Contestant # 10
Title of the story: Huling El-Bimbo
Wattpad Username: lureylie_new
Genre of your story: Romance
Theme used: A There will be rainbow after a rain
Huling El-Bimbo
Leonel P.Lura (Lureylie_new)
"Jusko! Malalate na talaga ako!" sabay tanaw sa betty boop na relo ko. Malayo pa ang gymnatorium mula sa entrada ng school namin. Kung bakit pa kasi hinintay ko pa ang adobong pusit ni nanay, bwesit na bwesit tuloy ako sa paghahabol sa oras.
Nilakad ko ang kahabaan ng daan papunta sa gym. Nagmukha tuloy akong elepante sa paglalakad--malalaki ang mga hakbang patungo sa pupuntahan ko.
Tahimik na ang park. Madalas marami ang mga estudyante na nagtatambay doon pero walang ni isang estudyante na naligaw sa park pagdaan ko. Mas lalo akong kinabahan. Ibig sabihin lang nun ay nagsimula na ang kasiyahan. Paano na ang scholarship ko? Paano na ang mga pangarap ko? Masisira lang ba dahil sa isang gabi ng kasiyahan na ito.
Sa wakas, nasa parking lot na ako. Katabi lang kasi ang parking lot sa mismong gymnatorium. Nadidinig ko na ang M.C at ang mga hiyawan ng mga tao. Leche naman oh! Lagot ka talaga sa akin mamaya adobong pusit na ikaw. Kakainin talaga kita.
At nang nasa back entrance na ako sa stage, biglang bumilis ang kaba ng puso ko. Hindi dahil sa hinihingal ako pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang nakalimutan ni heart na tumibok. Ang mga tuhod ko naman ay parang mga bakal na puno ng kalawang, ang hirap igalaw. Isa lang ang ipinahihiwatig nito--KINAKABAHAN AKO.
Nawala ang pagmomoment ko with my stage fright nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was Lyanne who is calling. "My god Kimberly, where are you? Malapit na tayong magstart. Hinihintay ka na ni maam Shiela." Kinabahan ako lalo na nang narinig ko ang pangalang Shiela. She is our P.E instructor. Ang prof na nagpapamajor sa kanyang walang kakwenta-kwentang subject. At ang pinakaworst dyan, she always looks into my mistakes. "Yes Lyanne, I'm here!" At agad ko nang tinapos ang call.
Nang pumasok na ako sa waiting area ng mga participants, tinitignan ko ang nagkukumpulang tao. I have the hard time finding my group. Napansin ko ang isang babae na kumaway sa akin. Nang tinignan ko ito ng mabuti, it's Lyanne so I hurriedly come near to them.
Lahat ay nakaayos na. Nakaayos na ang buhok, nakamake-up na ang mga babae habang suot ang blue cocktail dresses with different designs. Nakaayos na din ang mga boys with their blue jumpsuits.
Nilapitan ako ni Janus, isa sa mga kaklase ko sa course namin. Halata naman ang pagpapalipad hangin nito sa akin. Lumapit ito sa akin at may ibinulong sa tenga ko. "You look stunning tonight Kim." Napangiti nalang ako sa "The Moves" na iyon ni Janus.
"Kim, hindi daw makakarating si Paulo. Nabangga daw siya sa motor at nabalian ng paa. Haaays, Problema!" At then Lyanne rolled her eyes.
This is my reward. Tingnan mo Kimmy, palagi mo kasing inaaway si Paulo kaya nagkaganon.
I slapped my head. I know mali ko yun pero I can't stand it, nangungulit kasi. Sabihan ba naman akong anak ng Yakusha. E di syempre masasampal ko talaga.
Nadinig ko din ang usapan ni Lyanne at si Nikko. Wala daw si Sheena kaya ako daw ang ipapartner niya. Ako? Magiging partner niya? Eh kelan ba naging maayos na partner yan? Eh hindi naman marunong maghandle yan eh! Ayoko sa kanya. Please, mas okay pa si Paulo. Argumento ko sa aking sarili. Napasimangot nalang ako nang hindi pumayag si Lyanne. Kung hindi lang 'to graded ay malamang nagback-out na ako. Tiisin mo nalang Kim, pasasaan pa't matatapos din ito.
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
DiversosIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16
