THE AGENT'S BRAT 05.31.16 GodsPrincess16
Chapter 5
[] * Princess Chrisyl Bros POV * []
Pabalik-balik ang lakad ni Jeff. Hindi parin kasi dumarating sina Drake, Mark at Carlos. Wala nang tao sa building lahat kami ay pinalabas nang mga pulis.
"Nahuli na kaya sila?" mahinang tanong ni Selen.
"Hindi sila mahuhuli." wika ni Luis.
"Sana nga!"
Biglang nag ring ang phone ko at sinagot ko ito.
["We are alright. Nasa condo kami, sa condo ko."] nakahinga ako ng maluwag ng marinig si Drake sa kabilang linya.
"Guys! Okay lang sila." sakto lang na marinig nila ang sinabi ko.
Inagaw sa akin ni Jeff ang phone. "Drake, saan kayo? O sige, papunta na kami diyan." inagaw naman ni Selen ang phone mula kay Jeff.
"Drake, okay rin ba sila Carlos at.. Mark?.. Okay, nice to hear that...Yeah... Okay." ibinalik ni Selen ang phone sa akin.
Halatang-halatang sobra silang nag-alala sa tatlo kahit ako hindi mapakali kung wala akong marinig mula sakanila.
"Chrisyl!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Rodulfo! Saan ka galing?" medyo naiinis kong tanong. He made me worried.
"Hinahanap kita sa loob kanina at hindi kita nakita. Wala bang masamang nangyari sayo?" umiling ako. "Nasaan na ang iba mong kaibigan?" dagdag niya.
"N-nagkakahiwalay kasi kami kaya hindi ko na alam kung nasaan na sila ngayon." pagrason ko.
"Baka nandiyan lang sila. Mabuti pa'y iuwi na kita." hindi na lang ako sumagot at sinunod siya.
Nagpaalam ako kina Selen. "Ingat kayo."
"Ikaw rin."
Pagkatapos ay dumiretso ako sasakyan. Napatingin ako sa labas ng kotse.
Nabigla ako ng sinuotan ako ng seatbelt ni Rodulfo. "Masyadong malalim ang iniisip mo." aniya.
"Kinabahan ako sa nangyari kanina. Hinanap kita Rodulfo pero wala ka, saan ka ba nagsusuot? Diba personal bodyguard kita?" inis kong saad.
"May kaibigan ka naman. Hindi ka ba nila naprotektahan?"
Naparolled eyes ako. Pagod na siguro ako kaya kung ano-ano nang naiisip ko. Unti-unti akong nilalamon ng kadiliman at nakatulog ako.
"Chrisyl! Dapat mong iwasan si Rodulfo, hindi siya mapagkakatiwalaan. Isa siyang spy, traydor at isa siyang balakid sa grupo natin." giit ni Drake sa akin na sobrang makahawak sa braso ko.
"Drake! Nasasaktan ako!" asar kong sabi.
"Siya ang makakapagbagsak sa grupo natin Drake!" Si Selen na may matatalim na tingin.
"Gosh! Ano bang pinagsasabi niyo?"
Binitawan ni Drake ang braso ko. "Mark!" tinawag ni Drake si Mark at ganun na lang ang pagpanigas ng katawan ko ng tutukan ako ng baril ni Mark sa ulo.
"M-mark?" nangingig ang buo kong katawan sa kaba.
"Kill her!" sigaw ni Selen.
BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
AksiLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story