Chapter 6

343 79 28
                                        



THE AGENT'S BRAT 06.02.16 GodsPrincess16





CHAPTER 6








Takbo lang ako ng takbo. "Excuse me!" dumaan ako sa isang eskinita at pumasok dun.

Sari-saring tao ang nadadatnan ko sa lugar na ito. Magulo, mabaho, maingay at napakaraming kalat.


May nabangga ako, nag sorry na rin ako pero may na inis, may nagalit at may mabuting loob na sinabing okay lang at mag dahan-dahan lang daw ako pero paano ako mag dahan-dahan kung may mga taong hindi ko kilala ang sumusunod sa akin ngayon?


May nakikita akong mga cases ng softdrinks, balak ko sana iyon itumba kaso wala naman akong perang pambayad dun. Tsk. Saka nakakaawa naman si Manong kung tatakbuhan ko lang siya.


"Excuse me po Manong." sabi ko at napatalon sa pagitan ng softdrinks cases but nadapa ako at napamura na lang. Agad akong bumangon at buti na lang hindi nabasag ang mga softdrinks dahil hindi ko naman natamaan.


Pero dang it! I was caught off guard nang pumasok muli ako sa isang eskinta. Dead end kumbaga.



Wala na akong matatakbuhan pa. Pinalilibutan na nila ako. "Anong kailangan niyo sa akin?" matapang kong tanong. "Huwag kang lalapit sa akin. Kita mo 'to?" pinakita ko sakanya ang kamao ko. "Makakatikim ka nito pagnilapitan mo ako."


Jusmeyo! Bakit pa kasi ako napadpad dito at ni wala man lang katao-tao sa lugar na ito at kami lang. Wala ring kung anong bagay na pwedeng ipanghampas sa mga ito.



Anim na lalaki ang nakapalibot sa akin ngayon at may lumapit sa akin kaya pinatid ko ito pero hindi ko man lang siya nasapak. Tawang-tawa pa siya. Mukha pang adik dilat na dilat ang mata, tsk. Napahawak ang dalawa kong kamay sa pader habang masamang nakatingin sakanila.



"Tumigil kayo sa kakatawa." reklamo ko.



"Eh nakakatawa ka kasi." sagot ng bunging lalaki at muli silang tumawa.



Napamura ako ng tatlong beses. Anong gagawin ko? Sa sitwasyon kong ito at sa mga baliw na mga lalaking ito? Lintek naman oh, ang aga-aga gulo agad.




Magpanggap kaya ako na nahimatay? Paano kung dalhin nila ako kung saan.. tapos.. tapos pagnanasaan ang.. napailing ako. Mali!




Paano naman kung pagsusuntukin ko sila? Hindi.. talo ako.. isa lang ako at marami sila hindi ako kagaya ni Cardo ng Ang Probinsyano.



Paano naman kung sasabihin ko sakanila na may sakit akong nakakahawa at baka mamatay sila kapag hahawakan nila ako? Imposible naman ata yun. As if namang maniniwala ang mga panget na 'to.




"Ano nang gagawin mo?" mapang-asar na wika ng lalaking naka tsinelas. I clenched my teeth.












"Chrisyl!" sigaw ng pamilyar na boses. Pagtingin ko sa kaliwa. Isang Bugatti Veyron ang nakaparada at si Rodulfo? Holy shoot! Bugatti?




Napatingin din ang anim na lalaki kay Rodulfo at habang nakatingin sa likod ay buong lakas kong tinulak ang lalaking humarang sa daraanan ko bago pako malunod sa pagka mangha ng bagong sasakyan ni Rodulfo. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Rodulfo at ang loko ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.


Ang anim na lalaki naman ay sumunod sa akin pero nang makapasok na ako kotse ay tumakbo sila papunta rin sa mga kotse nila.


"Shoot! Sino sila?" hinihingal kong tanong sabay alis tingin sa mga lalaking sumusunod sa akin.




The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon