IBC WC: Contestant #21

50 5 0
                                    

Contestant#21

Title: My Mother

Wattpad user:Chloe-004

Theme:Love is sacrifice


"Ma nandito na po ako" walang ganang sabi ko pagkapasok ng bahay. "Anak kumain kana ba? Gusto mo ipag luto kita? Akin na yang uniform mo at isasama ko na dito sa lalabahan ko." Salubong sakin ni mama Yan ang pinaka ayaw ko sakanya eh. Pwede naman kaming kumuha ng maid kaso gastos daw. Kaya hindi ko pinapapunta dito mga friends ko eh. Nakakahiya kasi. mas mukha pa ngang maid ang nanay ko kesa sa katulong ng kapit bahay eh. Di kasi marunong mag ayos tong si mama. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Lumabas ako ulit para iabot ang uniform ko "Ma... Lalabas lang po ako saglit ah? Magmamall lang kami nina jane sandali lang po kami" Ganito naman ako lagi eh papasok uuwi aalis ulit at paulit ulit ang cycle ng bawat araw ng buhay ko. "Osige anak.. Pero kumain ka muna ah? May niluto ako dyan sa lamesa ikaw nalang kumuha at may ginagawa pa ako eh" nakangiting sabi nya. Nakakainis yang mga ganyan nya. "Ma hindi na ako bata. Kaya ko na sarili ko ikaw nalang kumain wag mo na akong antayin" walang galang na sabi ko. Tumayo sya at pinatuyo ang kamay at kumuha ng pera sa kanyang bulsa "P-Pasensya na anak... Ayoko lang naman magutom ka eh.. Sige na at baka hinahanap kana ng mga kaibigan mo eto oh pamasahe. ingat kayo ah. I love you" sabay halik nya sa noo ko. "Ma kakasabi ko lang eh. Ano bang dimo maintindihan sa hindi na ako bata?" hindi ko na sya pinasagot at tuluyan nalang akong umalis ng bahay. Bwisit na bwisit na ako sa bahay. ---

Kasama ko na ngayon sina jane at claire nagiikot lang kami dito sa mall at-- "Girl tignan nyo oh. Daming pogi" sabay turo ni jane sa isang grupo ng lalaking masasabi mo ngang mga pogi. Di kalayuan ay may isa silang kasama na nakatingin saakin.. "Ay girl. Taray naman this gurl haba ng hairlalu ng grandma nyo. Nasee see nyo ba ang nasee see ng aking beautiful eyes? Naka eyes on me pa ang lolo nyo kay grandma oh. Taray pak ganern" with matching sound effects pa itong mga salita ni claine /Kle-in/ este claire pala haha. "Haynako guni guni mo lang yan girl naghihinalo kalang andami mo kasing nakitang papa" patawang sabi ko. Kahit na nakita ko nga ang nakita nyang may nakatingin saakin. Lumingon ako sa paligid at wala si jane "Wherelalu naman kaya nag dora the explorer ang isa pang lola mo gurl?" tanong saakin ni claire "Aba hindi ko alam. Hindi ba't katabi mo sya kanina nang tumigil tayo dito sa kinatatayuan natin?" sabi ko Nasaan naman kaya yong babaeng yon.. Hindi kayaa... Nagkatinginan kami ni claire at sabay kaming tumingin sa direksyon ng mga lalaki kanina. At hindi nga kami nagkamali ng hinala. "Ay. Ang Lola mo gurl nag fast and the furious na para makakuha ng digits" natatawang sabi ni claire. Kahit kailan talaga si jane. Nang makita naming pinapalapit kami ni jane sa gawi nya lumapit naman kami. "Hi beautiful lady.. And uhmm beautiful--uhmm--man?" bati saamin ng lalaking nasa tabi ni jane. "Gurl. Madadie na ata aketch diko keri. Bet ko na girl kaso sinabihan ako ng man. Gurl mashaket" bulong saakin ni claire. "Loka atleast may beautiful parin" pabalik kong bulong sakanya Muli naming binigyang pansin si guy at ngitian ito. Sinusulyap sulyapan ko naman yung lalaking nakatingin sakin kanina. 'Ano naman kayang problema nun?' tanong ko sa sarili "Be! Iniinvite pala tayo ni Kevin sa party nya mamayang gabi" nakatinging sabi nya saamin ni claire. "Ayt. Close up na kayo?" sabi ni claire. "G na G ako dyan gurl. Akalain mo nga naman may mararating pala tong Prada purse ko." dugtong pa ni claire habang winawagayway ang purse nya pagbabago ng topic. Sasama ba ako o hindi? Kaso magagalit si mama pero hindi naman siguro sya magiintay diba? "Ano game ka girl?" tanong saakin ni jane. Tumango lang ako bilang sagot. Muli kong sinulyapan ang lalaking tinitignan ako kanina. At nakatingin parin sya saakin pero ngayon nakangiti sya. Weird? ---- *10:47pm Papunta na kami sa Venue ng party. Galing kami sa bahay nina jane at pinagpalit nya ako ng damit dahil party daw iyon kailangan ko daw mag ayos. Nang makarating kami sa lugar nakakatakot pero dahil sa malakas na tugtugan at sa dami ng tao ay hindi mo maiisip masyado na matatakot ka. Sa sobrang dami nang tao ang tagal pa naming sumiksik para lamang makadaan papunta sa isang bakanteng table. "Gurl sayaw lang ako" paalam ni Claire "Ako din wait lang!" pahabol ni jane. Pero hindi sya narinig ni claire sa lakas ng tugtog at sigawan ng mga tao. "Iiwan nyo ko?" sigaw ko sa tenga ni jane. "Edi sayaw ka din ok lang yan wala namang mangingidnap sayo be!" saad nito. Tumango nalang ako. Ayokong sumayaw kaya naiwan ako dito sa table. *12:54am Malakas parin ang hiyawan ng mga tao dito. May waiter na lumapit sakin at inabutan ako ng drink "Kuya hindi po ako nag-order" sabi ko sa kuya na hindi naman gaano kalayo kaya maririnig nya ako. Itinuro lang nya ang table na di kalayuan at sinabing. "Ipinapabigay po sainyo nung kapatid ng may ari ma'am" Tinignan ko ang table at sya ung nakatingin sakin sa mall kaninang hapon. Hindi ako pwedeng magkamali. So kapatid siya nung kevin? Tss. Pakielam ko ba. Tinignan ko lang sya at kinindatan ako ng kumag. Tinarayan ko sya at ininom ang inumin na nasa harap ko. And everything went black. ----- "Gurl are you still alive?" narinig ko ang boses ni claire na niyuyugyog ako. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinawakan ang ulo ko. "Ano bang nangyare?" tanong ko kay claire habang hawak parin ang ulo ko. Ang sakit ng ulo ko. Ngayon lang nangyari to saakin. Wala akong maalala sa mga nangyari. "Girl Sofia the first kang uminom ah. Dimo naman sinay saakin na may What's going on na kayo ni kuya eyes on me" Napahuh nalang ako dahil wala akong maintindihan sa sinabi nya. "later mo nalang isipin ang sinabi ni claire be at ang isipin mo eh paano ka makakauwi sa lagay mong yan." sabi ni jane Nasaan ba ako. Inilibot ko ang paningin ko at nandito kami sa bahay ni jane. Tinignan ko ang relos ko at WHAATTT?!! 3 na ng hapon. Pinilit kong tumayo pero nangingibabaw parin ang sakit ng ulo ko. "Mamaya kana bumangon be ano ba kasing ininom mo at hindi ka magising kagabi. Buti nalang hinatid tayo ni keith pauwi kaninang 5 ng madaling araw. He is so mabait ah" maarteng sabi ni jane "Keith?" tanong ko sakanila. "Girl! Are you my amnesia girl?! Eh sya nga ang kawith mo buong starry night eh. Sabi ni claire Wala akong maalala. Ano ba kasing ininom ko? *6:46pm Umuwi na ako. Tahimik ang bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit. Pumunta ako ng kusina pero wala doon si mama. Wala ring nakahain na pagkain. Weird? "Ma?" sabi ko nang papasok ako ng kwarto nya. Pero wala sya. Naalala kong nalowbat ako kahapon kaya tumakbo ako sa kwarto ko para isaksak ito. Nang mabuksan ko ito. 2213 messages 2sms fr. AutoloadMax 2211sms fr. Mama /anak nasaan kana?/ /anak kumain kanaba? Gabing gabi na wala kapa/ /anak sagutin mo naman mga tawag ko/ /anak tumawag na ng pulis si mama wag ka sanang magagalit ah/ /anak hindi kadaw nila mahanap/ /anak reply naman please nagaalala si mama/ /anak wala kabang load?/ /anak natanggap mo ba ung 500 na load?/ /nak ako nalang maghahanap sayo ah wag ka magagalit kay mama/ /anak wala nang mall bukas ngayon madaling araw na anak/ /anak reply kanaman oh/ Sobrang dami pa ng messages na sinend ni mama pero ang pumukaw ng mata ko ay ang huling message. /Kayo po ba ang Guardian o kamag anak ng may ari? Pumunta po kayo sa **** Police Station para ipaconfirm kung kamaganak nyo po ang may ari ng nasagasaang kotse/ Hindi ako nagdalawang isip at tumakbo na kaagad. Hindi naman siguro pedeng mangyari yon. Hindi pwede. Nang makasakay ako ng taxi hindi ako mapakali... "Kuya pakibilisan naman oh" pang ilang sabi ko sa kuya. Inis na ang mukha nya pero hindi ko nalang pinansin. Ang mama ko. Nang makapasok ako sa Station "Kuya ano pong nangyari sa may ari ng kotse na may plakang *** ****" nagmamadaling sabi ko. "Ma'am maupo po kayo" itinuro saakin ng pulis ang upuan at dali dali naman akong umupo. Nakinig lang ako sa mga sinabi nya. Naaksidente ang mama ko. Dahil sakin.. Kasalanan ko to.... Kasalanan ko lahat. Dali dali akong pumunta sa ospital na kung saan doon daw dinala ang mama ko. "Ate pwede po bang malaman kung mayroong nagngangalang Beatriz Gonzales ang dinala dito kaninang hapon?" kalmado pero takot ang tono ng boses ko. Nagtype si ate na nurse at tumunghay. "Ma'am.. Dead on arrival po ang sinabi niyong tao.. Pasensya napo ma'am pwede po namin kayong papuntahin sa morgue pagkitapos nyo pong fillupan ito" inabot nya saakin ang papel. Kinuha ko naman ito... Hindi ako makapaniwala... Patay na si mama.. Wala akong nagawa kung hindi humagulgol sa pag iyak. Then everything went black ---- *10 months later. Nailibing na si mama... Nanganak ako... At ako lang ang magbubuhay sa anak ko.. Nagsisisi ako. Sa isang araw nayun. Anlaki ng pinagbago ng buhay ko.

Hindi ko manlang nasabihan ang nanay ko na mahal ko sya. Hindi naman talaga ako galit sakanya.. Ayoko lang talagang naghihirap syang gumawa ng gawaing bahay.. Ayokong nakikita syang ngumingiti kahit hindi naman sya masaya. Kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko sya sinabihan ng masasakit na salita. Dapat hindi ko sya iniwan nung gabing yon. Dapat hindi siguro ako magisa at may anak ngayon. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko sa buhay ko na ayoko sanang tularan ng anak ko. "Ma... Im sorry.. Ma salamat sa lahat ng ginawa mo para saakin.. Pinagtyagaan mo ako ma.. Pasensya na napaka tigas ng ulo ko.. Ma sana ikaw pala ang sinasama ko tuwing magmamall ako no? Madami kasi akong nakitang mga bagay sayong damit eh ma.. Sorry sa lahat ng salita na nasabi ko sayo.. Sorry kung nasaktan ka ma.. Ayoko lang naman kasing nahihirapan ka.. Ma sorry kung pinagalala kita.. Sorry hindi kita nasabihan na mahal kita ma.. Sorry kung hindi kita pinapahalik sa noo ko... Sorry kung ayokong yumayakap ka saakin.. Sorry kung ayaw ko ng mga kanin na baon.. Ma mahal na mahal kita pero pasensya na dahil hindi talaga ako nagiisip.. Ma sana tulungan mo akong palakihin to si kate.. Ma wag kang aalis sa tabi ko ma... Alam kong nandidito ka lang...." tumulo ang luha ko nang may maramdaman ako pagyakap saakin mula sa likod alam kong si mama ang yumakap saakin... Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. Muling tinignan ang lapeda ni mama. "Mahal na mahal kita ma..." bulong ko.. The end.

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon