THE AGENT'S BRAT 06.10.16 GodsPrincess16
Chapter 10
[] * Third Person POV * []
Napamura si Rodulfo ng makitang nakapikit na ang mata ni Chrisyl.
"Chrisyl! Chrisyl!" tinatapik-tapik niya ang pisnge ni Chrisyl at inespeksyon ang katawan ni Chrisyl kung may tama ba.
Habang ang mga tao ay nagsisitakbuhan palabas ng coffe shop, may nahimatay at may nagtatago sa ilalim ng mesa.
Natapon rin ang mga pagkain sa sahig dahil nabitawan kanina ng iilang waitress ang dala.
Bubuhatin na sana ni Rodulfo si Chrisyl at ilayo sa lugar na iyon ng naunahan siya ng kalaban.
"One move and you're dead, Marco." wika ng lalaking may dalang mataas na kalibri ng baril. Napamura na lang si Rodulfo dahil wala siyang magawa kundi sumunod.
Napanganga sa gulat ang mga tao sa nasaksihan.
Hindi magawang makipaglaban ni Rodulfo dahil baka masaktan o matamaan pa ang walang malay na katawan ni Chrisyl.
Top priority niya ang kaligtasan ng alaga niya.
[] End of POV []
[] * Princess Chrisyl POV * []
Nagising ako sa isang ingay. Mga tinig ng mga lalaki.
"Bakit mo ba pinapakialaman ang mga negosyo namin ha?" galit na wika ng isang lalaki.
Napadilat ako at hindi ko maigalaw ang kamay ko pati ang paa ko. Nasa upuan ako at nakatali ang paa't kamay ko.
Nasa isang abandonadong gusali kami, madilim na ang paligid at nakahandusay sa sahig si Rodulfo na walang damit pantaas habang ang dalawang kamay at paa ay nakadena.
"Gising na pala ang Prinsesa mo." lumapit sa akin ang lalaking walang buhok at hinawakan ang mukha ko.
Nagpapatakan na rin ang luha ko sa takot. I may be a brat but I fear death.
"W-wag niyo siyang g-galawin." nahihirapang wika ni Rodulfo.
"Napakakinis, napakaganda at napakasariwa. Kaya pala maraming may gusto kumuha sa 'yo." napapikit ako ng nilapit niya ang mukha sa mukha ko.
"Magkano ka ba Prinsesa?" nandiri ako sa boses niya kaya tinalsikan ko siya ng laway ko.
Napapikit siya sa ginawa ko at muling dumilat at masama akong tinignan. Walang sabi-sabi at hinawakan ang leeg ko.
"Matapang ka ha!" shoot! Ang higpit ng pagkahawak niya sa leeg ko.
"Dos, huwag mong patayin sa sakal ang babae, makikinabangan pa natin yan." napahinga ako ng binitawan niya ang leeg ko.
"Boss, pinapatawag kayo ni Uno." may isang lalaki na sobra sa laki ang katawan na pumasok at nagsabi nun.
Bago sila lumabas ay may binulong yung si Dos kay Rodulfo. Nang mawala sila ay nakahinga ako ng maluwag.
Nagulat ako ng makita ang pasa sa mukha ni Rodulfo.
"Rodulfo! Anong nangyayari?"
"I'm sorry hindi kita nailayo sakanila." nanghihina niyang wika.
Parang tinusok ang puso ko ng kutsilyo nang makita si Rodulfo na nasasaktan at nahihirapan.
BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
ActionLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story