IBC WC: Contestant #39

107 11 2
                                        

Contestant #39

Title of your story : Magic Roses

Wattpad username: danger_cruel

Genre of your story: Romance

Theme you used : There's a rainbow after the rain  


Magic Roses

"Vince! Ang daming mga bulaklak dito! Lalo na yung mga Rosas!" pumalakpak ako ng mahina dahil sa sobrang saya.

"Oo nga" sambit naman ni Vince na nakangiti.

Bumili kami ng tatlong tangkay ng Rosas. At naglakad-lakad patungong school at inamoy-amoy ang mga ito. Para sa'kin napakabango ng mga 'to. Nang marating namin ang school nagtungo na kami sa aming kanyang-kanya classroom.

Si Vince ay ang aking kababata. Alam mo'yon? Simula Grade 3, maging hanggang ngayon na Grade 10 Junior student na kami, siya palagi ang kasama ko.

"Vince! Kamusta klase mo?" Pagbati ko kay Vince sabay akbay sa kaniya. Katatapos lang kasi ng klase namin ngayon. Ganyan lagi ang routine naming dalawa. Sabay papasok at sabay din uuwi.

"Maayos naman. Masaya" sambit ni Vince habang pinipisil ang pisngi ko na nakangiti.

"Aww! Ano ba Vince! Hanggang ngayon ba naman pinipisil mo parin ang pisngi ko!" Pagmamaktol ko kay Vince habang nakanguso.

Tumawa siya ng bahagya. "Halika na, iuuwi na kita" hinawakan niya ang wrist ko at sumabay ako sa paglalakad niya.

Nang maihatid na'ko ni Vince sa harap ng dorm ko ay nagpaalam na siya. Bago ako makapasok sa dorm ko ay hinintay ko muna siyang umalis hanggang sa 'di na siya matanaw ng mga mata ko.

"Aww!" Hinawakan ko bigla ang paa ko dahil nakaapak ako ng ---- Rosas?! Yung thorns niya. Ang sakit.

Nagwawalis kasi ako. Eh nakapaa lang ako. Saan naman galing ang mga ito? Tatlong tangkay ng mga Rosas ang nakita ko sa gilid ng upuan ko. Hanep! Maglalagay nalang ng mga Rosas sa gilid pa ng upuan ko. Eh paano kapag di'ko nakita? 'Di ko naapakan? Edi sayang effort.

Lumipas ang mga linggo, patuloy parin ako sa pagtanggap ng mga Rosas. Hanggang ngayon misteryo parin sa'kin kung sino ba talaga ang naglalagay ng mga Rosas sa gilid ng pintuan ng dorm ko. Hindi na sa gilid ng upuan. Palagi na sa gilid ng pintuan ng dorm ko ngayon.

Minsan nga inaakala ko baka nga mamaya sa katabing dorm ko pala ang mga Rosas na'yon kaso may nakalagay na pangalan ko.

'To: Miles'

Atska ng mga messages like:

"Don't waste your time to these Roses. Just waste your time with me. Always together"

"I hope I'll make you happy"

"Don't think who am I. I'm your forever"

At maraming pang iba!

Pinipigilan kong sumigaw minsan sa sobrang kilig pero minsan 'di ko mapigilan kaya kukuha ako ng unan at kakagatin 'tska ako sisigaw habang kagat-kagat ko ang unan. That's my way to express my kilig!

"Vince! Vince!" Tawag ko sa kaniya dito sa school. Hindi niya kasi ako sinundo. Kailan pa naging paasa 'tong mokong na'to?

"Oh. Hello Miles" bati niya sa'kin.

"Ba't hindi mo'ko sinundo?! Ha!" Hinampas ko siya ng mahina sa balikat.

"Pasensya kana. May ginawa kasi ako" sabay akbay sa'kin. Hanep 'to ah. Ngumiti lang ako sa kaniya at sumabay maglakad.

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon