THE AGENT'S BRAT 06.04.16 GodsPrincess16Chapter 7
"Nay Isang, salamat po sa inyong tulong." sabi ko sa matandang babaeng tumulong sa amin at pinatuloy kami sa bahay nila.
Gabi na at hindi parin gumigising si Rodulfo. Nakahiga siya sa banig at nakapwesto lamang sa sahig. Isang bahay na kubo ang tinuluyan namin sa gitna ng gubat.
"Okay lang anak. Huwag kang mag-aalala, magigising narin ang kaibigan mo." I smile to her.
"Lalabas muna ako saglit ha. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka."
"Salamat po." lumabas narin siya.
Nilapitan ko si Rodulfo at hinawi ang buhok niya. Ang bait niya kapag natutulog. Napaka anghel ng mukha niya.
Inilapit ko ang tenga sa dibdib niya, sa puso niya. Pinakinggan ko ang kabog nito.
*Dug*Dug*Dug*
"Aa.aa. A-anong ginagawa mo?" napaayos ako ng upo nang marinig ang boses niya.
"Rodulfo? Gising ka na!" napayakap ako sa saya sakanya. Three seconds ng mapagtanto ko kung anong kahihiyang ginawa ko sakanya.
Napaayos muli ako ng upo. "Aa..e.. masaya lang ako at buhay ka pa. A-yokong mawala ka.. I mean.. isang kang magaling na bodyguard kaya feeling ko safe ako sayo." Napaiwas ako ng tingin sakanya. "Shoot! Ano ba tong pinagsasabi ko?" bulong ko sa sarili.
He chuckles at balak na bumangon, agad ko siyang pinigilan. "Kaya ko ang sarili." sabi niya pero umiling ako.
"Bilin ni Nay Isang na magpahinga ka daw." wala siyang magawa kundi mahiga muli.
"Sige, kung yan ang gusto mo."
"Hindi ko gusto, gusto ni Nay Isang." agad kong sabi na kinatawa niya.
"Okay, sabi ni Nay Isang." muli siyang natawa at napapikit sa mata.
Tumayo ako at lalabas sana pero nahawakan niya ang kamay ko.
Tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
*Dug*Dug*Dug* kabog ng dibdib ko.
Binuksan niya ang mata at sinabing "Dito ka lang. Mas kampante ako kung nakikita kita. Mas safe ka sa tabi ko." ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Mas safe ka sa tabi ko. Para atang may ibig sabihin iyon. Mayroon ba, Rodulfo?
"O-okay." tanging reply ko sa sinabi niya.
Hindi ko alam pero para akong timang sa isang sulok na hindi malayo sa higaan ni Rodulfo na nilalaro ang buhok ko at tumitingin kay Rodulfo kung hindi siya nakatingin sa akin.
Ang awkward ng atmosphere namin. I feel self-conscious and I hate it.
Huhuhuhu! Buti na lang at pinikit niya ang mata niya kaya dali-dali kong pinunasan ang mga pawis ko na nagsisiunahang pumatak dahil sa awkard atmosphere.
Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at nakatulog.
Nagising na lamang ako sa isang napakalambot na kama. Pagtingin ko sa paligid ay kwarto ko pala.
Hinanap ko agad phone ko at tinawagan si Rodulfo. Napa-upo ako sa kama at napa inat ako.
Nabigo ako ng babae ang sumagot sa tawag na sinasabing out of reached daw si Rodulfo. Tinext ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
ActionLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story