43. Laban

3K 85 6
                                    

Nakatitig lamang si Daniel sa kapatid habang nakahiga ito sakanyang hospital bed. Matapos ang naging usapan ng kanilang ina, ay wala na itong nagawa kundi ang hayaan siya sa naging desisyon nito. Ipinaglaban niya si Kathryn. Pero naging mailap ang ina, ni isang salita o sulyap ay hindi niya maibigay sa asawa.

Si Magui, wala pa sa Pilipinas. Sa ibang bansa kasi ito ikakasal kung kaya't naging busy ito sa pagaasikaso ng mangyari ang aksidente. Hindi pa ito makauwi dahil sa ibang araw pa ang kanilang flight pabalik. Samantalang si JC naman ay nakita na niya ngunit alam niyang galit ito. Hindi siya nito niyakap. Hindi siya nito kinakausap. Alam lang niya na nakabalik na siya at iyon na iyon.

Hindi naging matahimik ang kanilang pagbabalik. Isang bagay na inasahan niya na nung nasa Greece pa lamang sila. Sila ang naging laman ng diyaryo, tv, radyo at sa usap usapan sa internet. Inuusisa ng mga tao kung paanong biglang matapos ang sampung taon ng kanyang pagkakawala, ay bigla na lamang siyang bumalik.

Nabalik siya sa kanyang katinuan ng maramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang cellphone, kinuha niya ito at nakita ang text ng ina.

Mama:

Yang asawa mo, gumagawa ng gulo!

Napakunot siya ng nuo sa naging text nito. Tatawagan niya sana ng asawa ng muling may isend ang kanyang ina.

Daniel Padilla, niloko nga ba ng dating network at ng dating manager?
           Nagulantang ang Pilipinas ng makita ng isang netizen ang [dating] mag-asawa na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa airport kasama ang kanilang mga anak. Hindi pa man napapawi ang ingay ng pagbabalik nila matapos mawala ng higit sampung taon, isang sulat ang lumabas sa media. Mula ito sa e-mail ng dating manager ni Daniel na si Luz kung saan isinalaysay kung paano ito niloko ng management....

Napatayo si Daniel sa nabasa. Agad niyang tinawagan ang asawa upang tanungin kung ano ang kaniyang ginagawa. Ngunit hindi niya ito matawagan, nakapatay ang telepono nito. Napatigil siya sa pagtawag ng muling nagmensahe ang ina, panibagong article.

Kathryn Bernardo sues Daniel Padilla's former manager and network station.

"ANONG ginagawa mo?" Rinig na tanong ng ina ni Kathryn ng mabasa ang mga article na nagkalat sa buong interner. Hindi niya pinansin ang ina dahil busy siya sa pagpprint ng mga pruweba para sa kasong kanyang binigay kay Luz at sa dating management.

Hindi napigilan ni Min ang sarili at hinablot ang kamay ng anak, "Kausapin mo nga ako! Bat na gumagawa ka pa ng gulo ha?"

"Hindi gulo ginagawa ko, Ma! Hustisya ang binibigay ko para sa pamilya ko!" Pabalang na sagot ni Kathryn, nanghina siya ng muling maramdaman ang lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan niya.

Bago niya gawin ang mga bagay na ginawa ay sinabihan na niya ang mga kaibigan. Lahat ng mga ito ay hindi sumangayon. Dahil gulo lamang ang hatid nito, ayon sakanila. Pero hindi siya matahimik. Hindi niya matanggap. Ni minsan sa buhay niya hindi siya nakaramdam ng ganitong klaseng galit. Pagkamuhi.

Umupo siya at tinignan ang mga e-mail na isinend sakanya ni Luz. Nakapaloob sa mga ito ang utos ng management.

"Ma... ang sakit padin." Panimula nito, "Kapag iniisip ko kung anong dahilan nila para gawin sa pamilya ko to'. Binibigyan naman namin sila ng maayos na sales, mula sa movie, lahat. Hindi ko naiintindihan." Tuluyan ng lumuha ang kanyang mga mata.

Tinignan ni Min ang anak, lumambot ang kanyang puso sa nakita. Alam niya ang pinagdaanan ng anak. Nandoon siya sa mga panahong umaasa ang anak na muling makikita si Daniel. Nasaksihan niya kung paano ito umasang babalik ito at magpapaliwanag.

Niyakap niya ang anak, "Tutulungan kita, anak. Ipapanalo natin ang laban na ito."

-----

HELLO IM BACK HEHEHEHEZ SORRY FOR LAME UPDATE PERO IM BACK HAHAHAHAHA

Bernardo Ford [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon