21. Siya ang nawala

5.7K 171 17
                                    

"Why didn't you tell us na umuwi ka na dito sa Pilipinas? Hindi ko pa malalaman na nandito ka na kung hindi ko pa marinig ang pangalan mo sa balita! At ano itong gulong ginawa mo ha?!" Saad ng kanyang ina.

Hindi ito binigyang pansin ni Kathryn. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang paglilinis. Nagising na lamang siya kaninang umaga sa malalakas na katok na kanyang narinig, at nang pagbuksan niya iyon ay iniluwa nito ang kanyang ina. At pagkakita pa lamang ni Kathryn sa ina ay alam na agad niya kung ano ang pakay nito sakanya, and she was right. Nandito ang ina dahil nalaman na nito na nakauwi na siya ng Pilipinas at ang ginawa nitong pagsugod sa dating manager ng asawa.

Napaharap siya sakanyang ina ng bigla nitong hinatak ang kanyang braso paharap sakanya.

"Kinakausap kita, Kathryn Chandria!" Pagalit na sambit ng ina sakanya. She looked at her mother, coldly.

"Kailangan ko ho bang ipaalam sainyo?" Malamig niyang sambit. Napabitaw naman ang ina ni Kathryn sa lamig na tono ng anak. At nang bitawan siya ng ina ay agad itong lumayo.

Pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay nagsalita na ang ina, "I am your mother. Syempre kailangan kong malaman!" Pasigaw na saad ng ina.

Nilingon niya ito, "At asawa ako ni Daniel!" Sabi ni Kathryn. Tila naguluhan naman ang kanyang ina sa sinabi nito. Kaya ay nilapitan niya ito, but still keeping her distance saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"I am his wife at hindi mo sinabi saakin ang totoo tungkol sa asawa ko!" Galit niyang sambit. Nakita niya na nagulat ang kanyang ina sa kanyang sinabi. Napangiti siya ng mapakla, "Nagulat ka bang alam kong alam niyo na ang nangyari at wala ni isa sainyo ang nagabalang ipaalam saakin ang totoo!"

"Sampung taon niyo kong pinaniwalang hindi ako hinanap ng asawa ko, Ma! Ni hindi niyo man lang sinabi saakin na lumapit sainyo si Tita Carla para sabihin ang totoo! Na lumapit sainyo ang asawa ko para makausap ako! Sampung taon niyo kong pinaniwalang hindi na ko mahal ng asawa ko. Na iniwan niya ko para makasama yung babaeng yun!" Galit niyang sinabi sa ina.

She never felt this angry towards her mother before, ngayon lamang. Noong makalipat sila sa Greece ay umaasa parin siyang hahanapin siya ng asawa. Yun ang naging senyales niya na kung hahanapin siya ng asawa niya ay babalik siya rito. Umaasa siya na hindi totoo ang videong kanyang napanood. Nasaktan siya, oo, kaya siya umalis. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hanggang doon na lang ang pagmamahal niya sa asawa. She hoped ther her Daniel would find her, but after years and years, there was no Daniel that showed up. Hanggang sa maglimang taon na at wala paring Daniel ang nagpapakita, ay sumuko na siya.

Inisip niya noon na iniwan na talaga siya ng asawa. That he didn't love her anymore. Kaya ay ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak.

Pero nang mabasa nya ang kanyang email, at nang malaman niya ang totoo, napuno siya ng galit. Karma ko siguro ito.

"Anak." Saad ng kanyang ina at sinubukan siya nitong hawakan, pero agad niyang iniwas ang sarili sa ina. Nakita niya ang sakit sa mga mata ng kanyang ina nang ginawa niya iyon. Ibinaba nito ang kanyang mga kamay at humingang malalim.

"Ayoko lang na masaktan ka pa anak, nakita ko kung paano ka umiyak noong nakita mo yung video, para saan pa't magpapaliwanag sila malinaw naman na-"

"Hindi alam ni Daniel ang tungkol doon." Pagputol niya sa sinasabi ng ina. Nang tignan niya ito ay nakakunot ang noo nito, tila nagtataka tungkol sa kanyang sinabi.

"Anong hindi alam? Anak kitang kita naman na siya ang masa videong iyon! Kitang kita siyanh may kahalikang babae. Anak pinoprotektahan lang kita!"

Napapikit si Kathryn sa sinabi ng ina. Naaalala niya ang videong iyon, ang videong sumira sa kanyang pamilya.

Matapos ang ilang linggo ng magising siya na wala na sa tabi asawa ay may natanggap siyang isang CD. Walang nakasulat na kahit ano roon, kaya't naisipan niya itong panoorin dahil narin sa kyuryusidad. At nang makita ang laman ng CD ay parang nahati ang puso niya sa dalawa.

Ang asawa niya ay may kahalikang iba.

At pagkakitang pagkakita pa lamang noon ay agad na siyang nagdesisyon na umalis, na desisyon na panghabambuhay niyang pagsisisihan.

"The video was part of a movie. It was a scene for his international movie. The management purposely send it to me para iwanan ko si Daniel, because Daniel didn't want to finish his five year contract-a contract which he never signed. Pineke nila ang pirma ng asawa ko para matuloy ang international movie na iyon!" Nagsimula nang mamuo ang mga luha sakanyang mata habang sinasabi sa ina ang totoong nangyari. Kitang kita sa mukha ni Minerva ang gulat sa sinabi ng anak.

"Luz confirmed it to me through e-mail. Sinabi niyang lahat. Daniel had no contact for five years. Hindi nila hinayaan na malaman ni Daniel na iniwan ko na siya. Ang sabi niya saakin ay utos iyon ng management na nakakataas, ayaw ituloy ni Daniel ang movie dahil sa pagbubuntis ko. Pero kailangang maituloy iyon dahil may pirma na ang kontranta. Pirmang hindi sulat kamay ng asawa ko. Kundi pekeng pirma nila! Pineke nila ang pirma dahil si Daniel lang ang magsasalba sakanila noon nang malugi sila. Pero ayaw pumirma ni Daniel dahil ayaw niya akong iwanan kaya ay pineke nila iyon!"

"Tinakot nila ang asawa ko na idedemanda ako ng management kung hindi ipagpapatuloy ni Daniel ang pelikula. Dahil meron pa akong isang taong kontrata sakanila ng maisipan kong tumigil sa pagaartista. Ginamit nila iyon para mapapayag si Daniel na ipagpatuloy iyon. Pero hindi tumigil ang asawa ko sa pagtawag at pagcontact saakin pero hindi nila iyon hinayaan makarating saakin. And they were left with one solution, and that was to get rid of me, kaya nila ipinadala ang CD na iyon para iwanan ko siya!"

Lumapit si Minerva sa anak, pero hindi na lumayo si Kathryn. Hinang hina na siya habang inaalala kung gaano siya katanga noon para maniwala sa isang videong walang eksplanation. Para hindi siya maniwala sa pagmamahal ng kanyang asawa sakanya. For she didn't trust him enough.

"At ang sama sama nila dahil sinasagot nila ang mga sulat ni Daniel! Pinaniwala nila ang asawa ko na ako ang kasulatan niya. Walang kaalam alam ang asawa ko sa panggagago nila, Ma. Wala siyang kinalaman sa buong pangyayaring ito!"

Napaupo si Kathryn, hinang hina na talaga siya. Agad siyang niyakap ng ina at pilit siyang inalo sa sakit na nararamdaman.

"At nang sinubukan akong hanapin ng asawa ko, siya ang nawala."
-

Hi! May bago akong story. Sana suportahan niyo ha? Entitled "Bakit Di Na Lang Ako?" :)

Hint: "Akala ko magiging okay na kapag nahanap ko na siya. Pero bakit mas masakit pala nung nakita ko na siya."

Quota: 100+votes!
Twitter: @EMStoriesWP

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon