THE AGENT'S BRAT 07.04.16 GodsPrincess16
Chapter 16
[] * THIRD PERSON POV * []
(Note: Before Chrisyl got shoot)
Nagpapalitan ng suntok sina Agent Wild at Baron. Parehong matapang, malakas at matalino. Bago pa maglanding ang kamao ni Baron sa mukha ni Agent Wild ay nailagan ito ni Agent Wild.
Yumuko si Agent wild at niyakap ang bewang ni Baron at marahas na pinahiga ito sa buhangin.
Agent Wild gave hard punches to Baron but Baron defense mechanism was enough para mapatigil si Agent Wild sa pagsuntok at bumagsak rin sa buhangin.
Tumayo agad si Baron at sinipa sa sikmura si Agent Wild. Nakaramdam na rin ng sakit si Agent Wild, sakit na para bang kinagat ng langgam.
'Weak!' sa isip ni Agent Wild.
Napatingin si Agent Wild sa kinaroroonan nila ni Velena at Chrisyl. Si Chrisyl na tuluyan nang na caught off guard ni Velena.
Kinakailangan na ngang tapusin ni Agent Wild ang pakikipaglaban kay Baron dahil pati pala si Chrisostomo ay nahihirapan narin kay Big boss.
Biglang may tumunog na isang putok ng baril. Lahat sila ay napalingon sa pinanggalingan nito.
Si Chrisyl na nakahawak sa braso nitong natamaan na walang tigil na umaagos ang dugo nito.
Napamura si Agent Wild.
Agad niyang binunot ang baril at babarilin sana si Baron ngunit nasipa ito ni Baron.
Ngumisi si Baron pero muling bumunot si Agent Wild ng armas sa loob ng jacket.
Mabilis na hinawakan ni Agent Wild ang batok ni Baron at sinaksak ang sikmura nito ng isang beses.
"My ways are not your ways." bulong ni Agent Wild kay Baron at muling sinaksak ang sikmura nito.
Napaluwa ng dugo si Baron at nanlaki ang mata. Binitawan ni Agent Wild si Baron at tinulak kaya't napahiga si Baron sa buhangin.
Agad kinuha ni Agent Wild ang baril gamit ang sapatos nito. Nang umere ang baril ay agad niyang hinablot ito.
'At any cost, eliminate the big boss.' isang boses na nag echo sa utak ni Agent Wild. His true mission.
Tatakbo na sana si Agent Wild ng nakarinig siya ng putok ng baril. Pag lingon niya ay tuluyan nang nawalan ng buhay si Baron.
Binaril ito ni Agent Bomb.
"Careless, muntik ka na dun." sabi ni Bomb sa earpiece.
"Tss." tanging reply ni Wild.
Napalapit sina Mark, Drake, Jeff at Carlos kay Chrisyl.
"Selen!" bulyaw ni Mark.
"Fdck Mark! Huwag kang makialam dito." galit na wika ni Velena na naguguluhan na rin sa sarili.
Hindi man niya kayang tanggapin sa sarili pero nagdadalawang isip siyang patayin si Chrisyl, si Chrisyl na naging mabuting kaibigan sakanya.
Kinuha ni Drake ang panyo sa likod ng pantalon niya at itinali sa braso ni Chrisyl ngunit wa epek parin ito dahil manipis ito. Hinubad niya ang damit at ginamit upang gawing tali sa braso ni Chrisyl.
"D-drake.. I am s-still fine." nanghihinang wika ni Chrisyl.
"Shhh.." niyakap ni Drake si Chrisyl at pinoprotektahan ito at napasulyap si Drake sa suot na vest ni Chrisyl.

BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
ActionLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story