TITTLE: Pistanthrophobia
WATTPAD USERNAME: AlfiexX
GENRE: Teen Fiction
THEME: There will be rainbow after a rain.
PISTANTHROPHOBIA
"Please?"
"Di 'ba sinabi ko na ngang ayoko na? Gaano ba kahirap intindihin 'yun ha?"
"Please Ace. I'm begging you, pag-usapan natin 'to."
"Frances, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi na kita mahal."
"Ano ba ko sa tingin mo? Laruan lang? Ha?"
"Sinabi ko na naman sa 'yo una pa lang na wala akong babaeng sineseryoso..."
"Sabagay, pangalan pa nga lang halata na. Ace. Anong sa tingin mo sa 'ming mga babae? Parang cards na basta na lang pinaglalaruan? At ikaw ang...Ace!"
"Wala akong pake kung yan ang gusto mong paniwalaan, hindi ko kasalanan kung masyado ka nang nahulog sa 'kin." tumalikod na sya at iniwan akong luhaan.
Bakit ganu'n? Minsan na nga lang ako magmahal, nasasaktan pa. Ang malas ko naman pagdating sa pag-ibig. Ang hirap palang magmahal, ang hirap magtiwala.
*****
"Tara na bilis baka maiwan na nila tayo." Aya sa 'kin ng kaibigan ko.
"Ayoko...baka mahulog ako dyan."
"Ano ka ba naman? Footbridge lang 'to."
"Natatakot ako."
"Hindi ka ba nagtitiwala sa 'kin?"
"Kasi Ella, mahirap magtiwala sa isang tao."
"Kailan ka pa nagkaroon ng Pistanthrophobia?"
"Phistanthrophobia?" Ano 'yun?
"College ka na, tapos di mo pa alam?"
"Sorry. Di naman ako kagaya mo na matalino. So ano nga 'yung pistan...ah ewan! Basta 'yun!"
"Pistanthrophobia is a fear of trusting people."
"Ganu'n? Ang hirap na kasing magtiwala, minsan na kong nasaktan."
"Frances, di ka pa rin ba nakaka-move on kay Ace? It was three years ago." Sasagot pa lang sana ko kaso may tumawag na sa 'min.
"FRANCES MENDOZA AND ELLA GARCIA, COME ON! MAHUHULI NA TAYO!" tawag sa 'min ng aming propesor. Meron kaming field trip ngayon at may tatawiran kaming footbridge para makapunta sa kabila. Natatakot ako kasi baka mahulog ako.
"Tara na kasi, hindi ka naman mahuhulog dyan eh!"
"Sige pero hawakan mo ko. 'Wag mo kong bibitawan kahit anong mangyari."
"Haysss! May iba bang ibig sabihin yan?"
"Ewan ko sa 'yo. Kaibigan ba kita?"
"Ngayon ka pa nag-duda? Tara na nga, maiiwan tayo eh." tumango ako at hinawakan nya ang kamay ko.
"Huy! 'Wag ka ngang masyadong magmadali. Natatakot ako."
"Trust me."
"Mahirap nga sabing magtiwala."
"Alisin mo nga yang pistanthrophobia mo!"
"Naaalis ba 'yun? Phobia 'yun, hinding-hindi na 'yun mawawala. Parang sakit na ibinigay nya sa 'kin, hindi mawala-wala kahit lumipas na ang ilang taon."
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
AcakIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16