14. Wag lang ikaw

6.4K 292 57
                                    

Umiiyak si Kathryn habang tinititigan ang asawang paulit ulit bumubulong sakanilang anak ng sorry. Pagkatapos magsorry ni Daniel sakanya at makita niya itong umiiyak sa mismong harapan niya ay agad na nanikip ang dibdib niya. It was the first time she saw her husband to cry thay hard. Oo, umiyak na ito sakanya noon, pero ito ang unang beses na humagulhol ito sakanyang harapan. I must've really hurt him.

Pumasok siya sa kwarto, alam niyang alam ni Daniel na naroon siya sa loob pero hindi ito nagabala na lingunin siya. Alam niyang galit ang asawa niya sakanya, nararamdaman niya iyon, at iyon ang pinakanakakasakit sakanya ngayon. Ang galit ng asawa sakanya.

Naglakad siya papalapit dito, umupo ito sa kabilang parte ng kama at sinubukang pigilan ang pagiyak. Masyado siyang nasasaktan sa pangyayari, pero alam niyang kasalanan niya iyon. She felt the need to blame someone para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa muntik pagkawala ng anak, pero hindi niya alam na sa ginagawa niya, ang asawa niya ang pwedeng mawala sakanya. Nanikip ang kanyang dibdib sa ideyang iyon.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"I've won best actress awards several times, laging pinupuri yung pagarte ko, and I was the first ever actress to win best actress awards at Cannes Film hindi ba? They say that acting was my craft, my art, this is what I'm good at, and because they see me that way, good in acting, akala nila magaling na din ako sa ibang bagay." She heard Daniel stopped crying.

"I excel in school, I finished my studies, papuri ulit na ang galing ko because I was able to do school despite of my very hectic schedule. Kaya nga nung magpakasal ako, sabi nila, "she'd be the best wife!" kasi nga magaling daw ako sa lahat ng bagay.

"Same when I got pregnant, sabi nila that I'd be the best mother, pero alam mo, if they can see what's happening right now, I don't know if they could still tell that I am the best. Because the moment I almost lost my son, I already failed as a mother. And the moment I blamed you, I already failed as a wife."

Naramdaman niya ang pagtayo ni Daniel at nakita niya na lamang ito sakanyang harap. Lumuhod ito sa harapan niya at pinunasan ang kanyang luha, hinagkan ni Kathryn ang kamay ng asawa at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Galit ako, Kathryn." Napapikit si Kathryn sa lamig ng boses ng asawa. Binitawan siya nito at tumayo at naupo sa tabi niya.

"Lagi akong nakakatanggap ng hate messages, sa mga fans mo, sa ibang tao, lagi nilang sinasabi sakin na I don't deserve you at all, kasi pinipilit ko lang naman daw ang maging magaling sa lahat ng bagay. Pinipilit ko lang ang pagarte, pinipilit ko lang ang pagkanta, kaya nung nagpakasal ako sayo, yun parin ang sinasabi nila, pinipilit ko ang sarili ko sayo kahit di ako deserving."

Nakita ni Kathryn ang pagpunas ng mga mata ni Daniel kasabay ang pagnginig ng mga balikat nito dahil sa pagiyak.

"Pero diba, wala naman akong pakielam sa sasabihin nila e, kasi ikaw nanjan ka, naniniwala ka sakin, kaya nga nung mabuntis ka ang saya saya ko kasi sabi ko, madadagdagan na ulit yung mga taong naniniwala sakin! Sobrang saya ko nun. Kasi sabi ko, meron akong naibigay sayo na hindi nila kayang ibigay, meron akong isang bagay na hindi nila masasabing pinilit ko magkaroon kasi masaya ka habang dala dala mo siya.

"Pero nung," Napapikit si Kathryn ng marinig ang pagnginig ng boses ng asawa at ang pagpipigil nito na mapahagulgol.

"Nung napahamak si John, natatakot ako, natatakot ako na baka may masabi sila, yun ang unang beses na nagkaroon ako ng pake sa sasabihin nila kasi tatay ako e, ayokong masabi nila na wala akong kwenta. Pero sabi ko, okay lang, kasi yung asawa ko nasa tabi ko, alam ko na hindi niya ko iiwan."

Narinig niya ang asawang humagulgol at napadilat si Kathrun ng marinig iyon. Napakagat labi si Daniel, at sinubukang pigilin ang sarili mula sa pagiyak. Tumingala ito at nagpatuloy sa pagiyak.

"Pero tangina, sobrang sakit pala kapag marinig mo sa asawa mo yung sinasabi nila. Na dahil sakin muntik na mawala si John. Tangina talaga." Nanikip ang dibdib ni Kathryn sa mga katagang binitawan ni Daniel.

Ano nga bang pinagkaiba niya sa mga taong humusga sa asawa niya?

"D-dad..." Hinawakan niya ang kamay ng asawa, tinignan siya nito na umiiyak parin. "Sorry..."

"Okay lang na husgahan ako ng buong mundo, Kathryn, wag lang ikaw."
-

Quota: 80 votes & 25 comments. Kaya ba? (One acc per comments kasi I love reading your reactions. 💘) Mwa.

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon