Contestant #: 33
Title of story: I Regret
Wattpad Username: 88Alien06
Genre of Story: Romance
Theme used: Love is Sacrifice
Marami akong mga pinag sisisihan na bagay, pero ang pinaka pinagsisisihan ko ay ang hindi ko pagsabi sayo ng nararamdaman ko.Kinatatakutan ka sa school natin dati, Nakakulong kasi sa prisinto ang tatay mo dahil siya mismo ang pumatay sa asawa niya. Naala ko pa noon nung unang araw ko noong 4th year,bagong istudyante palang ako at wala pa masyadong kakilala,kahit ganun ay may mga naging kaibigan na agad ako. Habang kami ay masayang nag uusap at nag kwewentuhan, bigla kitang napansin, Isang babae na may mahabang buhok na sumisilip sa binta, nag-iisaka lang, wala ka man lang kausap. Naisip ko nung una ay Transfer student ka rin kaya wala ka pang masyadong kakilala. Naisip ko sanang lapitan ka kaso pinigilan ako ng kaklase kong si Jake
"Wag mo siyang lapitan, delikado siya." Mahinang bulong niya
"Bakit naman? Gusto ko lang namang makipagkaibigan."
"Mamatay tao ang tatay niya. Mahirap na baka madamay ka pa" ang naisip ko nung sinabi niya yun ay 'Ang daya' wala ka namang kasalan, pero bakit ka nagdurusa?
Tinanong ko sila ng mga bagay tungkol sayo,Mayroon kang bipolar disorder.Hindi kita nilapitan nung araw na yon, ngunit tumatatak parin sa isipan ko ang mga sinabi nila tungkol sayo. Kahit nalaman ko ang tungkol dun ay parang mas ginusto kong lumapit. Kinabukasan noon ay pumasok ako ng maaga at inantay kang dumating sa klase, narinig ko kasi na maaga kang pumapasok . Pag dating mo ay nginitian kita, halatang gulat na gulat ka dahil nabitawan mo yung bag na hawak mo. Sinuklian mo ako ng isang matipid na ngiti. Pagkatapos nun ay nagpakilala na ako sayo
"Hello Ako pala si Add, ako yung mahal na mahal niyo sa math" Pabiro kong sabi, ang kala ko ay ngingitian mo lang ulit ako pero hindi,
"Ako si Rosalie...pwede ba kitang maging kaibigan?"
"Syempre naman!" Masaya kong sabi, "I'm Add Matheo" Nakita kitang tumawa, biglang nagkaroon ng buhay ang mata mo, nung mga panahon na yun tuwang tuwa ako, kasi simula nung araw na yon ay naging kaibigan na kita. Araw araw tayong sabay kumain, sabay umuwi, Pinagpasensyahan mo rin pala yung mga corny kong kwento. Lagi tayong magkasama...at unti unti narin akong nahulog sayo. Pinagbubulungan tayo lagi ng mga kaklase natin pero ni minsan ay hindi ko yun pinansin. Ikaw ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko,kahit minsan nga lang ay pabago bago nalang ang ugali mo,naaalala ko pa dati nung bigla ka nalang ngagalit kasi umabsent ako nang walang sinasabi sayo,pero ni minsan hindi kita nakitang umiyak.Malakas kang tao,hindi mo pinapabayaang maka apekto ang lahat ng iyon sayo, yun ang akala ko pero. Isang araw naabutan kitang umiiyak sa classroom mag-isa. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko noon, Gusto kitang lapitan pero hindi ko magawa. Gusto kitang kausapin pero natatakot ako.
"Add..." nung tinawag mo ang pangalan ko ay isa lang ang alam ko, may mali.
Yinakap lang kita, ni hindi ko lang man tinanong kung may problema ba. Simula nung araw na yun ay madalas kang tulala at wala sa sarili, gusto kong malaman kung ano ang dahilan, pero naging duwag ako. Hanggang sa grumaduate tayo ng highschool, hindi ka parin bumalik sa dati at mas dumalas na rin ang ang bigla biglang pagbago ng mood mo. Nung nag college naman ay nagkahiwalay tayo kaya bihira nalang tayo makapag-usap ng harapan,pero okay lang rin naman kasi nag karoon ka ng iba pang kaibigan bukod saakin. Puro text at tawag lang ako sayo sa cellphone. Naisip ko non na kuntento na ako, kasi may iba ka ng kaibigan na tatanggap sayo at may iba ka ng kaibigan na magpapangiti sayo,Unti-unti ka ring bumalik sa dati mong sarili, kaya nagkalakas ako ng loob na magtapat ng nararamdaman ko. Kaso isang araw, nung nagkita tayo may sinabi ka saakin na hindi parin mawala sa isipan ko.
"Siguro dumating na yung tamang panahon para sabihin ko ito" Nakangiting sabi mo, "Add, ikaw ang pinaka matalik kong kaibigan, naalala mo ba nung naabutan mo akong umiiyak sa classroom?"
"Oo, Naalala ko" nakangiti kong sagot kahit ang totoo ay kinakabahan ako
"Alam kong matagal mo nang gustong malaman yung dahilan,si Add ka eh at kilalang kilala kita" pabiro mong sabi, "gusto mo bang malaman?"
"Gusto kong malaman..."
"Sabi kasi ng Lola ko, na may mga panaginip na nagkakatotoo,at may panaginip na may kahulugan. Nung araw na yun nakatulog kasi ako sa loob ng classroom, Napanaginipan kita. Napanaginipan ko na iiwan mo na ako, sinubukan kitang habulin pero hindi ko kaya at nadapa lang ako, nung naisip kong mawawala ka hindi ko alam ang gagawin ko, iyak lang ako ng iyak, Hanggang sa Pumasok ka sa loob- gusto ko sanang sabihin yung nararamdaman ko kaso natakot ako. Natakot ako na magkaiba ang nararamdaman natin, natakot ako na mangyare yung sa panaginip ko,lagi akong natutulala, lagi kitang iniisi. Alam mo kasi Add- Ginusto kita"
"Pero, may isang tao na dumating sa buhay ko. Pinabibilis niya ang tibok ng puso ko. Nung una akala ko panakip butas ko lang siya sa nararamdaman ko sayo kaya nandito ako ngayon para siguraduhin kung totoo ba ito, kaya Add, salamat. Kasi nalaman ko handa na akong tanggapin siya sa buhay ko" Nakangiti mong sabi.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang gusto ko nalang umiyak, at sa araw na yon napagtanto ko na mahal na pala kita. Kaso huli na, Kung hindi lang sana ako naduwag at ipinagtapat ang nararamdaman ko magiging tayo kaya? Pinag sisihan ko yun, araw araw nalulunod ako sa pag sisisi.
Hanggang sa Isang araw pinakilala mo siya saakin,naging magkaibigan rin kami pero halos masira ang buong puso ko nun, yung kung paano niyo tingnan ang isa't isa, punong puno ng pagmamahal. Naging matatag ang relasyon niyong dalawa, Hanggang sa Grumaduate na tayo ng College, Nagkaroon ng sarili nating trabaho ay kayo parin. Trina-trato ko niya bilang prinsessa kaya kahit paano ay masaya na ako. Isang araw ay Kinausap ako ng Boyfriend mong si David, Humihingi siya ng tulong para sa proposal niya sayo. Halatang mahal na mahal ka niya kasi sinunod niya lahat ng gusto mo, gusto niya kasi maging perpekto ang lahat pag dating sayo.
Nung dumating na yung araw na nag propose siya sayo ay sobrang saya mo. Gusto ko sana maging masaya para sayo kaso mas nadurog ang puso ko nung sumagot ka ng Oo. Lagi kang nag kwe-kwento saakin kung gaano ka kasaya, lalo na yung mga panahon na pinaghahandaan niyo yung kasal niyo. At nung dumating na yung araw ng kasal niyo ay sobrang sakit,Best man ako. Hindi ko maiwasang lumuha sa araw na pinaka hinihintay mo,Kasi parang sinampal ako ng katotoohanan na wala na akong pag-asa sayo. Ikaw ang pinaka magandang bride na nakita ko sa buong buhay ko, kumikinang ang mata mo. Sobrang saya niyo, Masaya na ako na Mahal na mahal ka niya. Nung sinabi mo yung 'I Do' gusto ko nalang tumakbo palayo, kaso hindi pwede. Ayokong masira ang araw na pinaka hinihintay niyo.
Rosalie, Mahal parin kita kaso panahon na para palayain ka. Hanggang ngayon nagsisisi parin ako, Kung hindi lang sana ako naging duwag. Kung sinabi ko lang sana sayo yung salitang 'Gusto kita'
Pero salamat parin sayo, Kasi dahil sayo natutunan ko na 'love is sacrifice' dapat handa kang isakripisyo ang pagiging kaibigan niyo o kaya kaylangan handa kang mag paraya para sa kasayahan ng iba. Kaya ang maipapayo ko lang, kung magmamahal kayo, wag kayong matakot kasi hindi niyo alam na baka pag gising niyo yung mahal niyo may mahal nang iba.
BINABASA MO ANG
IBC Activity Section
RandomIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16
