Chapter 15

224 48 18
                                    

THE AGENT'S BRAT 06.29.30 GodsPrincess16

Chapter 15

'Shit! How could I beat this Agent?' tanong ni Velena sa isip.

Agent Wild was about to pull the trigger ng dumating si Mark at hinampas si Agent Wild ng kahoy galing sa pagsabog ng mga sasakyang pandagat.

Nagulat si Velena sa ginawa ni Mark. Hindi ba niya alam na kakampi si Agent Wild? Tanong ni Velena sa utak pero kinuha ni Velena ang pagkakataon upang tumakbo at pumunta sa kinaroroonan ng ama.

Habang sa kabilang dako naman ay nadatnan ni Chrisyl ang amang pinipilit na pagbuksan ang briefcase. Hindi ito ordinaryong briefcase dahil may password pala ito. Sumilip lamang ang dalaga mula sa itim na van at napasandal siya dito.

May isang van na nakaharang kaya hindi siya napapansin nina Big boss na ngayo'y nakasakay sa helicopter. Umaandar na rin ang helicopter at anytime ay aalis ito.

"Sabihin mo ang password!" sigaw ni Big boss kay Chrisostomo na may nakatali paring lubid sa kamay.

"Hindi ko nga alam!" sagot ni Chrisostomo.

"H'wag mo akong pinagloloko Chrisostomo!"

Chrisyl sneak out into helicopter. Nakita niyang si Baron ang piloto at walang katabi, siguro kay Velena ang pwestong iyon habang sa likod ay ang ama niya at si Big boss.



Nang makalapit siya dun ay agad gumulo ang buhok niya dahil sa hangin na nagmumula sa pakpak ng helicopter.


Hindi siya napansin ni Baron na dumaan sa kabilang pinto ng helicopter kaya sinipa niya si Baron dahilan na mahulog at mapahiga ito sa buhangin.


Pumasok si Chrisyl sa helicopter pero agad bumungad sakanya ang nakatutok na baril mula kay Big boss.

"Huwag kang magkakamali, Princess." banta nito ngunit na pasigaw si Chrisyl sa sakit dahil hinila ang kanyang buhok ni Baron.

Nag back-bend si Chrisyl at sinuntok ang tagiliran ni Baron ngunit sadyang mas malakas ang lalaki at napaubo ng dugo si Chrisyl dahil sa suntok na natamo sa mukha, hindi pa nakuntento si Baron at sinipa ang binti ni Chrisyl.


Parang mababali ata lahat ng buto sa katawan ni Chrisyl dahil sa suntok at sipa na iyon kaya napahiga at napapilipit siya sa sakit.

Mas lalong nahihirapan si Chrisyl dahil sa suot niyang vest sa katawan, vest ng bomba.

Marahas na pinatayo si Chrisyl at hinawakan sa leeg at tinutukan ng baril ang ulo habang nakaharap kay Big boss. Puno na ng dugo at pasa ang mukha ni Chrisyl kaya napamura ang ama nito.


Kinuha ni Baron ang kwentas sa loob ng bulsa ni Chrisyl at hinagis kay Big Boss. Mas lalong napamura sa utak si Chrisyl.

"Hayop ka talaga Danny! Bakit kailangan pang masali ang anak ko dito?" galit na tanong niya.


"Mamili ka Chrisostomo. Buhay ng anak mo o ang password?"



Sa kabilang dako naman ay kasalukuyang nakikipagpalitan parin ng suntok sina Jeff at Carlos sa mga tauhan ni Big boss.

"Pakeng tape! Bakit unli ata ang mga kalaban?" tanong ni Jeff habang sinusuntok ang mukha ng kalaban. May dugo na rin sa gilid ng labi niya, may pasa at sugat na rin siyang natamo kagaya ni Carlos.

"Gago talaga tong si Mark! Tinulungan pa si Selen na makatakas sa lalaking naka pulang maskara." sagot rin ni Carlos habang binabalian ng braso ang kalaban.

The Agent's BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon