IBC WC: Critiques

145 10 14
                                    

Nais namin, mga admins, na mas makatulong pa sa mga sumali o nakilahok sa kauna-unahang ONE-SHOT WRITING CONTEST ng Infinity Book Club. Nawa'y gamitin ninyo ang mga kumento bilang pampalakas ng loob at pampatatag pa ng pundasyon ninyo bilang isang manunulat.

Paalala lamang na kada-contestant ay may nakatokang judge upang bigyan kayo ng critique o kumento patungkol sa inyong istorya pati na rin sa kung paano kayo nagsulat. Ngunit may iilang judge na binigyan pa ng kumento ang ilan pang contestant bukod sa mga nakatoka sa kanila.

Kung mapapansin, may ilan pang contestant na hindi pa nabibigyan ng kumento. Mangyari'y maghintay na lamang po tayo. Salamat!

Contestant #1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Contestant #1

Maayos ang daloy ng istorya. Naramdaman ko naman iyong damdamin sa bawat salita. Hindi rin nakakaumay ang pabago-bago ng lenggwahe na ginamit. Mayroon lang ilang pagkukulang lalo na n'ong nag-iba ang nagna-narrate. Mayroon ding kailangan mong bigyan pansin tulad ng mga sumusunod: (a) Right use of conjunctions. Kakaunti lang naman at maaari pang mapansin, (b) Balbal na mga salita; katulad ng nasabi sa patimpalak, "Be formal". Ang mga halimabawa ay iyong kelan (kailan) at konti (kaunti), (c) Mayroon ding pagkakamali sa paggamit ng din at rin, (d) Tuwing hindi mo gagamitin ang kuwit, nararapat na ilagay mo ang salitang 'ay' dahil maaaring maging pamalit iyong kuwit sa 'ay' (vice versa) sa ilang piling pagkakataon, (e) At ang isa ko pang napansin ay iyong tamang pagbabantas. Ang apostrophe ay maaari mong gamitin tuwing may isang letrang iyong papalitan (kaniya-kan'ya).All in all, naging maganda ang pagpapahayag ng damdamin. Nagkulang lang talaga sa pag-eeksplena ng mga pangyayari at pagre-relate ng theme sa nilalaman ng kuwento. Mayroon pang ikagaganda ang istorya dahil ngayon pa lang, nararamdaman ko na iyong paninindig ng aking mga balahibo. Nawa'y makatulong ang aking kumento, salamat!

Nagustuhan ko rin pala iyong katatagan ng karakter. May mabuti itong naipapahayag para sa mga makakabasa. Keep writing and don't let yourself focus in your comfortzone. Keep up the good work!  


Contestant #2

Kahanga-hanga ang pagkakagawa sa bawat pangungusap lalo na't Ingled ang lenggwahe nito. Hindi ordinaryo para sa isang teenager ang gumagamit ng Ingles sa kanilang istorya. Hindi nakakasawang basahin ang bawat salita lalo na't hindi gaanong paulut-ulit ang pagkakagamit sa bawat reaksyon o anuman. Ang kaso nga lang, may ilang pagkakamali pa rin sa paggamit ng tamang salita at medyo nasosobrahan na pagdedeskripsyon. Hindi rin gaanong nakagamit ng bantas (importante ito sa lahat). All in all, hinahangaan ko ang kung sinumang nagsulat nito dahil may lakas siya ng loob at mahusay din sa pagpapaliwanag ngunit may kulang sa timpla na nagiging hadlang upang mas maramdaman pa ang emosyon ng karakter. Mas nakakabuti rin kung mas magiging konektado pa ang pamagat sa theme lalo na sa pangkabuuan ng istorya. Keep it up!  


Contestant #6

Maganda siya (referring to the content of story), may pagka-mystery. Pero kasi parang medyo ano kasi 'yong lesson, hindi mo makukuha kaagad. Tapos may mga salita na mali (ang pagkakagamit). Tapos 'yong paggamit ng (") (ay hindi angkop), kasi gagamitin 'yan kapag nagsasalita pero ginamit kahit na nag-eexplain lang kung anong ginagawa.  

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon