The Agent's Brat 06.06.16 GodsPrincess16
CHAPTER 8
"Ano ba ang pipiliin ko?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
Nandito na kami ngayon sa Park at magdidilim na rin. Tapos na ang klase kaya pumayag si Rodulfo na pumunta kami dito.
Marami paring tao sa park kahit magdidilim na. Naghahabulan ang mga bata, group of friends na nagtatawanan at nagtsitsismisan, may nagtitinda parin ng lobo at pamilyang sabay kumain ng sorbetes.
Ginagamot naman ni Selen ang sugat ni Mark na nakikipag-away kanina lang sa kanto, nakaupo silang dalawa sa bench. Si Luis at si Jeff ay naglalaro ng chess sa damuhan habang si Carlos naman ay nakasandal sa paanan ng puno at nanunuod ng video game na katabi ko lang. Wala si Drake may inaasikaso daw.
"Lumipat ka na lang sa ibang school tapos susundan ka namin." sabi ni Selen.
"Hindi pwede, paano na ako?" tanong naman ni Carlos. Hindi siya pwedeng lumipat dahil apo siya ng may-ari ng school namin ngayon.
"Sabagay." napag isip-isipan ko na rin ito kaninang umaga.
Lalayo na lang muna ako sakanila para na ring makapag-aral ako ng maayos at hindi ako ma-tempt na mag skip ng class o gawin lahat ng gusto ko. Ako kasi ang magmamana ng mga negosyo namin sa hinaharap at isa pa, para hindi sila mapahamak kung may magbabanta man ng buhay ko.
"I think, we need space for the mean time guys." lahat sila ay napatingin sa akin.
"Hindi na muna ako sasama sa inyo at hindi na pala ako sasali sa gang. Mahigpit na pinagbabawal talaga ni Papa eh. Sana maintindihan niyo." dagdag ko.
"Naiintindihan ko pero nakakalungkot." si Luis.
"Wala na ba talagang ibang choice?" wala na Jeff. Napailing na lang ako.
"Susuportahan ka namin sa desisyon mo kahit labag man sa loob namin at hindi porket pinagbawalan ka nang makasama kami ay tuluyan mo na kaming makalimutan."
"Hindi lang tayo magkakasama pero hindi ibig sabihin nun hindi na tayo magkikita at saka you guys are the best part of my life kaya hindi ko kayang gawin yan Mark." lumapit sa akin si Selen.
"Mamimiss kita, ikaw lang yung nakakaintindi sa akin eh." niyakap ako ni Selen napatayo naman si Carlos at tumabi kay Mark sa bench.
"Si Mistisang hilaw talaga oh, para namang lilipad ng ibang planeta si Chris." inirapan lang ni Selen si Carlos.
Natawa na lang kami.
"Last farewell party for the mean time mamayang gabi sa bar ko, ano kaya mo bang tumakas for the last time?" pag-aya ni Jeff.
"You can do it Chris, for the last time." nakangiting sabi ni Selen. Kinalibutan naman ako sa salitang 'for the last time'
Napaisip ako.
Kaya ko namang tumakas kung wala si Papa dahil kung si Papa nasa bahay, paniguradong bantay sarado talaga ako.
Pero malay natin, hindi uuwi si Papa, baka may aasikasuhin siya at kung si Mama naman ang maiiwan sa bahay, gagawa ako ng paraan at kung wala sila pareho.. malaya kong magagawa ang gusto ko, lalo na ang pagtakas.
"I'll be there." determinado kong sabi.
Napatayo si Jeff at lumapit sa akin.

BINABASA MO ANG
The Agent's Brat
AksiLook what life's brought me, chaos, heartaches, lies, secrets and death. [OPEN FOR DEDICATIONS] ⓒ GodsPrincess16 Wattpad 2016 Cover by: @CHarlyanneJER Completed 2017 * Tagalog Story