12. Ina

6.5K 169 17
                                    

"Kathryn." Tawag ni Karla kay Kathryn. Nag angat naman ng tingin ang dalaga, nakita niya agad sa mga mata nito ang takot at kaba sa ginawa niyang pagtawag. Alam ni Karla na alam na ni Kathryn kung bakit niya ito inanyayahan magusap.

Pagkarating ni Kathryn dito sakanilang tahanan, ay sinabi niya agad na magusap muna sila bago nito puntahan ang asawa. Kaya't pinaalaga muna niya ang apo sa kapatid na si Ana.

"Alam ko na ang nangyari. Kung bakit naglasing si Daniel." Sabi pa ni Karla.

Nang dumating ang mag-anak mula sa pamamasyal at ng makita ang sasakyan ni Daniel sa kanilang garahe ay alam na niyang may problema. Hindi naman kasi pumupunta si Daniel ng basta lang sakanilang bahay ng walang paalam. Ayaw kasi ni Daniel na dadating silang mag-anak at nagkalat ang kanilang mga aso. Dahil nga sanggol pa ang kanyang apo, medyo sensitibo ito, kaya bago sila pumunta dito ay nagbibigay alam ito sa ina.

Kaya't ng makita niya ang anak na umiinom ay agad niyang pinaakyat sila Ana upang makausap ang anak. Nilapitan niya ito sa kusina ng makita niyan itong umiiyak.

"Ma, I'm a bad father! I'm a bad husband! Muntik ng mamatay anak ko dahil sa pagseselos na to! Tangina naman." Hindi nagsalita si Karla. Ito kasi ang unang beses na makita niya ang anak na umiiyak at sa harapan pa niya mismo.

Nabigla si Karla ng yakapin siya ng kanyang panganay, at parang nadurog ang kanyang puso ng umiyak ito sa kanyang mga bisig.

"Ma di ko naman ginusto e. Di ko naman ginusto yung nangyari sa anak ko pero bakit ako sinisisi ng asawa ko?"

Napabitaw si Karla sa sinabi ng anak. Hinawakan niya ang balikat nito at iniharap sakanya.

Sinisisi siya ni Kath? Isip nito.

"Sinisisi ka ng asawa mo?" Tanong niya sa anak. At parang batang tumango si Daniel bilang sagot. "At bakit ka niya sinisisi?"

Muling napaluha si Daniel ng maaalala ang eksana ni Kathryn kasama si Min at si Arisse, ang mga salitang binitawan nito patungkol sakanya.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon