanga, bago ka kasi maging pilot ng Manila Airlines you should have atleast experienced flying a plane with a minimum of 500 hours flying time.

"Gurl kahit saang anggulo ko siya tignan walang patapon!" Nababaliw na ata itong kasama ko. Wala naman akong magawa kung hindi tumingin na lang din kay Captain Villanueva.

In fairness papasa siya sa standards ko. Height, check! Teeth, check! Nose, check! Eyes, check! Hanggang sa napadako ang tingin ko sa kanyang mga braso. Wow! Perfect muscles! Check!

Until I saw the gold bling-bling that he was wearing on his left hand.

"Gosh! He's married!" Medyo napalakas pa ang pagkakabigkas ko noon pagkakita ko sa suot-suot niyang wedding ring. Mabuti na lamang at si Celine lang ang nakarinig ng sinabi ko.

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon