32. Tayo

5.1K 276 38
                                    

Kathryn knew that this was the moment they needed. But she didn't expect it to come sooner. Hindi niya alam ang isasagot niya dito dahil kahit siya ay hindi naman niya alam ang nangyari sakanila. They were once the most admired couple in the showbiz industry-even outside the industry. Lahat hinahangaan ang relasyong meron sila.

Goals ika nga. Daniel was the perfect boyfriend ever, ang akala niya ay sa mga palabas lamang iyon. Kathryn was once a believer that there was neither such thing as perfect nor best among the rest pagdating sa isang relasyon-lalong lalo na pagdating sa mga lalaki. She had seen her friends na umiiyak dahil sa mga lalaki, kahit ang mga kapatid niya ay nakita narin niyang umiiyak. Even her Mom and her Ate Shannen.

And Kathryn bear that though in her mind for a long time, kahit nang magsimula na silang maging magkaloveteam na sila ni Daniel. She didn't believe Daniel's confession back then, iniisip niya na para ito sa promotion ng kanilang tambalan, na para makalimutan ng mga tao ang bakas ng dati niyang katambal. But as the time passed by, unti unti na siyang napaniwala nito.

Because even behind the cameras, Daniel stayed true to his words.  Pinatunayan ni Daniel ang mga salitang, "Gusto ko po si Kathryn".

Niligawan siya ni Daniel year 2014. Noong sila pa lamang sina Chichay at Joaquin. And she must admit, that slowly she fell in love. Hindi mahirap mahalin si Daniel, dahil napakatotoong tao nito. Hindi lamang si Kathryn ang niligawan nito kundi maging ang pamilya nito.

Kaya naman Hindi na pinatagal ni Kathryn ang panliligaw na iyon, on May 25th, she gave Daniel her sweetest yes.

And on that same day, Daniel made Kathryn believed that it was actually possible to find a guy who's the best among the rest and make everything perfect.

Kahit may mga hindi sila pagkakaunawaan noon ay kahit kailan ay hindi siya pinatulog ni Daniel na may sama ng loob, kahit kailan ay hindi siya gumising sa umaga na mugto ang mga mata. Pinaramdam sakanya ni Daniel ang kahalagahan niya bilang isang babae, na siyang kinaiinggitan ng lahat.

Kaya naman ang alukin siya nito ng kasal ay agad siyang sumagot ng oo, bago pa lamang niya ibigay ang matamis niyang oo dito ay alam na niya sakanyang sarili na si Daniel ang gusto niyang pakasalan. She's never been so sure in her entire life, noong araw lamang na tinanong siya ni Daniel na pakasalan niya ito.

It was a perfect marriage.

Daniel remained the same kahit kasal na sila. Araw araw nararamdaman niya ang kahalagahan niya, araw araw niya nararamdaman na may nagmamahal sakanya, araw araw siyang gumigising ng masaya.

Not until one accident that brought them to where they are now. It was John nearing to death.

Siguro nga it was her fault.

Her fault because if she didn't blame her Daniel didn't have to leave.

But was it really her fault?

"Noong umuwi ako galing Dubai, yung puso ko hindi mo mararamdaman mo na kahit malayo ka pa, kasi ang lakas talaga ng tibok." Nabalik siya sa realidad ng magsalita si Daniel, tinignan niya ito at napansin niya ang mamasa masa niyang mata at ang nasasaktang emosyon dito.

"Finally after Five years of being away from you, sainto ng nga anak natin, makikita at mahahagkan ko na kayo. Pero hindi iyon ang naabutan ko, wala kayo. Wala kayong pamilya ko. Tapos nalaman ko na pinadalhan ka ng management ng video ko na may kahalikang iba, I went instantly to your house pero wala e, wala na dae tao don, matagal na."

"I spent days, months, even years looking for you Kathryn, araw araw akong nasa labas ng bahay niyo only to see kung maabutan ko kayo ng mga bata doon. Pero wala e, ang galing mong makipagtaguan." Ramdam niya ang galit at sakit ng bawat salitang binibigkas ni Daniel.

Nanuyo ang kanyang bibig at umiwas ng tingin dito nang may pumatak na luha mula sa mga mata ni Daniel.

"I came to the point na kailangan kong maglabas ng video para lang makarating sayo, para lang malaman ko kung nasaan kayo. Pero wala e, nawala bigka yung video, ni hindi ko nga alam kung nakaabot ba sayo yun. Pero hindi yun e, nawalan ako ng pagasa ng may e-mail na dumating sakin. Larawan mo, ikaw, yakap ng iba. Ang sakit non, sobra."

Napakunot ang noo ni Kathryn sa sinabi ni Daniel. May yakap na iba?

"Kaya sabi ko, kung doon ka naman sasaya, okay lang. Kasi yun lang naman ang gusto ko para sayo, yun naman lagi diba? Masaktan na ako wag lang ikaw, mahirapan na ko wag lang ikaw. Pero kahit kailan Kathryn hindi ako nakalimot sa mga anak ko."

Nilingon siya ni Daniel at tinignan, "Pero bakit ganito yung nangyayari? Na parang ginusto ko mawalay sakanila. Na kasalanan ko kung bakit lumaki sila ng wala ako."

Tuluyang bumagsak ang luha ni Kathryn sa mga sinabi ni Daniel, sinisisi ba niya ako?

Hindi niya alam ang sasabihin dito. Nasasaktan siya, naguguluhan. Alam na niya ang lahat pero parang kulang. Parang Hindi pa sapat, parang may hindi pa siya nalalaman.

Umiwas siya ng tingin dito, at unti unti niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

"If only you were brave enough to tell me the truth, then maybe this didn't happen to us."

She bravely told him. Napagod na siyang sisihin ang sarili magisa. Oo at may kasalanan siya, oo at iniwan niya ito, oo at umalis siya but it was because she's been deprived with the truth. At ang katotohanang iyon ay pinagkait mismo sakanya ng dating asawa.

"Nagising na lang ako wala ka na, but I stayed kahit hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. I hoped for you kahit ilang taon mo akong hindi inuwian. Tapos may matatanggap akong video mo na may kahalikang iba. Anong gusto mong isipin ko? Wala akong alam sa kung anong totoo. Kasi kahit ikaw, pinagkait mo sakin yun!"

"I only did that to protect you!"

"You protected me but it was supposed to be us you protected!" Sagot niya sa asawa. Natigilan ito sa sinabi niya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kaya nga tayo kasal para maging isa tayo, diba? Pinrotektahan mo ko pero hindi mo pinrotektahan yung pamilyang meron tayo. What made you think na hindi ko maiintindihan?"

Tinitigan niya ang dating asawa. Pero wala siyang nakuhang sagot mula dito. Muling pumatak ang mga luha sakanyang mga mata at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Niligtas mo nga ako, pero sinira mo tayo."
-

Thank you for 100k reads! 💙😊

Malapit na silang magkaayos, konting kembot na lang. 😉 150+ votes!

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon