Contestant #: 20
Title: Tinig
Wattpad Username: wakaba10
Genre: General Fiction/Short Story
Theme: Try and try unti you die, although you die, at least you've triedBody:
Tagaktak na ang pawis ko sa likod ng entablado habang hinihintay na matapos sa pagkanta ang isa pang kalahok sa sinalihan kong amateur singing contest sa bayan namin. Bukod sa mainit na tela ng suot kong bestida na hiniram ko sa tiyahin kong makaluma, mainit talaga ang hulab ng panahon na parang may nagbabadyang pag-ulan.
Nang lumakas na ang palakpakan, lalong tumindi ang pagtibok ng puso ko. Ako na ang susunod. Aatakihin na yata ako!
"At ang huli nating kalahok, palakpakan po natin, Erica Gualvez!"
Kung hindi pa ako naitulak ng nagdaang kalahok palabas sa stage, malamang nakatakbo na ako paalis para makatakas. Nagbabakasakali lang naman talaga ako na baka may maidagdag ako sa pangmatrikula ko kaya ako sumali rito.
Hindi gaanong malakas ang palakpak nang lumabas ako sa entablado. Siguro dahil mas naririnig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko kaysa sa ingay ng mga tao.
"Go, Ikang! Kaya mo 'yan!"
Parang natanggal ang tutule sa tenga ko nang malinaw kong marinig ang boses na iyon ng bestfriend kong si Tonyo, ang nag-iisang audience na dinala ko mula sa barangay namin.
"Hi Erika, kumusta ka? Mukhang kinakabahan ka ah," baling sa akin ng host saka itinapat sa akin ang mikropono.
"M-medyo po."
"Normal lang iyan, minsan kailangan talaga na may kaba kang nararamdaman kapag sumasali ka sa mga patimpalak," pagpapakalma niya sa akin. Ilang sandali pa'y ipinakilala niya akong muli sa madla at sinimulang patugtugin ang pyesang kakantahin ko.
Tumahimik ang lahat nang magsimula akong kumanta. Magandang pangitain ba ito? Hindi ko na kasi marinig ang boses ko habang kumakanta ako. Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko.
Ilang linya na ang lumipas sa kanta, pero iisa lang ang ekspresyong nakarehistro sa mukha ng mga nanonood-nakakunot ang mga noo.
Sad love song ang kinakanta ko, bakit nakakunot ang mga noo nila?
Lumingon ako kay Tonyo. Mulat na mulat ang mata niya sa akin. Nakaka-distract!
"Hoy, Ikang!" malakas na naman niyang hiyaw. "Umayos ka, uy!"
"Pipi ba yan?" narinig kong sambit ng isang lalake sa harapan. Nagsimula silang magbulungan.
Noon ko lang namalayan na binibigkas ko nga ang liriko ng kanta pero walang boses na lumalabas. Kaya pala wala akong marinig?!
Mangiyak-ngiyak na ako, parang hindi ko na kayang ituloy pa iyon. Nagtatawanan na ang mga taong nasa harapan ko, narinig ko pa ang iba sa kanila na sumisigaw ng 'boo'.
Sinulyapan ko si Tonyo na nakapagkit pa rin ang tingin sa akin, determinado pa rin, nakakalakas ng loob. Pero kahit ang tingin niyang iyon, hindi napigilan ang mga paa ko sa pagtakbo paalis sa entablado.
************
Lulugo-lugo kaming umuwi ni Tonyo, baon ang kahihiyan ko. Ano na lang ang iku-kwento ko sa tatay ko pag-uwi ko?"Hayaan mo Ikang, may isa pang singing contest doon sa bayan ng kaklase ko bukas. Bawi tayo doon," ani Tonyo.
"Sa sinapit ko ngayon, aayain mo 'kong sumali doon? Hindi na. Tama naman si Tatay eh. Wala naman talaga akong maaasahan sa mga contest-contest na 'yan."
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
De TodoIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16