Chapter 2

492 86 43
                                        



THE AGENT'S BRAT 05.23.16



CHAPTER 2








"Pfff-ffft! May bodyguard ka?" nakasimangot akong napaupo at napasandal sa puno.

"Wow nagsalita ang walang bodyguard noon." aniya ko kay Carlos.

"Kulang na lang talaga iisipin kong mga royalty blood kayo. Hanep! May mga bodyguard." wika ni Mark habang nagguguhit sa papel.


"Rich kids be like."dagdag ni Luis.


"Not bad Chris, gwapo naman siya at ohlalam pa yung katawan." kahit kailan talaga tong si Selen.


Napasulyap naman ako sa personal bodyguard ko. Nakasandal siya sa kotse na di malayo sa kinaroroonan namin. He looks so cool, hot indeed. I wonder kung saan siya nakuha ni Mama.



Nasa park lang naman kami ng mga barkada ko, ito yung tambayan namin. Maganda dito dahil mahangin kahit maingay at magulo dahil sa mga batang naglalaro at isa pa, public ito kaya mas magandang tambayan.


"Kuya Jeff, tara tagu-taguan tayo." napatingin ako sa batang babaeng lumapit kay Jeff.




"Hi Ana!" bati ko. "Hi Ate Chris!" bati nito pabalik.


Napakamot sa ulo si Jeff. Halatang wala itong planong makipaglaro sa bata.

"Sige na 'tol! Pagbigyan mo na ang bata. Sinanay mo kasi." sabi ni Luis sabay tulak kay Jeff.



"Ano kasi Ana.. may gagawin pa kasi si Kuya. Promise! Bukas maglalaro talaga tayo." napasimangot si Ana.


Nilalaro ko na lang ang buhok at tinatanggal ang split ends nito.


"Eh Kuya Jeff, yan rin yung sinabi mo kahapon." pati ako ay mahinang natawa. Loko talagang Jeff!



Tatayo na sana ako ng biglang nakatayo na rin sa harapan ko si Rodulfo, ang bodyguard ko. Ang bilis niya!



"Oras na para pumasok sa Algebra Class mo Chrisyl." maikli nitong sabi.

"Tinamad akong pumasok." sagot ko.

"Kinakailangan mong pumasok at isa pa marami ka ng absent." kalmado nitong wika.



"So what? Eh tinamad ulit ako!" pagmamaktol ko.


"Tara na!"



"Ayoko nga! Pwede ba, pabayaan mo na lang ako." loko talaga tong mga kaibigan ko ni hindi man lang ako tinulungan.


Kung ako ang magsasalita, titingin sila sa akin at kung si Rodulfo naman ang magsalita kay Rodulfo sila titig.





"Kung ganun, mapipilitan akong pwersahin kang dalhin sa kotse Chrisyl." tila nagbabanta siya.



"Woaaah! Woaah! Time out muna dude." atlast sumingit si Drake. "Papasok tayo ngayon." dagdag ni Drake na kinataas ng kilay ko.


Ang usapin kasi namin ay hindi papasok. Bakit nagbago ang isip mo Drake?


"Ano? Ayoko!" Si Selen na wala talagang planong pumasok.

"Tara na! Sayang yung tuition natin kaya papasok tayo sa school." Nag one stamp si Drake kaya lahat kami ay tumigil sa pinag-gagawa namin.

One stamp means, sumunod kami sakanya. Second stamp means, I or we give up. Third stamp means, let the fight begins. Some kind of codes of our group.


The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon