Chapter 1

649 86 41
                                    



THE AGENT'S BRAT by GodsPrincess16 upadted 05/21/16




CHAPTER 1



"Ayos! Tara na guys." sabi ko sa mga kaibigan ko.


"Teka, si Mark nasa loob pa." aniya ni Jeff.


"Ang bagal naman ni Mark kumilos parang bakla." kumento naman ni Drake.


"Bakla? Sinong bakla?" halatang nagmanadali si Mark. Ni hindi pa nga niya na sirado ng maayos ang bag niya.


"Daming satsat, alis na tayo." naiinip na wika ni Selen.


Nag uunahan kaming sumakay sa kotse ni Drake. Agad akong pumasok sa front seat at tumabi naman sa akin si Selen habang ang driver ay si Jeff.


Nakasimangot na nakaupo sa likod si Drake katabi naman niya ay sina Mark, Luis at Carlos.


"For pete's sake Jeff, wag mong saktan ang baby ko." hindi mapalagay na saad ni Drake na nag-aalala sa kanyang kotse.


"Woooaaah! Let's go party!!!" nagpatogtog nang malakas si Jeff sa kotse na kinabaliw ng lahat.


"Hooop! Hoooo! Waaaaa! Huraaaay! Hoooop, Hoooop!" para kaming baliw na winagawayway ang kamay sa ere.


Nasira ang kasiyahan namin ng may tatlong sasakyang humarang sa dadaanan namin.


Mabilis na hinaan ko ang togtog.


"This is what I'm waiting for." excited na saad ni Selen sabay tanggal ng jacket niya at pinulupot sa bewang nito.



Bababa na sana siya ng pinigilan ko.



"Chill Selen. Wala pang plano." sininyasan ko si Drake.



"Okay, baba ako at baba rin kayo kung magbibigay na ako ng signal. Mark, sumama ka sa akin." bumaba silang dalawa at lumapit sa tatlong kotse.



Bumaba ang isang lalaking naka-itim na naka shades na wala namang araw, sumunod sakanya ang lalaking naka-itim rin at naka hood.


"Ano na kaya ang pinag-uusapan nila?" Si Jeff na hinihimas ang manibela.



"One... Two..." last stamp of feet, lalabas na kaming lahat. Signal iyon mula kay Drake.



"Three!" Lumabas kaming lahat sa kotse at hinarap ang lagpas sampung lalaki. Hoddie Gang ata sila.



Napangisi ako.


"Kinalibutan ako sa ngisi mo Chris." aniya ni Luis.

"Don't be. Excited lang ako." kinandatan ko si Luis at sa isang iglap nagsuntokan at nagpapatayan na kaming lahat.


May sumugod sa akin at hindi ako nagpatinag. Sinuntok ko ito sa mukha kaya nakatulog agad. One down, may sumugod muli sa akin, umatake ito ng suntok pero na ilagan ko. Tumalon ako sa ere saka siya pinatid pero wrong move nakuha niyang ang paa ko.



Isang iglap ay natumba ang lalaking iyon dahil pinatumba ito ni Drake, hinampas niyo ito sa batok.



"Drake naman! Kalaban ko yun eh bakit mo pinatulog? Ang dami pa naman diyang kalaban oh, tsk." reklamo ko sabay pout.








* * *





Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa. I am trying so hard na hindi makalikha ng tunog.



Na freeze ako ng may nakita akong anino ng isang tao. Napa-upo ako at napasilip doon. Shoot!



Pero maya-maya ay nawala ito. Tumayo muli ako at bumulagta sa mukha ko ang mukha ni Mama.



Napalunok ako at napalaro sa kamay. "M-ma! Umuwi ka na pala." isang matalim ng tingin ang pinukol ni Mama sa akin.



"Kamusta ang Davao Ma? Ayos ba dun? Alam mo bang tahimik at maganda daw sa Davao dahil kay Mayor esti kay President Rodrigo Duterte? Isa-" natahimik ako dahil mas lalo atang naiinis si Mama.



Shoot! Anong gagawin ko? Anytime, magiging beast mode itong si Madame Inang Reyna.


"Mmm.. may tinapos lang akong project sa bahay ng kaklase ko Ma. Si Selen, yung maganda at mabait kong kaibigan." napa-atras ako ng bahagyang napaangat ng kamay si Mama.



Nagtaka siya sa kinilos ko. "A-akala ko kasi susuntokin esti sasampalin mo ako." Ma naman, magsalita ka naman.




"I was thinking you had a great time today. A messed day but exciting, right?" napalunok ako.



"Starting tomorrow you will have a personal body guard. He will report every minute of what you're doing my dear Princess Chrisyl. Understood?" Hindi ata nagsink-in sa utak ko ang sinabi ni Mama.



"Good. Now sleep." nauna na siyang umakyat sa taas habang ako hindi makapaniwala sa narinig.



Holy cow! Ano ako? Bata? May body guard? May yaya? O M G! Nakakahiya sa mga barkada ko.

The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon