Chapter 14

274 53 13
                                        

THE AGENT'S BRAT 06.21.16 GodsPrincess16



Chapter 14

Ngunit hindi namalayan nina Jeff, Carlos at Mark nang maglakad na sa unahan nila si Selen bitbit ang dalawang briefcase.

"S-selen..." nagtaka sila sa nakita.

Patuloy lamang sa paglakad si Selen patungo kay Big boss, sinundan siya ni Mark subalit agad kinasa ng mga tauhan ni Big boss ang mga baril nila kaya napatigil sa paghakbang si Mark.

"Selen? Anong ginagawa mo?" tanong muli ni Mark.

Nakaramdam ng panghihina sina Mark, Carlos at Jeff nang malaman ang katotohanan. Traydor sina Drake at Selen, nag-traydor sakanila ang malapit nitong mga kaibigan.

"Selen.. Drake.. Paano niyo ito nagawa?" sobrang bigat ng loob ni Chrisyl nang binigkas niya ang mga katagang iyon sa dalawang mga kaibigan.

Sa lahat ng tao sa mundo, bakit sila pa? Sila na pinagkatiwalaan? Sila na tinuring nilang kaibigan? Bakit hindi na lang yung iba na hindi nila kilala?

"My daughter Velena El Doraco, good job!"

Ibinigay ni Selen ang dalawang brief case sa ama.

"Hi Princess Chrisyl Bros." Bati ni Selen kay Chrisyl.

"Walanghiya ka Selen! Niloko mo kami, traydor ka!" sigaw ni Chrisyl sa kaibigan.

Tumawa lamang si Selen.

"I'm not Selen Smith, Princess Chrisyl. I am Velena El Doraco. Hindi naman talaga ako isang nine-teen year old boring, gangster teenager. Hindi halata pero I'm 25 years old. Isn't it surprising? And oh, hindi niyo ba alam na si Drake Robert Evans ang pumatay kay Luis?"

Napintig ang tenga ng magkakaibigan sa narinig. Nagulat sila at kung pwede sanang isipin na isang biro lang ang lahat pero hindi, hindi biro, totoo lahat.

Dahil hindi nakahawak si Drake kay Chrisyl ay nagawang sampalin ni Chrisyl si Drake. Hindi nabigla ang binata sa ginawa ng dalaga.

"You killed him? How could you Drake? How could you do that? Shame on you!" umiiyak na rin si Chrisyl sa nalaman.

Walang pumigil kay Chrisyl kaya hinahampas-hamapas niya si Drake.

"Napakasama mo! Ang tanga mo at nagpabulag ka sa pera. Napakabait na tao ni Luis pero bakit kailangan mo siyang patayin? Akala ko ba ikaw ang leader namin? Akala ko ba ikaw ang magsisilbing daan upang maging mas matatag tayo? Pareho lang kayo ni Selen, mga walang puso!" napahagulgol si Chrisyl at nanghihinang napa-upo sa buhangin.

"I'm sorry! I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya, naging tanga ako, oo pero natakot ako. Natakot ako para sa sarili ko, natakot ako at baka tuluyan ng babagsak ang mga negosyo pinaghirapan ng mga magulang ko. Nagawa ko lang naman iyon dahil kinakailangan kong gawin." nasasaktang wika ni Drake at napahilamos sa mukha.

Minsan kasi sa buhay kinakailangan mong sumagal upang makamit ang minimithi, subalit isang maling paraan ang napili ni Drake. Inaamin niyang nagkamali siya at handa naman siyang pagbayaran lahat ng iyon.


"What a pathetic reason you had Drake! May paraan, may iba pang paraan hindi yung kailangang mo pang kumitil ng buhay."

Big boss was about to cut the scene when someone already did.

Dalawang lalaking walang tigil na pinagbabaril ang mga tauhan ni Big Boss. Isa-isahang bumagsak sa buhangin at sa dagat ang mga tauhan ni Big boss. Ang mga tauhang nabaril ay hindi man lang nakalaban.

The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon