Chapter 12

302 60 20
                                        

THE AGENT'S BRAT 06.13.16 GodsPrincess16

(Maligayang balik eskwela mga agent's and brats :D Mag-aral ng mabuti, keep inspired and never waste the chance of achieving your goals and dreams. -Love GodsPrincess16)


Chapter 12


"Papa? Papa! Papa!" ilang beses kong tinawag si Papa pero hindi siya sumasagot.


"Nasaan ang Papa ko?"


"Nasa kabilang sasakyan at tumahimik ka na diyan." alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi nila kami papakawalan.



Wala akong ideya kung saan kami dadalhin ng mga lalaking ito.



Napaiyak ako. "Waaaaaaah!"



"Ang ingay, tumahimik ka!" biglang tumunog ang tiyan ko na mas kinaiyak ko.


Bigla na lang inalis ng lalaki ang plastic bag sa ulo ko. Wala na silang takip sa mga mukha at nasa van kami. May driver at katabi nito ay si lalaking kalbo. Sa next seat naman ay dalawang lalaki, ang pandak at yung may malaking katawan. Habang ako ay sa pangatlo at katabi ko si payatot na lalaki.


Napalingon ako sa likod at bumungad sa akin ang tatlong lalaki dito. Masama ko silang tinignan at hindi nila ako pinansin.



"Tumahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko ang utak mong matigas." hindi ako nagpatinig sa sinabi ng katabi ko.



"Putcha ka! Hindi pa ako nakakain sa araw na ito, gutom na gutom na 'ko. Alam mo bang hindi ko man lang nakain ang paborito kong bacon dahil sa sinabi ni Mama."


"Bakit? Ano ba sinabi ng Mama mo?" curious na tanong ng lalaki na ngayo'y wala nang takip ang mukha. Hindi ko siya kilala.


"Tapos sa inis ko, natulog na lang ako at kayo.. kayong lahat.. nagising ako sa mga ingay niyo."




"Ano ba Carlito, inuuto ka ng bata. Pabayaan mo yan." aniya ng driver sa amin.



"Pagkain lang naman ang gusto ko." mahina kong sabi.


Nagulat ako ng maawa si Carlito sa akin at binigyan niya ako ng pagkain. Nilagay niya ito sa lap ko.



"Malinis ba ito?" pagpanigurado ko.





"Aba syempre!"



"Eh paano ako kakain kong may tali ang kamay ko?"



Limang minuto bago matapos ang pagtatalo nila.


Ayaw kasi akong pakawalan ni Baron, ang driver at si Carlito naman ay kabaliktaran.



Hanggang sa pumayag na si Baron dahil siya lang naman ang ayaw at isa pa, ang iba pang mga lalaki ay walang balak na subuan ako. Akala naman nila papayag akong magpasubo sa mga kagaya nilang panget na nga, masama pa. Tsk.



"Thanks Carl." mahina kong sabi sakanya. Siguro kinakailangan niyang makakuha ng pera kaya siya pumasok sa ganitong trabaho pero kanina, ang bilis niya talaga.



"Tsk. Carlito pangalan ko." Bulong nito at iniwas ang tingin. Alam kong mabuti kang tao Carlito, kaya salamat dahil alam kong hindi mo talaga ako papatayin na kahit tinutukan mo ako ngayon ng baril habang kumakain. Huhuhu.










Hanggang sa mabusog ako at narating namin ang napakalayong bahay. Nasa probinsiya kami, malayo sa sibilisasyon.



"Ibaba na babaeng yan at dalhin kay big boss." Aniya ni Baron.



The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon