35. Still

4.9K 252 12
                                    

Binitawan ni Kathryn ang mga kamay ni Daniel na nakahawak sa kanyang mga kamay.

Hindi niya anak si Leen.

"Bakit siya nandito?" Tanong niya rito. Ang sakit isipin na hindi niya anak ang batang dinala niya rito, pero nakikita niya na parang mas mahal pa nito ang batang iyon kesa sa mga anak nila.

Simula ng dumating sila dito ay hindi man lang gumawa si Daniel ng paraan upang makapagusap sila ng kanyang panganay na anak. Maging ang kanyang babaeng anak ay minsanan lamang nito pagtuunan ng pansin.

Kung minsan pa nga ay iniwan niya si Jaile habang naglalaro sila ng tawagin siya ni Leen. Kitang kita niya ang lungkot sa mga mata ng anak.

Hindi sumagot si Daniel, tila hindi naintindihan ang kanyang tanong, umiwas siya ng tingin, "Hindi mo siya anak!" May galit na sabi niya dito.

Naramdaman niya ang paglapit ni Daniel pero ay lumayo siya rito at mahigpit na hinawakan ang kumot na tanging sumasaplot sa kanyang hubad na katawan.

"Kathryn..."

"Hindi ako nagreklamo na dinala mo siya dito dahil ang alam ay anak mo siya. Pero hindi mo sya anak, Daniel! Anong ginagawa niya dito?!"

"Anak ko siya, Kathryn."

Kumunot ang mga noo ni Kathryn sa naging tugon nito. Nang lingunin niya ang dating asawa ay nakita niyang naiyak ito. Napahilamos ito sa kanyang mukha at saka iniangat ang tingin at tinignan siya sakayang mga mata.

"I've become his father for the last five years, Kathryn. Naging ama na ako ni Leen." Hinawakan ni Daniel ang kanyang mga kamay, hindi niya ito iniwas hinayaan niya itong hawakan siya. "I've longed for my children kaya siguro napamahal narin ako sakanya. Kathryn, hindi madaling saakin to."

"Hindi rin madali ito para sa mga anak mo, naisip mo ba iyon bago mo dinala dito ang anak-anakan mo?!"

Tinignan siya ni Daniel, kitang kita mula sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman. Nagiwas siya nang tingin at naramdaman na lamang niya ang pagluwag ng pagkakahawak nito sakanyang mga kamay.

"I'm sorry..." Nanginginig na sambit ni Daniel. "I was longing for my children that I started treating Leen as my own. Sakanya na umikot ang mundo dahil wala kayo ng mga anak ko. Hindi ko kayo nahanap. I'm sorry kasi tumigil ako sa paghahanap. But I did all possible things to find you, pero wala e, walang Kathryn, walang John, walang Jaile."

Naramdaman niya ang paghawak ni Daniel sakanyang mukha at iniharap ang kaniyang mukha sakaniya. Pinunasan nito ang luha niya.

"Pero nandito na ko. Gagawin ko lahat. Babawi ako. I would do everything to make it up with John, sainyo."

Tinignan niya si Daniel. Ten long years she's been longing for him. Para sa asawa niya, para sa mga anak niya. Kahit na nawalan na siya nang pagasa na babalikan siya nito ay hindi naman siya tumigil na mahalin ito. Kaya nang malaman niya ang katotohanan ay hindi na siya nagdalawang isip na bumalik sa Pilipinas para hanapin ang asawa at maayos ang lahat sakanila.

Pero nang makita niya ito na may kasamang ibang pamilya at nang sinubukan niya mabawi ito at wala parin nangyari ay tinanggap na niya na hindi na niya maibabalik kung anong nawala sakanila ng kaniyang mga anak. Pero hindi niya alam kung ano ang nangyari at kasama na niya ito ngayon.

Pero nang kasama nito si Leen ay alam niya na parte na ito ng buhay niya. Hindi na niya mababago iyon. Nasaktan man siya nang sabihin nito na hindi niya ito totoong anak pero kung ituring niya ito ay higit pa kaysa sa totoo nitong laman at dugo.

Pagod na siya. She's been living the past ten yearas of her life with lies and Daniel's been living his life with longing. Hindi naman kasalanan ng asawa na mapamahal sa iba. Hindi naman kasalanan ng asawa na hindi sila nito nahanap.

Hinawakan niya ang kamay ng asawa at saka marahang hinalikan ito matapos ang ilang sandali ay humiwalay siya at tinitigan ang mga mata nito.

"Buuin na natin tayo, Daniel. Buuin na natin ang pamilya natin." She said. Ngumiti siya ng malungkot, puno nang hinagpis, ng galit, ng panghihinayang at ng pagsisisi.

"Mahal na mahal parin kita." Sambit niya rito. Nabigla si Daniel sa sinabi niya. Tinignan siya nito at muling napaluha. Nginitian siya nito at hinalikang muli.

"Mahal na mahal din kita. Mahal na mahal."

*picture of Kathryn and Daniel kissing*
bernardoford: We've lost ten years in our forever, shall we continue it now? #StillMrsFord
-

Sorry for super late and super short update. Will put up an update before my school starts. 😊

100+ votes!

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon