IBC WC: Contestant #22

114 16 6
                                    

Contestant #22
Title: Ang Payaso
Wattpad Username: chubbywormy
Genre: Short story
Theme: Love is Sacrifice
*********************
STORY:

Payaso- isang taong nagpapatawa sa pamamagitan ng pagbibiro at paggamit ng mga magic tricks. Katawa-tawa ang kanilang panlabas na itsura. (Clown in English.)

Pero paano kung napagalaman mo na ang pinakasikat na payaso sa barangay ninyo ay ang nanay mo? Kalokohan diba? Pero dapat mo ba siyang ikahiya? O dapat ipagmalaki mo sya sa saya na ipinapamagi niya sa mga bata?

--

Si Bernadette Castillo ay isang byuda. Masayahin, matiyaga, at mapagmahal na nanay. May anak siyang nagngangalang...Mariel Castillo. Si Mariel ay isang napakabait na bata. Manang mana sa pinagmanahan noh? Kaya ganoon na lang ang pagmamahal ni Bernadette kay Mariel.

Pero sa kabila ng napakayaman na pagmamahalan na meron silang mag-ina, napakahirap naman nila pagdating sa pera.

Kaya walang nagawa si Bernadette kundi tiisin ang hirap. Bagama't, highschool undergraduate kaya hindi makahanap ng matinong trabaho. Pumasok siya sa iba't ibang sidelines tulad ng pagtitinda ng gulay sa palengke, pagiging kasambahay, at...yun lang pala. Kaso lahat ng iyon ay hindi nagtagal dahil sa isa nyang rason- ang walang mag-aalaga sa kanyang anak na si Mariel. Kaya tuluyan silang naghihirap.

Pero may Awa ang Diyos, isang araw, may hinahanap na magpapanggap na payaso para sa birthday party ng anak sa isa sa pinakamayamang pamilya sa siyudad nila. Wala silang mahanap mapa- lalaki, babae, bakla o tomboy sa buong siyudad bilang maging payaso. Hindi daw kasi sila ganoong masayahin kaya hindi nila kayang gumawa ng jokes o tricks para sa mga bata. Saktong sakto dito si Bernadette kaya agad-agad siyang pumunta sa pamilya ng mga Valderama para tanungin kung pwede siyang maging payaso sa party.

"Ikaw? M-magiging clown sa birthday ng anak ko? Hahaha! Kalokohan."

Ngunit laking gulat niya nang pinagtawanan lang siya ng nanay ng mga bata, si Shukayuki Valderama. Matanda na sosyalin 'to kaya hindi ka na magdadalawang isip na ganyan ang magiging reaksyon. Nakaka-SHUKA ang pag-uugali.

"You're nothing but a cheap, low standard, Cat woman!" Ika ng matanda.

"Ano ba 'to si mama! Hirap na hirap gawan ng sariling version yung line ni Cherry Gil." Ani nung panganay na anak ni Madam Valderama.

"Shut up, Shimayuki, I'm not talking to you."

Siya nga pala, may lahi silang Chinese kaya ang we-weird ng mga pangalan nila.
Pero nasaktan si Bernadette sa inasta ni Shukayuki kaya paalis na sana siya nang biglang nagsalita ang chinitong matandang lalaki na asawa si Shukayuki- si Tsakayuki.

"Hon, 'wag ka naman ganyan mag-salita. Atleast nga pumayag siya sa inaalok natin eh. Pagbigyan mo na." Sabi ni Tsakayuki. Mabuti na lang at mabait si Tsakayuki kahit na ang tsaka ng kanyang pangalan.

"O...sige na nga. Tsk. Para kay Chakiyuki" Sabi ni Shukayuki. Siya ang batang tinutukoy na mag bi-birthday party.

Natuwa si Bernadette sa kanyang narinig dahil makakatanggap na siya ng pera pangtustos sa kanilang pangangailan at makakapagpasaya pa siya.

"Maraming Salamat ho talaga! Sisiguraduhin ko pong hindi kayo magsisisi sa pagpili sakin." Sabi ni Bernadette.

"Aba, dapat lang." Bulong ni Shukayuki.

Pero wala ng pake si Bernadette sa sinabi niya kasi napakasaya niya ngayon para pakinggan ang pinagsasasabi ni Shuka.

"Sige, ho. Alis na po ako." Ani Bernadette at dumiretso na sa kanilang barung-barong para sabihin ang balita sa anak. Kaso naabutan niyang tulog si Mariel. Hindi niya na 'to ginising para lang sa bagay na yun. Pero habang naghihintay na gumising ang anak niya, pumukaw sa paningin niya ang isang diary. Hindi siya mahilig mangielam pero binasa niya pa rin ang unang parte ng diary. At laking gulat niya ng malaman na takot sa clown ang anak niya! Ngayon niya lang nalaman ito kaya nagulat talaga siya. Kaya minabuti niyang ilihim ang magandang balitang sasabihin niya sana. Baka kasi mapalayo pa ang loob ni Yel sa kanya.

Isang araw, dumaan siya sa isang sikat na sirko na ang Kingdom Circus. Lumabas siya upang makahanap ng makakaperahan at mas madagdagan ang kita niya kasi hindi pa sapat ang bayad ng mga Valderama sa araw araw na gastusin. Kaso hindi siya makapasok dahil may entrance fee ang naturang sirko. Kaya wala na siyang magagawa kundi tumingin na lang sa labas ng sirko at pagmasdan ang ganda at laki nito. Pero napako ang paningin niya sa nakapaskel na papel sa poste.

For hire: payaso.
Kahit anong kasarian ay pwedeng-pwede. Hanapin lang si Lani Corpuz para makipag-ugnayan.

Natuwa si B-dette sa kanyang nabasa. Eto na ata ang nakasulat sa palad nya: ang maging payaso upang magpasaya ng bata. Agad niyang hinanap si Lani at nang makausap niya na ay mas lumaki ang lapad ng ngiti niya dahil sa wakas ay natanggap siya! Sila na daw bahala sa costumes at props na gagamitin.

Dumating ang araw kung saan magclclown sya sa birthday party ni Chakiyuki.

Makalipas ang isang oras, natapos na ang party at tuwang-tuwa ang mga bata! Halos ayaw nilang umuwi dahil gusto pa nilang gumawa ng tricks at mag-joke si B-dette. At inabot na ng mga Valderama ang kanilang bayad sa napakagandang performance niya! Pati sila ay tawa pa rin ng tawa.

Dumating na rin ang araw ng pag-peperform niya sa sirko. Gaya ng sa b-day party, umuwi ang mga taong tumatawa-tawa na parang wala ng bukas. Kaya binigyan siya ng napakalaking bayad. Binigyan din siya ng maraming maraming pagkakataon para mag-pasaya sa mga batang pupunta sa sirko. Hindi maipaliwanag ang saya na nadarama ni Bernadette. Habang parami ang parami ang kanyang pag-peperform, mas lalong napapamahal siya sa mga bata.

Ngunit hindi maiwasang gabi na siya umuwi at kaunti na lang ang oras niya sa anak niya. Hindi niya na rin nabibigay ang mga hinihingi nito. Kaya unting unting nalalayo ang loob ng kanyang anak sa kanya dahil na rin sa barkada.

...At dumating ang araw ng kagipitan. Buhay nga naman. Sabi nga, habang nabubuhay, may mga pagsubok. Pero 'wag mag-alala, dahil kung may pagsubok, may ginhawa.

Pero alam nyo na ang ginawa ni Bernadette sa panahong nakakaluwag siya? Nang dahil sa sobrang napamahal na siya sa mga bata, nag-ipon siya para sa mga batang ulila. Para makatulong sa kanila at MAPASAYA sila. Yun ang di alam ni Mariel na tulong na ginagawa ng nanay niya sa iba. Na mas pinili niya ang makatulong. Tinitiis niyang hindi bumili ng mga damit na gusto niya para may maipamigay na pagkain at damit sa mga batang ulila. Kaya nga gabi na sya laging umuuwi dahil dumadaan pa siya sa bahay ampunan para pasayahin sila. At hindi lang yan ang sakripisyong ginawa niya. Nag-ipon siya upang makatulong siya sa kinabukasan ng kanyang anak. Para may pera ang kanyang anak tuwing kailangan nito. Nilagay niya iyon sa banko para mas ligtas kung sakaliman na ilayo, manakawan sila. Hanggang sa nawalan na siya ng kita at dumating ang kagipitan.

Mga sinasabi ni Yel sa nanay niya tuwing hindi siya mabigyan ng mga hinihingi niya?

Puro paninisi ang sinasabi niya sa nanay niya. Kung bakit daw kung ano-ano ang pinggagastusan.

Ang hindi niya alam, ang mga pinaggagastusan ng nanay niya ay para rin naman sa kanyang kinabukasan.
Walang nagawa si Bernadette kundi kimkimin na lang ang sama ng loob sa pinagsasasabi ng minamahal na anak. 16 years old na si Mariel at 'wag sanang mangyari ang kinakatakutan niya...Ang maglayas ito.

Ngunit 'di kalaunan ay nangyari ang kinakatakutan ni Bernadette...Lumayas si Mariel nang wala man lang paa-paalam pero nag-iwan ng sobrang iksing sulat. Hindi sapat upang maipaliwanag ang paglalayas na ginawa. Sa lahat ng pagmamahal at sakripisyong ginawa ng kanyang nanay ay iniwan niya na lang ng ganun ganun na lamang? Inisip ni Bernadette na sana sinabi niya na lang na ang totoo, maiisip ng kanyang anak ang kanyang kabutihang nagawa, edi sana hindi na lang ito naglayas. Pero pinalipas niya na lang iyon...Ang kailangan niya na lang gawin ay tanggapin at hintayin ang kanyang anak na muling bumalik sa kanya.

Makalipas ang isang taon...Walang Mariel na bumabalik sa kanya manghingi ng tawad sa ginawa. Wala...Tinigil niya na rin ang pagpapasaya para lang hintayin nang magdamag kung darating ang kanyang anak. Pero lahat ng paghihintay ay nabalewala.

