Epilogue

288 31 18
                                    

Epilogue

After 10 years...

"Luis.. Andito na ulit kami. Buo at magkasama. Si Chrisyl, Si Jeff, si Mark at si Carlos." sabi ni Drake at ipinatong ko sa ibabaw ng lapida ni Luis ang mga bulaklak. Sinindihan naman ni Jeff ang kandila.

Apat na buwan nang nakalaya si Drake Robert Evans sa kalungan at nagbagong buhay na siya. Unti-unti na rin siyang nagtayo ng bagong negosyo at alam kong he was born to be a businessman, so we are supporting him and we got his back. Napatawad namin siya at binigyan ng pangalawang pagkakataon. Kahit man baliktarin ang mundo, kaibigan parin namin siya.

"Luis, ano? Magkausap ba kayo ni Selen diyan? Pa hi naman ako diyan oh." wika ni Mark.

Si Mark Luker Hontiveros naman ay isa nang Doctor. Yun naman talaga yung pangarap niya at masaya akong natupad niya. Yun nga lang isang Doctor na mahilig makipag basag ulo pero not in a wrong way because he fight for what is right. Wala pa siyang asawa o kahit girlfriend. Masyado pa siyang focus sa career niya.

"Luis, pakisabi kay Selen, bokya parin sa lovelife si Mark dahil hinihintay ka ata. Anak ng tokwa hindi pa naka move on sayo." pang-aasar ni Jeff. Napa-atras siya ng akma siyang suntokin ni Mark.

"Bakit? Ikaw mayron ka na bang lovelife?" tanong ni Mark. Napakamot si Jeff dahil pareho sila. Mahina kaming natawa.

"Mark for your information, inu-una ko ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan natin kaya wala akong panahon para lumandi. Saka sila naman lumalapit sa akin eh, ako ata ang pinakagwapong pulis sa balat ng lupa." wika ni Jeff.

Hindi parin siya nagbabago. Siya parin ang pinakamahangin na nilalang sa balat ng lupa at oo nabasa niyo, isa siyang Pulis, matapat at walang kinatatakotan na pulis. Gaya ni Mark, medyo harsh lang din itong si Jeff Allan Gomez sa mga criminal. Paano ba naman kasi, they are once a gangster and they will always be.

"Dude? Naka-drugs ka ba sa kulungan? O baka naman ikaw mismo ang nagtatago sa mga drugs na nakukuha niyo? Kung ano-ano na kasi yang pinagsasabi mo. Kinalibutan tuloy ako!" sagot ni Mark.

"Hanggang ngayon ba Mark hindi mo pa rin tanggap? Tsk. Malubha na sakit mo Mark, gamutin mo yung sarili mo para saganun matanggap mo ang katotohanan na ako ang pinakagwapong pulis sa balat ng lupa."

"Ha! Hindi talaga kita gagamutin pag ikaw mababaril! Huwag na huwag kang pupunta sa hospital ko!" sigaw ni Mark kay Jeff.

"Tama na yan! Ano ba naman kayo isip bata parin kayo." sabi ni Drake. Natahimik naman sina Mark at Jeff pero yun ang akala ko pero hindi pala. Nakatanggap ng magkabilang sipa si Drake mula sa dalawa. Napahiyaw sa sakit si Drake. Tinulungan naman ni Carlos si Drake upang makatayo.

Si Carlos James Aquino nga pala ang bagong may-ari ng paaralan namin noong highschool at siya rin ang may-ari ng hospital na sinasabi ni Mark. Maliban dun, balak niyang pumasok sa larangan ng politika. School and Hospitals are half politics kaya siguro gusto niya makapasok sa politika. Sa ngayon, nag-aaral ulit siya ng politics.

"Buti pa si Carlos may fiance na." sabi ko.

"Ikaw Chris? Kailan mo balak magpakasal?" tanong ni Jeff sa akin.

"Kasal agad? Wala nga akong boyfriend." sagot ko. Buti na lang malayo siya sa akin dahil baka binatukan ko na siya.

"Sino pala yung kasabay mong kumain kahapon sa 5 star hotel?" tanong ni Drake.

"Si Mr. Dee? Ano ba! Investor yun sa kompanya namin at kinakailangan kong ligawan para mapayag na mag invest sa kompanya ko!" sagot ko. Pa hard to get masyado si Mr. Dee. Nakakainis nga nilalandi pa ako pero hindi ko naman siya type.

The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon