THE AGENT'S BRAT 06.08.16 GodsPrincess16
Chapter 9
[] * THIRD PERSONS POV * []
"Lintek! Bakit niyo pinaputokan? Alam niyo bang maaring siyang mamatay kung hindi dahil kay Luis?" galit na wika ng binatang lalaki.
Nasa madilim na sulok sila ng club. Walang ibang tao dahil restricted ang sulok na iyon.
"Huwag kang makialam bata. Kahit matamaan man siya kaya siyang ipagamot ni Big Boss kaya umalis ka diyan dahil matatapos na ang misyon namin ngayon din." sagot ng nasa mid30's na lalaki.
"Ang gusto ni Big Boss dalhin siyang buhay kaya wag kayong gago, hindi lang ang punyetang Big Boss niyo ang makikinabang kay Princess Chrisyl Bros, kasali din ako kaya umayos ka sa pagsagot mo sa akin kung ayaw mong ikaw ang barilin ko."
Pero lingid sa kaalaman nila ay may nakarinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Dude?" gulat na wika ni Luis sa binata.
"L-Luis.." bumilis ang tibok ng binatang lalaki ng makita si Luis.
'Shit! Narinig niya lahat. Hindi maari.' sa isip ng binata.
Walang paliguy-ligoy na binaril niya si Luis. Nanlaki ang mata ni Luis at napahawak sa sikmura nitong natamaan. Nakaramdam ng kirot si Luis kaya nanghihinang bumagsak ang katawan nito.
Nakarinig ng mga yapak nang paa ang binata kaya umiisip siya ng paraan upang malusutan ang krimen.
[] * END OF POV * []
[] * Princess Chrisyl POV * []
Pumunta rin si Selen at Jeff sa pinuntahan ni Luis kaya naiwan ako mag-isa. Someone is trying to kill me sa pangalawang pagkakataon! Ghaaad!
Pero sumunod ako sakanila at sa bawat madadaanan kong sulok ay may nababasag at nakakalat na bote ng alak. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko papunta kina Luis.
Napamura ako ng madaplisan ang paa ko ng basag na bote, naka open higheels ako kaya nasabit ang basag na bote.
I didn't pay attention sa paa ko at patuloy parin sa paglalakad at sa isang sulok nadatnan kong nakahiga si Luis habang hawak-hawak siya ni Drake na duguan. Katapat ni Drake sina Selen at Jeff na napaluha.
Napatakip ako sa bibig.
Mas lalong tumibok ng mabilis ang dibdib ko.
Nilapitan ko si Luis. Nagpapatakan na rin ang luha ko.
"Luis, hold on. Dadalhin kita sa ospital." Umiiyak kong sabi.
"W-wag k..." may kung ano siyang sinasabi sa akin pero hindi ko maintindihan. Napatingin rin siya kay Drake tapos sa akin.
"Shhh, wag ka na magsalita Luis. Magiging okay ka rin. Please kapit ka lang." hinihimas ko ang mukha niya at may dugo na rin ang kamay ko.
Dumating ang ambulansya at isinakay si Luis doon.
"Ako na ang sasama." prisenta ni Drake.
"Drake, itext mo ako please." sabi ko sakanya, tumango siya.
"Tara na Chris. Ihahatid ka na namin ni Jeff."
BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
AzioneLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story