THE AGENT'S BRAT 5.28.16 GodsPrincess16Chapter 4
"Black dress or White Dress? Alin kaya ang mas bagay sa akin?" tanong ko sa salamin. Dumiretso na kami sa Mall matapos mag agahan sa Joy Cafe.
"Rodulfo! Alin yung mas bagay?" tanong ko kay Rodulfo na inaaliw ang sarili sa magazine.
"Ang pagpili ng maisusuot mo ay hindi na kasama sa trabaho ko kaya labas na ako diyan." napasimangot ako sa sagot niya.
"Then I am not asking you as my bodyguard, tinatanong kita bilang kaibigan." Wala siyang imik kaya mas lalo akong napasimangot.
"Gosh! I hate choosing this girlie dresses. Hindi naman ako tomboy pero tinatamad ako ngayon, feeling ko hindi gumagana ang utak ko."
"White dress." napasulyap ako kay Rodulfo. He said White Dress, right? Napasulyap ako sakanya and he acts as if he didn't care.
"Miss, ito na pong white dress ang bibilhin ko pati po itong sandal." aniya ko sa saleslady.
"Okay Miss."
"Rodulfo, kasama pala kita sa party ni Drake bukas. Magdala ka na ring date kung gusto mo." lumapit na rin ako sa cashier at nagbayad.
"May date ka na ba?" napatingin naman ako sakanya.
"Oo, si Drake." napatango lang siya.
"Salamat Miss." Wika ko sa cashier girl saka naglakad paalis dun. Si Rodulfo naman ang nagbitbit ng binili ko. "Bakit? Gusto mo bang ako yung kadate mo bukas?"
"Pasensya na pero hindi ko dinidate ang mga amo ko." aniya.
Napahinto ako sa paglakad at tinignan siya. "Amo mo pala ako? Eh bakit ikaw yung nasusunod? Bakit hindi ko man lang magawa yung gusto ko?" Sunod-sunod kong tanong.
He just stares at me like an idiot. Ugh!
Biglang nag ring ang phone niya at sinagot niya naman ito. "Ako 'to." wika niya sa kabilang linya at napatingin sa akin. "Oo." napatingin naman siya sa paligid at lumayo ng konti sa akin.
Napatingin-tingin na lang ako sa paligid. Sa mga taong papunta doon, papunta rito. Sa mga taong nagtatawanan, seryoso, naghahampasan at naghaharutan.
May nakita rin akong tatlong tao, isang lalaki at dalawang babae, isang ina at ama at isang anak. Hawak nila sa magkabilang kamay ang kanilang anak. Abot langit ang ngiti nila, napakasimple nila pero sobra na nilang saya. Nakakainggit.
"Hi Miss, 18 above ka na ba? Punta ka dito. Masaya 'to. Dalhin mo ito ha, nagsisilbi kasi itong invitation card. Hihintayin kita." isang lalaking hindi ko kilala ang nag-abot sa akin ng papel.
Umalis na rin agad siya at lumapit pa sa ibang tao at nagabot ng papel.
"Madness Celebra-" Hindi ko na natapos basahin ang papel ng inagaw ito ni Rodulfo.
"Ano ba! Akin nga yan. Hindi yan para sayo, huminge ka na lang ulit kung gusto mo." pinilit kong kunin ang papel pero pilit rin niyang inalayo sa akin. Tsk. Bakit ba kasi ang liit ko? O sadyang matangkad lang talaga ang baliw'ng 'to?
I gasp when he tear the paper into pieces. "What the? Rofulfo? Baliw ka talaga! Adik ka talaga! Aish! Mapapraning na talaga ako sayo." napasigaw ako sa inis sa lalaking 'to, pinagtitinginan pa kami ng mga tao at wala akong paki.

BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
ActionLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story