Contestant #28
Title of the Story: Last Wish
Wattpad Username: ladyhestia23
Genre: Short Story
Theme: Change starts within ourselves not with the Politician
LAST WISH
"Congratulations,Paulo. I'm so proud of you,son. I still can't believe that you're already graduating from college. It seems like it was only yesterday when we are at our darkest time. Thank you for making it this far" madamdaming sabi ng ama ni Paulo habang inaayos niya ang toga ng anak. "I'm sure,wherever Angela is, she is so happy and so proud of you."
"Thanks dad. Thank you too,dad,mom,for not giving up on me. For having faith in me that I can pull through on this. And I know that Angela is very proud of me, this is what she have hoped for me. This is also for her. If only she could be with us right now. This would have been my happiest day." madamdaming wika din ni Paulo.
"Tama na nga yan at baka dito pa tayo magkaiyakan. Malapit nang magsimula ang seremonya." saway ng ina nya sa kanila habang naiiyak na rin.
Nginitian uli ni Paulo ang kanyang mga magulang bago magsimula ang kanilang graduation rites. Kahit siya,di pa rin makapaniwalang makakapagtapos siya ng kolehiyo at sa kursong Law na dati'y halos isumpa niya. Ibang-iba na siya ngayon sa dating Paulo na nasadlak sa kasamaan ng mundo. Oo,minsan sa kanyang buhay,naging masama syang tao,naging masama at rebeldeng anak,kapatid at kaibigan. Lahat na siguro ng kasamaan na pwedeng pagdaanan ng kabataan,nagawa na niya. Naninigarilyo,lasenggo, basagulero,sumali sa isang fraternity at pati na rin ng drugs.
At sa mga panahon ring iyon,halos itakwil na siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Pero wala syang pakialam ng mga panahong iyon. Patuloy pa rin siya sa kanyang mga naging bisyo. Pero may isang tao na kahit gaano niya itinaboy at lumayo rito,pilit pa ring lumalapit sa kanya at pinipilit syang baguhin. Si Angela.Si Angela na minsa'y naging malapit niyang kaibigan ngunit kanyang tinaboy ng siya ay nalulong sa iba't ibang bisyo. Pero ito lang ang di sumuko sa kanya. Pilit siya nitong pinalilinawagan na pwede pa siyang magbago at handa itong tulungan siya sa kahit anong paraan. Na di siya nito iiwan kahit anong mangyari.Pero di niya ito pinakinggan.
Di niya maiwasang tumulo ang kanyang luha nang maalalang muli ang kanyang kaibigan. At minsan pa'y nagbalik tanaw siya sa pangyayaring naging daan sa pagbabago ng takbo ng kanyang buhay.
10 years ago:
"Angela, pwede ba umuwi ka na,wag mo na akong guluhin dito. Nasisira ang laro ko sa'yo." naiinis na taboy ng binatilyong si Paulo. Abala ito sa paglalaro ng video games.
"Ayoko.Di ako aalis dito ng di ka kasama. Nangako kang sasamahan mo ako sa pagbili ng regalo pra kay Sam. Tapos di ka sumipot. Para akong tanga na naghintay sa'yo kanina sa mall.Nakakainis ka na talaga" mangiyak-ngiyak na sumbat rito ng dalagitang si Angela.
Umikot ang mga mata ni Paulo. Kanina pa pabalik-balik ang usapan nila. Naiinis na talaga siya, at baka mapatulan na niya ito. "Sorry na nga,nakalimutan ko nga di,ba?Bukas nalang kita sasamahan,okay?May oras ka pang bumili,sa makalawa pa naman ang birthday ng Sam na yan."pang-uuto niya rito.
"Sigurado ka?Baka inuuto mo lang ako." nagdududang sabi ni Angela.
"Oo nga, kulit mo eh. Sige na,alis na, umuwi ka na,gabi na at malapit ng dumating sina Bojo dito. Alam mo naman ayaw kong dinadatnan ka nila dito." pagtataboy pa niya rito.
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
RandomIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16