THE AGENT'S BRAT 10.19.16 GodsPrincess16
Chapter 18
[]*Louisse Caleb Carumba's POV*[]
Rodulfo Mandolo?
Yes, he is Agent Wild. One of highest rank and trusted agent of SMA. Brutal? No. He is not brutal but his ways are for sure are not your ways.
Kung ako sampung taon gulang pa't nakapasok na sa SMA pero siya? Pitong taong gulang pa lang at nakapasok na siya sa SMA. He is well-trained and well-educated enough.
Confused why other called him Marco? Don't be now because his true name is Rafael Jan Marco Salazar.
He is Agent Wild or Wild in SMA. He is Agent Wild with a mask.
He is Marco sa mga taong kinakalaban niya lalo na ang mga leader syndicate kagaya na lang ni Uno at Dos, they know him as Marco and Marco works with no mask.
And lastly he is Rafael or Raf, sa mga taong malapit sakanya o mas maganda kung sabihin kong mga taong tinuturing niyang pamilya.
[]* Princess Chrisyl Bros POV *[]
"Hi." bati ni Rodulfo at inilagay ang bulaklak at prutas sa lamesa.
Ang personal body guard kong hinired ni Mama at finired niya rin noong nalagay sa kapahamakan ang buhay ko.
"Buti nakabisita ka." wika ko. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mg konting pasa niya sa mukha.
"Kahit hindi mo na ako bodyguard ay gusto ko paring malaman kung nasa mabuti ka nang kalagayan." aniya at umupo katapat ko.
"Ikaw? Kamusta buhay mo?" what da? Did I just asked that to him? Walang kwentang tanong. Pahiya ka dun Chrisyl!
Napatingin siya sa mata ko kaya napaiwas ako ng tingin at napatingin sa labas ng bintana. Mag didilim na pala.
"Ayos lang kahit wala nang trabaho." sagot nito kaya muli kong binalik ang tingin sakanya.
"I'm sorry if nang dahil sa akin nawalan ka ng trabaho. Hindi ko naman sinasadya na mangyari iyon. Kahit ako ay hindi sang-ayon sa ginawa ni Mama. Ibinuwis mo nga yung buhay mo sa akin tapos sinuklian ka lang ni Mama ng ganun kaya humihinge ako ng tawad Rodulfo." Nilalaro ko pa ang mga daliri ko.
"Parte naman iyon ng pagiging tauhan eh, parte iyon ng buhay ng isang trabahador. Wala kang kasalanan. Wala kang dapat ipag hinge ng tawad."
Kahit man sabihin niya iyon ay alam kong naghihinayang siya sa trabaho niya.
Naalarma ako ng tumayo siya. Wait, aalis na ba siya? Ang bilis naman ata?
"Magpagaling ka."
"Aalis ka na ba?" tanong ko. Tumango siya. Gusto kong sabihing huwag muna, manatili ka muna pero darn! nahihiya ako.
"Paalam." he turned his back.
"Wait.." I stop him.
The moment I met his gaze, I blushed. Darn! How could I act like this as if nothing happened?
Naguguluhan na rin ako sa mga nararamdaman ko pati sa sarili ko. Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko para kay Rodulfo?
Puppy love? Wow! Sa edad kong 'to? 19 yrs. old puppy love pa rin? Or infatuation lang ito? Fine! Masisisi niyo ba ako kung ngayon lang ako naka experience ng ganito?
"Hindi naman ito ang huling beses na magkikita tayo diba?" tanong ko at hindi siya sumagot at ngumiti lang.
Gusto ko pa kasi siyang makita.. at makasama. Hindi naman masama ang intensyon ko diba? I sighed. As always, mysterious. Ugh!
Napatitig ako sa suot kong bracelet nang makalabas siya. Hindi ko matandaang sinuot ko ito pero hawak-hawak ko ito kagabi noong muntik na akong sumabog.
Nakita ko ito sa buhangin at pinulot ko ito. Isang bracelet na alam ko kung sino ang nagmamay-ari nito, si Luis- kay Luis ang bracelet na ito pero paano? Minumulto niya kaya ako? OMYGAD!
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto.
[]* Third Person POV *[]
"Sir Drake kinalulungkot kong ibalitang.." hindi na hinayaan ng binata na tapusin ang sasabihin nang malapit na tauhan ng Evans Corp.
Suot ang kulay na orange na damit at naka upo sa simpleng lamesa habang kaharap ang tauhan ay ngumiti ang binatang si Drake.
"Mom and Dad were surely proud of me at the same time, disappointed. You know Kintoy, bata pa lang ako pinapangarap ko talagang tapatan ang mga negosyo ng mga magulang ko. I want to surpass them but fate was too unfair, kinuha agad sila." aniya Drake na pinipigilang tumulo ang luha. Nakangiti man siya pero nagbabadya nang tumulo ang mga luha niya.
"Wala naman akong ibang inisip kundi negosyo at mga kaibigan lang kaso hindi ko namalayang napadpad na pala ako sa sitwasyong isinugal ko lahat, kulang na lang ata pati kaluluwa ko."
"Akala kasi ng mga tao madali lang ang buhay kong tinatahak. Mahirap. Sobrang hirap lalo na't wala kang mga magulang, wala kang makakasamang kumain, walang magtatanong sayo ng kamusta sa tuwing uuwi ka ng bahay, walang nangingialam sayo, walang nag-aadvice, walang nag-aaruga sayo at walang nagmamahal sayo ng buong-buo." hindi na mapigilan ng binata ang pag patak ng mga luha nito.
At walang magawa ang tauhan na si Kintoy kundi himasin ang likod ng among nangungulila sa mga magulang.
***
LIST OF THE CHARACTERS OF AGENT'S BRAT:
1. Princess Chrisyl Bros
2. Drake Robert Evans
3. Mark Luker Hontiveros
4. Carlos James Aquino
5. Jeff Allan Gomez.
6. Selen Smith & her true name is Velena El Doraco
7. Luis Del Rosario & his true name is Louisse Caleb Carumba & known as Agent Bomb
8. Rodulfo Mandolo & his true name is Rafael Jan Marco Salazar & known as Agent Wild9. Chrisostomo Bros
10.. Sandryl Quin Bros
11. Uno
12. Dos
13. Tito Danny or Big Boss
14. Ate Jona(Author's Note:)
Alright. Epilogue na po by next part. Kaya see you :)
~GodsPrincess16
![](https://img.wattpad.com/cover/72608779-288-k80662.jpg)
BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
AksiLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story