Ngunit...Nasan na nga ba si Mariel?

Ayun...Nandun na nagpapakasaya kasama ang mga kaibigan niya. Nakatira ito sa malaking bahay ng kaibigang si Mary. Kung akala niyo ay sobrang saya ng buhay niya ngayon, diyan kayo nagkakamali. Akala niya magiging maayos ang lahat sa pagtalikod sa kanyang nanay. Hindi. Napagtanto niyang mali ang kanyang nagawa. Malungkot siya ngayon dahil naiinggit siya sa mga nanay ng kaibigan niyang palaging nandyan. Siya lang ang wala ng dahil sa ginawa niya. Gusto niyang bumalik, ngumit bumalot na sa malaking bahagi ng puso niya ang hiya. Kaya minabuti niyang hindi na lang umuwi.

Isang araw, nagkayayaan na pumunta sa isang bahay ampunan bilang proyekto nila. (Iyon ang bahay ampunan na pinupuntahan ni Bernadette). Nagbahagi sila ng relief goods, damit at mga laruan. Pero may lumapit na babaeng naka-wheel chair. PWD ata.

"Oh? Ms. Mariel Castillo? Daughter of Bernadette Castillo?" Laking gulat niya na kilala siya nung babae.

"Y-yes. Bakit po?" Ngumiti ang babae.

"Ikaw pala ang anak niya...Alam mo ba na yung mama mo ang numero unong nagbibigay ng funds dito? Pumupunta rin siya dito gabi-gabi at nagpapanggap bilang clown para magpasaya sa mga bata. Sobra-sobra nga yung naitulong niya samin eh. Dahil sa kanya, nalaman ng mga bata ang kahulugan ng tunay na kaligayahan. Dahil hindi lang jokes ang sinasabi niya, ang mga pagsubok din na nalampasan niya." Hindi napigilan ng babae na napag-alaman niyang si Ms. Verde- ang nangangalaga ng bahay ampunan- na mapaiyak.

Hindi makapaniwala si Yel sa narinig. Pati rin siya ay parang naiiyak.

"...At, alam mo ba? Nagtabi siya ng pera para sayo...At pwede mo yung gamitin..O gastusin kahit saan, basta kung saan ka daw liligaya...Yun ang bilin niya."

Tuluyan ng umiyak si Mariel. Takot man siya sa clown...Ngayon ay hindi na, dahil ang nakilalang clown na nagpapasaya sa mga bata at nagtabi ng napakalaking pera para sa kanya, ay ang nanay niya.

"A-at ngayong w-wala na siya...A-ako na ang mag-aalaga sayo."

Tama ang nabasa ninyo. Wala na si Bernadette. Namatay siya dahil sa sakit na Leukemia. Wala siyang nagawa kundi hintayin na lang ang oras niya. Pero namatay siyang masaya dahil ang huling araw na nabuhay siya, nakita niyang muli ang anak niya. Pumunta siya sa bahay nina Mary kung saan tumutuloy si Mariel. May nagsabi sa kanya na nandun si Mariel. Pagkatapos non, biglang dumilim na ang paningin niya. Ngunit alam niyang hindi na siya mumulat pa kaya sinambit niya ang tatlong salitang:

"Mahal kita, anak..."

Bago tuluyang nilagutan ng hininga.

Nang marinig yun ni Yel, agad-agad siyang pumunta sa kanilang bahay at hinanap ang costume ng payaso ng kanyang nanay. Napagdesisyunan niyang ituloy ang ginawa ng ina. Nag-make up siya nang pang-clown. Pumunta siya sa sirkong dating pinagtratrabahuan ni Bernadette.

Wika ni Mrs. Lani, ang namumuno sa sirko.

"Sigurado ka ba iha? Kaya mo ba?"

Napangiti si Mariel.

"Kung kinaya ng nanay ko, kakayanin ko rin."

---

*After 5 years*

Pumunta siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang nanay.

Tumingala siya sa makulimlim na kalangitan bago yumuko.

"Ma..." Yan pa lang ang nasasabi niya, nagkarerahan na ang kanyang mga luha sa pagpatak.

"N-namimiss ko n-na po kayo..." Walang katapusan ang paghagulgol niya nang may naramdaman siyang malamig na hangin sa kanyang batok.

"Ma, ang daya daya niyo naman...Sabi niyo kayo ang magsasabit ng medal at magbibigay sakin ng diploma 'pag grumaduate na ko diba?"

"...Eh..Bakit ako na lang ngayong mag-isang nagsabit sa sarili ko?"

"...Pero okay lang yun, kasi kung hindi ka nag-hirap para magtabi ng pera, hindi ako makakagraduate. Salamat...Nang dahil sa iyo natuto akong magmahal...Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Salamat, ma."

"...Ikaw ma, ang pinaka- nakakatuwa, pinaka-mabait...At pinaka-mapagmahal na PAYASO na nakilala ko..."

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon