44. DANIEL

4.2K 104 8
                                    

"Sweet, malambing, mahinhin, ilan lamang yan sa mga salitang nagpapaliwanag kung paano si Kathryn Bernardo, pero nang kamakailan lamang ay nabulabog ang mundo ng showbiz ng magsampa siya ng kaso sa dating network at sa dating manager ng asawang si Daniel Padilla-kung saan ay nagbalik matapod ang sampung taong pagkakawala..."

Sa mga ganitong pagkakataon, ay kinakabahan na sana si Kathryn. Pero ang kabang parati niyang nararamdaman sa tuwing iinterviewhin siya ay hindi niya nararamdaman. Sa halip ay puno ng dedikasyon ang kanyang puso ay tatag lamabg ang nangingibabaw sakanya.

"Kathryn, kamusta?" Patanong sakanya ni Tito Boy. Sa totoo lamang, ay si matagal na itong retiro, pero dahil masyadong nabulabog ang industriya ay pinakiusapan ito upang siya ang maginterview.

"I'm good, finally serving justice." Walang dahas niyang sabi.

"Alam ko na hindi na tayo dapat nagpaliguy-ligoy pa. Nabigla ang lahat, sampung taong walang Daniel, walang Kathryn, tapos kamakailan lamang ay nakita kayong magkasama, biglang nagdemanda ikaw, ano ba, ano ba ang kwento sa likod ng mga pangyayaring ito."

Humigit ng hininga si Kathryn. Ang mga pangyayaring iyon ang paulit ulit nakakasakit sakanya. Pero alam niyang kailangan na niyang panindigan ang mga nagawa niya. Para sa sarili, sa asawa at higit sa lahat para sa mga anak nila.

"10 years ago, we had a huge fight tito boy, a fight that almost ended us." Panimula niya bilang pagaalala sa muntik na kamatayan ng kanilang panganay.

"We had a hard time fixing it, di talaga namin maayos, so he decided to go to Dubai, kasi asap iyon e. He told me that we needed time. So I said okay. Sabi niya three weeks lang e, tapos tumagal, naging three months. Hanggang sa malaman ko na buntis ako. Tapos iyon, pagkapost ko nun sa instagram naming dalawa, paggising ko anjan na siya."

Pinipigilan niya ang sariling umiyak, pero hindi niya kinaya. Iyon kasi ang araw na akala niya nabawi na ang asawa pero ang araw na iyon ang huling araw na nakasama niya ito.

"That was our last day. Hinintay ko siya bumalik nung nawala siya, kahit wala siyang sinabi na babalik ako, I waited kasi alam ko babalik siya. Kasi alam ko mahal niya ko, yung mga anak namin.

"I stopped waiting when I was sent this video..." Pinlay ang video kung saan may kahalikang iba ang binata. Ang nasabing kasama dapat sa eksena ni Daniel sa pelikula niya sa ibang bansa.

"Nagalit ako syempre, nawala yung asawa ko bigla tapos may papakita na ganyan? So I went away. Sa Greece kami tumira. That's where I spent ny life for almost ten years- don ko pinalaki ang mga anak namin. Until accidentally, nasabi sakin ng bestfriend ko si Arisse, na DJ went missing, sampung taon na. I did not hesistant to come home and search for him, especially when I was shown the evidence.

"The video they sent me was a part of the international movie they were making, it was the same movie DJ declined doing kasi I got pregnant nga. They scared him na if hindi niya gagawin yung movie, they'll sue me for not finishing my contract. But what my husband didnt know, I did not resign. The contract that was shown to him, hindi ko pirma.

"There are lot of fake documents, pirma pekeng pirna nila."

Naramdaman ni Kathryn ang galit. Punong puno ang kanyang sarili ng sakit, galit at panghihinayang. Pinunasan niya ang luha niya ng matapos siyang magkwento.

"Kaya kahit ano pang sabihin ng iba, na wala akong utang na loob o ano pa man, wala ho akong pakiealam. Pamilya ko na at asawa ko pinaglaruan nila. Asawa at ina ako. I'll fight for them. Ilalaban ko sila."

NANONOOD lamang si Karla Estrada sa kanyang daughter-in-law. Aminado siya na hindi siya pabor sa naging pagbabalik nito kasama ang kanyang anak. Pero nakita niya kung gaano kasaya ang anak sa piling nito. Hindi lamang niya maiwasang magalit dahil malaki ang naging kadahilanan ni Kathryn sa pagkawala ng anak.

Pero sa nakikita niya ngayon, ay alam niyang ipaglalaban niya ang anak. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na siya galit. Unti unti pa lamang natutunaw ang galit niya rito.

Agad na tumayo si Karla at kinuha ang telepono, "Atty Manalo? Ipabubukas ko uli ang kasong sinampa ko against my son's former network and manager, supporting Mrs. Kathryn Ford's statement. I have all the evidences."

YAKAP yakap ni Daniel ang natutulog na si Leen. Sa araw na ito ay inihatid na nito ang anak sa kaniyang ina na si Luna. Kung sa palabas ay nangyayari kung saan naiinlove ang babaeng nakakasama ng bidang lalaki sakanya, dito ay hindi. Luna knows who she loves. Kahit gago ang ama ni Leen, hindi naman nito maitatanggi na mahal talaga niya ito.

"Ako na magpapaliwanag sakanya." Mabait na sambit ni Luna sakanya.

"Pero..."

"Baka hindi ka niya paalisin, lahat tayo mahihirapan." Ayaw man ni Daniel pero kailangan. Alam niya ang ibig sabihin ni Luna. Alam niyang sa oras na umiyak at pigilan siya ni Leeb ay babalik siya rito. Sobrang napamahal na ito sakaniya, bukod sa kanyang mga anak talaga, ay itniuring na rin niya itong kanya.

"Salamat Daniel." Napalingon siya kay Luna. "Kasi hindi mo sinukuan ang anak ko. And you stayed kahit alam kong uuwi ka na dapat non para patuloy na hanapin si Kathryn."

Naalala niya ang araw na dapat ay ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa asawa, hindi iyon natuloy dahil nakita niya ang hirap ni Luna habang hinahabol ang tatay ng anak.

"Sa sampung taon, isa lang ang hindi ko pinagsisisihan. Ang makilala kayo ni Leen."

"Salamat."

Nagpaalam na sila sa isat isa. Masakit man na iwananan at magpaalam sa kanyang Leen, pero alam niya na kailangan niya ng bumalik sa mga anak.

Napalingon si Daniel sa kanyang telepono ng magring ito, nakita niya ang ina ang tumatawag, agad niya itong sinagot.

"Gising na ang kapatid mo! Gising na si Carmela!"
-----x

HELLO PLEASE READ MY NEW STORY: THE GIRL IN WHITE

KathNiel rin siya. ❤

AND, quota 100+ votes!

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon